ANGAT BUHAY Donsol

ANGAT BUHAY Donsol Ang pahinang ito ay salamin ng aspirasyon ng bawat Donsolano sa pagkamit ng isang maogmang banwaan at matanos na pamahalaan.

HUWAG HAYAAN PATAYIN ANG USAPIN NG KATIWALIAN!Batid nating hindi lamang sa flood control nagtatapos ang malawak na probl...
12/10/2025

HUWAG HAYAAN PATAYIN ANG USAPIN NG KATIWALIAN!

Batid nating hindi lamang sa flood control nagtatapos ang malawak na problema ng korapsyon sa pamahalaan. Ating ipagpatuloy ang ang protesta mula sa lansangan hanggang mamulat ang lahat ng mamayan na tayo ang makapangyarihan. Patuloy nating kalampagin ang pamahalaan na dapat may managot at makulong sa usapin na ito.

MAGSABIT tayo ng PUTING RIBBON simbolo ng liwanag at hustisya sa madilim na resulta ng katiwalian. Isabit natin sa labas ng ating TAHANAN, SAKSAKYAN, OPISINA, AT PAARALAN. Samahan natin ang ating mga kababayan at simbahan sa panalangin at pakikipaglaban upang wakasan ang katiwalian at makamit ang hustisya para sa bayan.



09/10/2025
07/10/2025
02/10/2025

Noong 2020, panahon ni Rodrigo Duterte, si Elmer Cordero, 72 anyos at may iniindang hernia, ay ikinulong matapos sumama sa anim na jeepney drivers na nagprotesta sa Caloocan para payagan silang makapamasada muli sa gitna ng lockdown. Sa halip na kaunting konsiderasyon, hindi siya pinalaya dahil may pending estafa case kaugnay ng hindi nabayarang upa, kahit isa pang kaso laban sa kanya ay na-dismiss na noon pa. Habang nakikipaglaban lang siya para mabuhay at maitaguyod ang pamilya, ang sagot ng Palasyo: charges must be faced regardless of age. Walang awa, walang tinatawag na humanitarian grounds, kahit alam nilang marupok na ang kanyang katawan at payak lang ang dahilan ng kanyang pakikibaka.

Pero tingnan ang contrast ngayon. Si Rodrigo Duterte, dating pangulo at may kinakaharap na mas mabigat na kaso sa International Criminal Court — crimes against humanity dahil sa libo-libong EJK — ay mismong ipinaglalaban ng Senado na bigyan ng house arrest para raw sa humanitarian considerations. Si Elmer Cordero, isang pobreng tsuper, matanda at may sakit, walang humanitarian considerations at kinulong. Si Duterte, makapangyarihan, pinoprotektahan at ginagawan pa ng espesyal na resolusyon para sa kanyang ginhawa.

Ito ang malinaw na larawan ng hustisya sa bansa. Ang mahirap na lolo, walang awa. Ang makapangyarihang lider, sobra ang awa. Ginagawa ito ng mga senador hindi dahil sa prinsipyo, kundi para sa boto at para mapanatili ang kanilang political career habang sikat pa si Duterte. Ang tawag dyan ay hindi hustisya, kundi pribilehiyo na nakabalot sa kawalang hiya.

01/10/2025
29/09/2025

Handa na ba tayo sa 2028🌷

Address

Sorsogon

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ANGAT BUHAY Donsol posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to ANGAT BUHAY Donsol:

Share