05/09/2025
Dagangv kanu bun sa shabu asal gebped kanudan matay..
Lalaki, biktima ng pamamaril sa DAM; Shabu at Baril, Narekober!
Malubha ngayon ang kalagayan ng isang lalaki matapos siyang barilin sa bahagi ng Sitio Ataw, Barangay Tulunan, bayan ng Datu Anggal Midtimbang-Maguindanao Del Sur.
Kinilala ang biktima na si Aldren Arendain Almento, 41 years old, may asawa at residente ng Upper Lot 1, Sogod-Apopong, General Santos City.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, binaril ang biktima habang nagmamaneho ito na abuhing Innova.
Natagpuan mula sa sasakyan ng biktima ang isang sachet ng pinaniniwalaang shabu, digital weighing scale, at isang Caliber.45 pistol.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng kapulisan para tukuyin ang mga posibleng may gawa ng krimen.
RH