4Ps MOO - Silang

4Ps MOO - Silang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) MOO - Silang

12/04/2026

"I am deeply grateful to the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) for being an essential part of my journey toward becoming #1 on the board examination.

Through the support it provided, our family’s financial burden was eased, allowing me to fully focus on my studies and stay committed to my dreams. More than just assistance, it became a source of strength and motivation that kept me moving forward despite challenges.

This achievement is not mine alone. I humbly share this success with my family, whose sacrifices inspired me; my mentors, who guided me; and the 4Ps, which stood with me every step of the way.

I hope my story serves as a reminder that with determination, hard work, and the right support, no dream is too far to reach—regardless of one’s circumstances."

Rico Q. Elao
Alegria, Cebu

Top 1 Licensure Examination for Civil Engineers
Magna Cum Laude
Bachelor of Science in Civil Engineering, Major in Structural Engineering
Cebu Technological University – Dumanjug Extension Campus

❤️

Maligayang Kaarawan po Mayor Gen. Ted Carranza 🎉God bless po Mayor! Pagbati po mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Progr...
12/04/2026

Maligayang Kaarawan po Mayor Gen. Ted Carranza 🎉
God bless po Mayor!

Pagbati po mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng Silang, Cavite 😊

Maligayang Kaarawan po, Mayor!

Isang pusong pasasalamat at paghanga ang aming ipinapaabot sa inyo—hindi lamang bilang lider ng bayan, kundi bilang tunay na tagapagtaguyod ng edukasyon at kinabukasan ng bawat Silangueño.

Sa pamamagitan ng Iskolar ng Silang Program, na nagbibigay ng ₱30,000 kada semestre sa loob ng apat na taon para sa 150 na iskolar, tunay ninyong binuksan ang pintuan ng pag-asa para sa maraming kabataan. Dagdag pa rito ang ₱1,100 na uniform allowance para sa mga mag-aaral mula Grade 1 hanggang 10, na malaking tulong sa mga pamilya upang maitaguyod ang pag-aaral ng kanilang mga anak.

Hindi rin matatawaran ang inyong sabayang pagpapatayo ng mga gusaling paaralan—isang malinaw na hakbang tungo sa pagwawakas ng shifting classes at sa pagbibigay ng mas maayos na kapaligiran sa pagkatuto. At sa pagbibigay ng ₱2,500 educational assistance sa 10,000 college students, lalo ninyong pinatibay ang pangarap ng libo-libong kabataan.

Kayo po ay patunay na ang tunay na lider ay may malasakit, may bisyon, at may konkretong aksyon.

Nawa’y patuloy kayong pagpalain ng Poong Maykapal ng lakas, karunungan, at mahabang buhay upang maipagpatuloy ang inyong mga nasimulan para sa bayan ng Silang.

Muli, maligayang kaarawan po, Mayor! 🎉


✨ Mga Ka-4Ps, mula sa pulso ng inyong katanungan— narito na si Mrs. Caring para makinig at tumugon nang may malasakit!Al...
08/04/2026

✨ Mga Ka-4Ps, mula sa pulso ng inyong katanungan— narito na si Mrs. Caring para makinig at tumugon nang may malasakit!
Alamin kung ano nga ba ang 4Ps at kung paano pinipili ang mga benepisyaryo nito.
📖 Basahin ang infographics sa ibaba upang mas maintindihan ang mga kasagutan sa inyong mga tanong.
💡 Tandaan: Walang application process ang 4Ps. Ang pagpili ng mga benepisyaryo ay ibinabatay sa mga itinakdang sistema tulad ng Community-Based Monitoring System (CBMS) upang matiyak na ang mga karapat-dapat na pamilya ang mabibigyan ng tulong.
💬 May natutunan ka ba kay Mrs. Caring? I-comment at ibahagi na ‘yan sa comment section!

08/04/2026

| 𝐁𝐔𝐍𝐓𝐈𝐒 𝐂𝐎𝐍𝐆𝐑𝐄𝐒𝐒 𝟐𝟎𝟐𝟔

Inaanyayahan ang lahat ng mga buntis sa Bayan ng Silang na makilahok sa gaganaping Buntis Congress sa darating na Abril 10, 2026, simula alas-8 ng umaga sa New Municipal Building, 4th Floor Function Hall.

Layunin ng programang ito na magbigay ng mahalagang kaalaman ukol sa pregnancy, prenatal at postnatal health upang masiguro ang kalusugan ng ina at sanggol. Magkakaroon din ng pamamahagi ng Buntis Package para sa unang 100 na kalahok.

Para sa malusog na ina, ligtas na sanggol, at mas matibay na komunidad!


07/04/2026

| Medical Mission (April 9, 2026)

Sa darating na Huwebes, magsasagawa ng libreng serbisyong medikal mula 8:00 ng umaga, sa Ground Floor ng New Municipal Building.

Samantalahin ang libreng check-up at makiisa sa programang pangkalusugan ng ating pamahalaang bayan.

📢   | 🚨 SPES IS NOW OPEN! 🚨Kabataan ng Silang, eto na—hindi na “soon,” kundi ngayon na. 😉The Special Program for the Emp...
06/04/2026

📢 | 🚨 SPES IS NOW OPEN! 🚨

Kabataan ng Silang, eto na—hindi na “soon,” kundi ngayon na. 😉

The Special Program for the Employment of Students (SPES) is here to give Silangueño youth the chance to gain work experience + extra income this summer break. Isang hakbang papunta sa mas matatag na kinabukasan. 💼✨

📌 Deadline of Requirements:
🗓 April 10, 2026

📎 Check the poster for the complete list of requirements—siguraduhing malinaw ang mga isusumite.

Hindi ito paunahan—pero para ito sa mga handang kumilos. Tag your friends at sabay-sabay kayong mag-apply. 🚀







Thank you po sa sa aming supportive Mayor Gen. Ted Carranza at sa MSWDO Head Sir Freddie Rick Calos sa pagsuporta sa pag...
31/03/2026

Thank you po sa sa aming supportive Mayor Gen. Ted Carranza at sa MSWDO Head Sir Freddie Rick Calos sa pagsuporta sa paghost ng Cluster 1 Meeting na ginanap ngayong araw.

Thank you po sa pamunuan ng Municipal Government of Silang .

Ang meeting po na ito ay para sa ikakabuti ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa probinsya ng Cavite.




25/03/2026

Address

Old Municipal Hall, 2nd Floor Of Police Station, Municipal Operations Office/Silang, Brgy. Poblacion 2
Silang
4118

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when 4Ps MOO - Silang posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share