21/03/2023
𝐁𝐀𝐋𝐈𝐊 𝐏𝐑𝐎𝐁𝐈𝐍𝐒𝐘𝐀, 𝐁𝐀𝐆𝐎𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐆-𝐀𝐒𝐀 | Ang programang ito ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay naglalayong makapagbigay ng pag-asa sa mas magandang kinabukasan ng mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng pagpapantay ng mga resources na maaaring mapaigting ng kaunlaran sa kanayunan.
Kasama din sa layon ng BPBP ay ang pagbabawas ng congestion sa mga urban areas sa bansa sa pamamagitan ng paghikayat sa mga tao, lalong-lalo na sa mga informal settlers na bumalik sa kani-kanilang probinsya at mabigyan ng panibagong-simula.
Kaugnay rito, ang Tacurong City Social Welfare and Development ay tinatawagan ang lahat ng Informal Settlers mula sa Highly Urbanized Areas (Halimbawa nito ay ang Metro Manila, Cebu, Iloilo, Davao, Zamboanga) na nakauwi ng Tacurong simula ng pandemya.
Pumunta sa tanggapan ng City Social Welfare and Development sa likod ng City Hall Building, City of Tacurong mula ngayong araw hanggang March 31, 2023 upang makapag rehistro sa BPBP.
Kabilang sa assistance na matatanggap ng kwalipikado ang mga sumusunod:
1. Transitory Support Package (P40,000.00 grant to start livelihood)
2. Transitory Shelter
3. Livelihood Settlement Grants
Kung ikaw ay naging Informal Settler sa Metro Manila nuong pandemya, magparehistro na!
Maaari ring bisitahin ang CSWD Office para sa mga katanungan at karagdagang impormasyon.