02/06/2026
A hearfelt message from our REVIEW ASSISTANCE GRANTEE ❤❤❤
Ms. Cherry Ann Medico, LPT
Calinga-Ibanag IP youth
Brgy. Binatug, San Mariano, Isabela
Bachelor of Seconday Education-Major in English
Isabela State University - San Mariano Campus
MAGNA CUM LAUDE
If there’s one thing I’ve learned from all of this, it’s that God truly writes the best stories.
Kapag binabalikan ko ang lahat, hindi ko akalaing aabot ako sa puntong ito. Maaga akong naging ina at maaga ring natutong humarap sa mga responsibilidad ng buhay. May mga panahong napuno ako ng takot, pagdududa, at mga tanong kung kaya ko pa bang abutin ang mga pangarap ko. Pero isang bagay ang hindi nagbago, hindi ako kailanman pinabayaan ng Diyos. Habang hindi ko nakikita ang daan, Siya ang patuloy na gumagawa ng paraan.
I graduated Magna Cum Laude, at punong-puno ako ng pasasalamat at fulfillment sa biyayang iyon dahil hindi ko naman ito inasahan pero ipinagkaloob sa akin. Ngunit alam ko rin na hindi pa doon nagtatapos ang lahat, dahil may mas malaking hamon pa na naghihintay—ang Licensure Examination for Teachers (LET).
At sa pagharap ko sa panibagong kabanatang ito, isang realidad lang ang kinailangan kong harapin: kailangan kong magpatuloy sa buhay habang naghahanda para sa board exam.
Kinailangan kong magtrabaho at bilang isang asawa, ina, at g**o ng mahigit 130 estudyante, alam kong hindi maaaring tumigil ang mundo ko para lang mag-review.
Lunes hanggang Biyernes, trabaho.
Weekend, review.
Paulit-ulit.
Pitong araw sa isang linggo.
May mga araw na halos ubos na ang lakas ko dahil sa biyahe, trabaho, at dami ng responsibilidad. Pero pinipilit ko pa ring magbasa ng reviewers, makinig sa lectures, kahit pa nga nasa biyahe ako, at paulit-ulit na pagsagot at pagra-ratio ng mga tanong. Napakahirap pero tuloy pa rin ang laban para sa pangarap.
Kaya noong lumabas ang resulta at nakita ko ang pangalan ko, parang lahat ng pagod ay napalitan ng saya. At ngayon, sa tuwing binabalikan ko ang panahong iyon, hindi pagod ang unang naaalala ko—kundi pasasalamat.
Pasasalamat dahil sa buong journey na ito, hindi ako pinabayaan ng Diyos.
Patuloy Siyang nagpadala ng mga taong naging instrumento para maabot ko ang pangarap na ito.
Sa asawa kong tahimik na sumalo sa maraming responsibilidad habang hinahabol ko ang mga pangarap ko. Ang tagumpay na ito ay tagumpay mo rin.
Sa anak kong naging inspirasyon ko sa bawat pagod at pagsubok. Hindi ka naging hadlang sa mga pangarap ko. Sa halip, ikaw ang naging dahilan kung bakit mas lalo akong nagpursige at lumaban.
Sa aking mga magulang, pamilya, biyenan, mga kapatid, kamag-anak, kaibigan, g**o, mentors, at lahat ng naniwala sa akin, maraming-maraming salamat. Ang tagumpay na ito ay bunga rin ng pagmamahal at suporta ninyo.
At isa sa mga biyayang hinding-hindi ko makakalimutan ay ang ipinagkaloob na review assistance ng NCIP San Mariano sa pangunguna ni ma’am Divine Lingan. Thank you so much po sa napakalaking tulong at suporta niyo sa akin. Hindi ko man masuklian ang lahat ng kabutihang ipinakita ninyo, dadalhin ko habambuhay ang pasasalamat na ito.
Kayo ang isa sa mga patunay na hindi hadlang ang kahirapan para maabot ang tagumpay. Totoo na kapag may pangarap ka at may pananampalataya, laging may paraan ang Diyos. At kadalasan, gumagamit Siya ng mabubuting tao o mga organisasyon upang tulungan tayong makabangon at magpatuloy.
Kaya naman sobrang proud ako bilang isang CALINGA-IBANAG. 🤍
Mabuhay ang CALINGA-IBANAG Tribe.
Mabuhay ang ating Indigenous People.
At mabuhay ang buong NCIP family na patuloy na nagbibigay ng pag-asa at oportunidad sa maraming nangangarap.
Habang hawak ko ang panibagong tagumpay na ito, wala akong ibang nararamdaman kundi pasasalamat.
The dream that once lived in my prayers now lives in my reality. 🤍
At ngayon, buong puso kong masasabi,
LPT NA AKO. 🥹🙏🏻
All glory, honor, and praise belong to God alone. ☝🏻🤍