06/08/2026
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐-๐
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
๐๐๐๐๐๐ ang lokal na pamahalaan ng Tampakan sa pamumuno ni Mayor Leonard Escobillo, RN sa CY 2026 Drug-Free Workplace Seal Program Assessment ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Region XII.
Matagumpay na nakuha ng LGU Tampakan ang 85 puntos batay sa isinagawang evaluation at validation ng Regional Assessment Team mula Mayo 20 hanggang Hulyo 14, 2026. Ang resulta ay batay sa pagsusuri ng mga isinumiteng dokumento at pagsunod ng LGU sa mga itinakdang program indicators ng DILG.
Patunay ang pagkilalang ito sa matatag na pagpapatupad ng mga programa at polisiya ng LGU, kabilang ang Municipal Ordinance No. 147 o ang Drug-Free Workplace Ordinance, na naglalayong tiyakin na ang lahat ng kawani ng pamahalaang bayan ay nagtatrabaho sa isang ligtas, responsable, at drug-free na kapaligiran.
Congratulations, LGU Tampakan!