08/09/2026
Isang nakakataba ng puso at nakakantig na pagkakataon na masaksihan ang Khatmul Qur’an ng mga mag-aaral ng Ma'had Nor Litahfizil Qur'ānil kareem-Qismul banaat ❤️.
Ang kanilang pagtitiyaga sa pag-aaral ng Qur’an ay isang magandang halimbawa na ang kaalaman ay bunga ng sipag at tiyaga.
Nawa’y manatili sa kanilang puso ang mga talata na kanilang binasa at matutunan, at maisabuhay nila ang mga aral nito araw-araw.
Alhamdulillah! Nawa’y pagpalain at patatagin sila ng Allah sa landas ng kabutihan. Ameen. 🤲🏻