06/08/2026
Isa na namang produktibong araw sa ika-30 Regular Session ng Sangguniang Panlungsod. Ngayong araw, iniharap ko ang Committee Report ng Committee on Health and Sanitation kaugnay ng mga panukalang amyenda sa SP Resolution No. 154, Series of 2026, bilang pagtugon sa mga kinakailangan ng Food and Drug Administration (FDA) para sa licensing ng ating mga health facilities.
Ikinagagalak kong ibahagi na naaprubahan ang Committee Report, isang mahalagang hakbang sa patuloy nating pagpapatibay ng kalidad at pagsunod sa pamantayan ng ating mga serbisyong pangkalusugan para sa bawat Surigaonon. ๐