23/06/2026
Government Service Caravan, Matagumpay na Inilunsad sa South Upi
SOUTH UPI, Maguindanao del Sur (Hunyo 23, 2026) β Matagumpay na isinagawa ng Lokal na Pamahalaan ng South Upi, sa pakikipagtulungan sa ChildFund Philippines at ibaβt ibang ahensya ng pamahalaan, ang Government Service Caravan na naglalayong ilapit ang mga pangunahing serbisyo ng gobyerno sa mamamayan.
Sa temang βBarangay: Sama-sama sa Pag-unlad, Tungo sa Masaganang Kinabukasan,β nagbigay ang aktibidad ng mas mabilis at mas madaling akses sa ibaβt ibang programa at serbisyong pampamahalaan para sa mga residente ng South Upi.
Pinangunahan ni Mayor Helen Benito-Padua kasama si Joselito E. NuΓ±ez, Executive Director ng ChildFund Philippinesβ οΏΌ, ang pagbubukas ng programa. Sinundan ito ng ceremonial ribbon-cutting at pormal na pagbubukas ng mga service booths na pinangasiwaan ng ibaβt ibang national government agencies at partner organizations.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Benito-Padua ang kahalagahan ng pagdadala ng mga serbisyo ng pamahalaan sa mga komunidad upang mas marami pang mamamayan ang makinabang sa mga programang pangkabuhayan, pangkalusugan, edukasyon, at iba pang serbisyong panlipunan.
Nagpahayag naman ng pasasalamat ang lokal na pamahalaan sa ChildFund Philippines, mga katuwang na ahensya ng pamahalaan, mga opisyal ng barangay, at iba pang stakeholder na naging bahagi ng matagumpay na pagsasagawa ng caravan.
Patunay ang aktibidad na ito sa patuloy na pagsisikap ng pamahalaang lokal na palakasin ang ugnayan sa komunidad at tiyaking ang mga serbisyo ng gobyerno ay naihahatid hanggang sa pinakamalayong barangay, tungo sa isang mas maunlad at masaganang South Upi.
SINAG South Upi! Alagang Ina, Serbisyong May Puso!