02/12/2024
Karagdagang hand-held radio para sa ating mga Barangay Tanod!
Bilang bahagi ng aming patuloy na pagsusumikap na mapabuti ang kaligtasan at kaayusan sa ating barangay, layunin po ng hakbang na ito na mapahusay ang komunikasyon sa mga tanod, lalo na sa mga oras ng pangangailangan at emergency.
Ang mga bagong hand-held radio ay magsisilbing kasangkapan upang mas mapadali at mapabilis ang koordinasyon sa pagitan ng ating mga tanod, upang masiguro ang agarang pag-aksyon sa mga sitwasyong nangangailangan ng kanilang pag-aproba at tulong. Sa pamamagitan nito, inaasahan po namin na magiging mas epektibo ang ating mga tanod sa pagtutok sa seguridad ng buong barangay.
Ang aming layunin ay magpatuloy sa pagpapabuti ng serbisyo at proteksyon para sa bawat isa sa ating komunidad.
Patuloy tayo na magtulungan at magsuportahan sa mga programa at proyekto na nakikinabang ang buong barangay.
βοΈ