03/09/2026
Setyembre 1, 2026 โ Sa ika-54 na regular session ng Sangguniang Bayan naging bahagi ng talakayan ang mahahalagang usapin na may kinalaman sa edukasyon, seguridad, kalusugan, pondo ng barangay, agrikultura at mga proyekto ng Bayan ng Sariaya.
Kasunod ng pakikipag-ugnayan sa mga school heads ng iba't ibang paaralan sa Sariaya, inihain ang Resolution No. 542-2026, na humihiling kay Hon. David โJay-Jayโ C. Suarez, Representative ng Second District of Quezon, na makatulong sa deployment ng karagdagang PNP o security personnel sa mga public at private secondary schools sa bayan.
Mahalaga ito dahil may 11 public at private secondary schools sa Sariaya na kailangang matiyak ang ligtas na kapaligiran para sa mga mag-aaral, g**o at school personnel.
Kasabay nito, nagpahayag din ng buong suporta ang Sanggunian sa Senate Bill No. 2426 o โComprehensive School Safety Actโ sa pamamagitan ng Resolution No. 544-2026, bilang pagkilala sa kahalagahan ng mas matibay na safety measures sa ating mga paaralan.
KALUSUGAN
Isa sa mahahalagang usapin sa session ang pagpapatuloy ng Doctors to the Barrios (DTTB) Program sa Sariaya.
Sa ilalim ng Resolution No. 546-2026, pinahintulutan ang pagbibigay ng โฑ25,000 buwanang honorarium para sa deployed physician sa ilalim ng DTTB Program.
Samantala, sa Resolution No. 547-2026, binigyan ng kapangyarihan ang Municipal Government of Sariaya na makipag-MOA sa Department of HealthโCenter for Health Development CALABARZON para sa pagpapatupad ng DTTB Program sa ating bayan.
MODERN SARIAYA PUBLIC MARKET
Naaprubahan din ang Resolution No. 532-2026, na nagbibigay-kapangyarihan sa Municipal Mayor na makipag-loan agreement sa LANDBANK para sa financing ng design and build construction ng Modern Sariaya Public Market, na nagkakahalaga ng โฑ350 milyon, subject to ratification ng Sanggunian.
AGRIKULTURA AT KABUHAYAN
Naaprubahan din ang Resolution No. 536-2026, na nagbibigay-kapangyarihan para sa Supplemental Memorandum of Agreement sa Department of AgricultureโRegional Field Office IV-A para sa improvement ng Sariaya Agricultural Trading Center and Facilities. Layunin nitong makatulong sa pagpapabuti ng pasilidad na ginagamit sa agricultural trading at sa daloy ng mga produktong nagmumula sa ating mga magsasaka.
PAGPAPLANO PARA SA 2027
Sa pamamagitan ng Resolution No. 530-2026, inaprubahan ang Annual Investment Program (AIP) ng Sariaya para sa CY 2027, na may kabuuang halagang โฑ2,469,485,000.00.
Samantala, ang Resolution No. 531-2026 ay tumutukoy sa mga priority projects na popondohan mula sa 20% Development Fund para sa CY 2027, na nagkakahalaga ng โฑ528,655,000.00.
IBA PANG NAAPRUBAHAN
Naaprubahan din sa Second Reading at na-dispense sa Third and Final Reading ang:
โข Resolution No. 528-2026 โ Pag-dismiss sa SB Administrative Case No. 01-2026 na inihain laban sa Punong Barangay ng Manggalang-Bantilan.
โข Resolution No. 529-2026 โ Pag-dismiss sa SB Administrative Case No. 02-2026 na inihain laban kay Punong Barangay ng Barangay Pili.
โข Resolution No. 545-2026 โ Pagdeklara na valid at operative ang Supplemental Budget No. 01 ng Guis-Guis San Roque para CY 2026 na nagkakahalaga ng โฑ360,319.18.
Sa Question and Information Hour, dumalo sina Dr. Joana Bless Perey, Doctor to the Barrios, kasama si Dr. Omar, bilang bahagi ng talakayan kaugnay ng pagpapatupad ng DTTB Program sa Sariaya. Ang pagkakaroon ng karagdagang doktor sa Rural Health Unit ay bahagi ng pagsisikap na mapalakas ang access ng mga Sariayahin sa primary health care at community-based medical services.