22/07/2026
๐๐ ๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐-๐๐
๐
๐๐๐๐๐๐๐๐
Nakiisa si Member of Parliament Abrar J. Hataman sa 48th National Disability Rights Week Kick-Off Ceremony ngayong Lunes, Hulyo 20, sa Center for Persons with Disabilities sa Cotabato City, kung saan nagbigay siya ng inspirational message na nakatuon sa dignidad, karapatan, at ganap na partisipasyon ng persons with disabilities sa lipunan.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni MP Abrar na ang karapatan ng mga Persons with Disabilities ay hindi lamang usaping panlipunan kundi usapin ng karapatang pantao at katarungan. Aniya, mahalagang maisalin sa konkretong batas, programa, at institusyon ang mga pangako tungo sa isang mas inklusibong Bangsamoro.
Ibinahagi rin ni MP Abrar ang patuloy na pagsusulong ng Parliament Bill No. 443 o ang proposed Bangsamoro Magna Carta for Persons with Disabilities, na naglalayong higit pang palakasin ang proteksyon at oportunidad para sa mga PWD sa rehiyon, kabilang ang pagkilala sa natatanging kalagayan ng mga conflict-affected persons with disabilities.
Bilang Chairperson ng Committee on Women, Youth, Children, and Persons with Disabilities, binigyang-diin ni MP Abrar na ang pagtatanggol sa karapatan ng Persons with Disabilities ay isang pananagutang dapat sama-samang gampanan ng pamahalaan at ng buong komunidad.
โ๐๐ข๐บ๐ข ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ๐ต๐ข๐ต๐ข๐ฏ๐จ๐จ๐ฐ๐ญ ๐ด๐ข ๐ฌ๐ข๐ณ๐ข๐ฑ๐ข๐ต๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ฆ๐ณ๐ด๐ฐ๐ฏ๐ด ๐ธ๐ช๐ต๐ฉ ๐ฅ๐ช๐ด๐ข๐ฃ๐ช๐ญ๐ช๐ต๐ช๐ฆ๐ด ๐ข๐บ ๐ฉ๐ช๐ฏ๐ฅ๐ช ๐ญ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ๐จ ๐ต๐ถ๐ฏ๐จ๐ฌ๐ถ๐ญ๐ช๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฎ๐ข๐ฉ๐ข๐ญ๐ข๐ข๐ฏ. ๐๐ด๐ข ๐ช๐ต๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ข๐ฎ๐ข๐ฏ๐ข๐ฉ. ๐๐ด๐ข ๐ช๐ต๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐ฏ๐ข๐ธ๐ข๐จ๐ข๐ฏ ๐ฑ๐ข๐ณ๐ข ๐ด๐ข ๐ฃ๐ข๐ธ๐ข๐ต ๐ช๐ด๐ข ๐ด๐ข ๐ข๐ต๐ช๐ฏ ๐ฏ๐ข ๐ฎ๐ข๐จ๐ช๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ด๐ข๐ฏ๐จ๐ฌ๐ข๐ฑ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ข๐ต๐ข๐ณ๐ถ๐ฏ๐จ๐ข๐ฏ, ๐ฏ๐จ ๐ฉ๐ข๐ฃ๐ข๐จ, ๐ข๐ต ๐ฏ๐จ ๐ต๐ถ๐ฏ๐ข๐บ ๐ฏ๐ข ๐ฎ๐ข๐ญ๐ข๐ด๐ข๐ฌ๐ช๐ต. ๐๐ข๐ฑ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ต ๐ฌ๐ข๐ฑ๐ข๐จ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐ฃ๐ถ๐ญ๐ฏ๐ฆ๐ณ๐ข๐ฃ๐ญ๐ฆ ๐ด๐ข ๐ข๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐ญ๐ช๐ฑ๐ถ๐ฏ๐ข๐ฏ ๐ข๐บ ๐ฏ๐ข๐ฃ๐ช๐จ๐บ๐ข๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ข๐จ๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ต๐ข๐ฐ๐ฏ๐จ ๐ถ๐ฎ๐ถ๐ฏ๐ญ๐ข๐ฅ, ๐ข๐ฏ๐จ ๐ฃ๐ถ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ฏ๐จ๐ด๐ข๐ฎ๐ฐ๐ณ๐ฐ ๐ข๐ฏ๐จ ๐ต๐ถ๐ฏ๐ข๐บ ๐ฏ๐ข ๐ถ๐ฎ๐ข๐ข๐ฏ๐จ๐ข๐ต,โ ani MP Abrar.
Ang pagdiriwang ng National Disability Rights Week ngayong taon ay may temang โRights First, Legislation Forward: Strategic Action for Equal Participation and Inclusive Development,โ na nananawagan para sa mas matibay na pagkilos tungo sa pantay na partisipasyon at inklusibong pag-unlad.
๐๐๐ ๐ฉ๐๐ฅ๐๐ข๐ง ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ฌ๐๐ฆ๐จ๐ซ๐จ. ๐๐๐ ๐ฉ๐๐ฅ๐๐ข๐ง ๐๐ง๐ ๐๐๐ฌ๐ข๐ฅ๐๐ง.