14/07/2026
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Mula nang pamunuan ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao ang LTO, sinimulan ng ahensya ang mas mahigpit na pagpapatupad ng mga regulasyon laban sa mga accredited dealers na lumalabag sa proseso ng initial registration ng mga bagong sasakyan. Bilang bahagi ng kampanyang ito, 178 accredited dealers sa buong bansa ang naisyuhan ng Show Cause Orders (SCOs) mula Enero hanggang Hunyo 2026 dahil sa iba't ibang paglabag, kabilang ang hindi pagsunod sa itinakdang processing period sa pagproseso ng Official Receipt (OR), Certificate of Registration (CR), at plaka.
Isinagawa ang hakbang kasunod ng mga reklamong natanggap ng LTO mula sa mga may-ari ng sasakyan na hindi naibibigay sa itinakdang panahon ang kanilang OR, CR, at plaka na nagiging hadlang sa legal na paggamit ng kanilang mga bagong sasakyan.
Samantala, kabilang sa mga dealer na nakapagtala ng pinakamaraming reklamong natanggap ng LTO ay ang mga sumusunod:
Motorcycle Dealers
1. Rizal Autozone, Inc.
2. Motoxpress Sales Corp.
3. Motortrade
4. Wheeltek Motor Sales Corporation
5. Keymotors Incorporated
Car Dealers
1. Shaw Automotive Resources, Inc.
2. Gateway Motors (Cebu) Inc.
3. MG Gateway Mantrade Corp.
4. Vesuvius Motor Corporation
โPanahon na upang managot ang mga dealer na patuloy na hindi tumutupad sa kanilang obligasyon. Hindi ko rin hahayaan na patuloy na maantala ang serbisyo na dapat natatanggap ng publiko, dahil pagpapahirap ito sa ating mga motorista. Hindi natin ito kukunsintihin. Ang mga dealer na hindi sumusunod sa itinakda na regulasyon ng LTO ay papatawan ko ng preventive suspension, at kung kinakailangan, papatigilin ko ang kanilang operasyon,โ dagdag ni Asec. Lacanilao.
Nilinaw ng LTO na patuloy itong nag-iisyu ng SCO laban sa mga accredited dealer company na mapatutunayang lumalabag sa mga umiiral na batas at regulasyon, bilang bahagi ng mahigpit na pagpapatupad ng batas at pangangalaga sa interes ng publiko.