Tagkawayan Market and Slaughterhouse Section

Tagkawayan Market and Slaughterhouse Section Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Tagkawayan Market and Slaughterhouse Section, Government Organization, Tagkawayan.

01/09/2026

Ipinagbibigay alam po sa lahat ng Tagkawayanin at sa Publiko na ang lahat ng Recruitment Activity at Vacancies na sinasa-publiko ng PESO ay “LIBRE” at wala po kayong dapat bayaran na anumang halaga. Kung mayroon po kayong naringgan na ganitong klase ng modus na nag-aalok ng siguradong position o slot sa anumang kumpanya na may katumbas na halaga ay kumpirmahin po muna sa PESO o ipagbigay alam agad sa kinauukulan upang hindi po tayo mabiktima ng mga ganitong uri ng panloloko.

Maging alerto at mapanuri po tayo mga kababayan.

bago bumili, siguraduhing ligtas ang inyong karneng binibili
26/08/2026

bago bumili, siguraduhing ligtas ang inyong karneng binibili

“Red flag na nga ang ex mo, binalikan mo pa.
Red flag na rin ang karne… BIBILI KA PA?” 😭😂🥩

Kahit gaano pa kaganda ang presyo, kung hindi sigurado sa pinanggalingan at kaligtasan ng karne—NEXT!

Meat Inspection Certificate (MIC) and Certificate of Meat Inspection (COMI) muna bago bili! ✅

✔️ Bumili sa awtorisadong meat establishment
✔️ Hanapin ang MIC at COMI
✔️ Siguraduhing maayos ang pagkakaimbak at temperatura

📌MIC para sa mga locally produced meat 🥩
📌COMI para sa mga imported meat 🥩

14/08/2026

Ang operasyon ay bahagi ng pagpapatupad ng 2021 Revised Market Code at DILG Memorandum Circular No. 2022-085 o Implementation of Road Clearing in the New Normal, na nag-aatas sa mga lokal na pamahalaan na magsagawa ng regular na road clearing operations at alisin ang mga sagabal sa mga pampublikong kalsada upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng komunidad.

See more: https://tinyurl.com/3aft79dw

Tugon ng LGU thru Tagkawayan Market and Slaughterhouse Section at Municipal General Services Office sa hinaing tungkol s...
14/08/2026

Tugon ng LGU thru Tagkawayan Market and Slaughterhouse Section at Municipal General Services Office sa hinaing tungkol sa hindi inaasahang pagtagas ng tubig sa gutter sanhi ng malakas na buhos ng ulan kahapon sa pagitan ng Commercial Building at Pavilion A.

‼️Paalala
May tamang channels po para sa mga hinaing, reklamo, at mungkahi. Ang form po ay nasa Market Office at may mga QR code po na nakapaskil sa mga tindahan.
Hindi po tamang avenue ang social media para humimok ng pansin at mag earn ng meta points.
Huwag po mahiya na lumapit sa opisina.

Kasama nyo po ang Market Operation sa pagsasaayos at pagpapaunlad ng serbisyo sa Pamilihang Bayan ng Matatag, Marangal, at Magiliw na Bayan ng Tagkawayan!

Sec B**g Valencia Tadique bumisita sa Pamilihang Bayan upang tingnan ang estado ng trapikoAbangan ang launching ng BONGG...
07/08/2026

Sec B**g Valencia Tadique bumisita sa Pamilihang Bayan upang tingnan ang estado ng trapiko

Abangan ang launching ng BONGGA sa Lunes, August 10

Mas mapayapa at maaliwalas na kalsada para sa Matatag, Marangal, at Magiliw na Bayan ng Tagkawayan!

Katuwang ang MENRO, isinasaayos na po ang ating Materials Recovery Facility (MRF) na nasa likod na bahagi ng ating Pamil...
06/08/2026

Katuwang ang MENRO, isinasaayos na po ang ating Materials Recovery Facility (MRF) na nasa likod na bahagi ng ating Pamilihang Bayan.

Pagtulong-tulungan po natin ang malinis, maayos, at mapayapang Pamilihang Bayan para sa Matatag, Marangal, at Magiliw na Bayan ng Tagkawayan!

Pagpipintura ng mga designated parking spaces sa pamilihang bayan at pagtatalaga ng parking space para sa mga PWD.May mg...
06/08/2026

Pagpipintura ng mga designated parking spaces sa pamilihang bayan at pagtatalaga ng parking space para sa mga PWD.

May mga "no parking zones" din at magkakaroon ng karampatang multa sa mga lalabag.

Mas disiplinadong manininda at mamimili sa batas trapiko ang ating hiling para sa ating bayan.

Para sa Matatag, Marangal, at Magiliw na Bayan ng Tagkawayan!

July 30, 2026Pulong sa pagitan ng mga Meat Shop Managers/Operators, butchers, at Slaughterhouse Operation sa pangunguna ...
06/08/2026

July 30, 2026

Pulong sa pagitan ng mga Meat Shop Managers/Operators, butchers, at Slaughterhouse Operation sa pangunguna ni Market Supervisor III-designate Tristan Jhon Pia kasama sina Meat Inspector Juvy Echano at Livestock Inspector Dante Jose Florido.

Natalakay ang pagpapatupad ng Slaughterhouse Code at nilinaw ang mga pinaiiral na mga polisiya sa pasilidad na nakaangkla sa mga ipinapatupad ng National Meat Inspection Service (NMIS).

Dininig din ang mga suggestions at requests ng mga butchers at meat operators na maipapatupad sa mga darating na araw.

Ang sipi ng pagpupulong ay ipamamahagi sa bawat meat shop operator para sa higit na pagpapalakas ng Slaughterhouse Operation.

Asahan ang participatory, transparent, at accountable services ng Operation of Market and Slaughterhouse para sa Matatag, Marangal, at Magiliw na Bayan ng Tagkawayan!

05/08/2026

𝐃𝐈𝐆𝐈𝐓𝐀𝐋𝐈𝐙𝐄 𝐓𝐎𝐃𝐀𝐘, 𝐓𝐇𝐑𝐈𝐕𝐄 𝐓𝐎𝐌𝐎𝐑𝐑𝐎𝐖!

Attention, Tagkawayan MSMEs! This is your chance to learn how digitalization can help your business reach more customers, boost sales, and stay competitive-all 𝐅𝐑𝐄𝐄 of charge!

Join us for the seminar:
𝐒𝐭𝐫𝐞𝐧𝐠𝐭𝐡𝐞𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐌𝐒𝐌𝐄 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐞𝐭𝐢𝐭𝐢𝐯𝐞𝐧𝐞𝐬𝐬 𝐭𝐡𝐫𝐨𝐮𝐠𝐡 𝐃𝐢𝐠𝐢𝐭𝐚𝐥𝐢𝐳𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐟𝐨𝐫 𝐒𝐮𝐬𝐭𝐚𝐢𝐧𝐚𝐛𝐥𝐞 𝐌𝐚𝐫𝐤𝐞𝐭 𝐆𝐫𝐨𝐰𝐭𝐡

Whether you're just starting your business or looking to expand online, this seminar will equip you with practical knowledge on:

-Digital tools for business
-E-commerce platforms and online marketplaces
-Effective digital marketing strategies
-Growing your customer base through the power of digital technology

𝐃𝐚𝐭𝐞: 𝐀𝐮𝐠𝐮𝐬𝐭 𝟏𝟏, 𝟐𝟎𝟐𝟔 (𝐓𝐮𝐞𝐬𝐝𝐚𝐲)
𝐓𝐢𝐦𝐞: 𝟏:𝟎𝟎 𝐏𝐌 – 𝟓:𝟎𝟎 𝐏𝐌
𝐕𝐞𝐧𝐮𝐞: 𝐄𝐌𝐃𝐂 𝐇𝐚𝐥𝐥, 𝐁𝐫𝐠𝐲. 𝐏𝐨𝐛𝐥𝐚𝐜𝐢𝐨𝐧, 𝐓𝐚𝐠𝐤𝐚𝐰𝐚𝐲𝐚𝐧, 𝐐𝐮𝐞𝐳𝐨𝐧

This learning opportunity is brought to you by the Department of Trade and Industry (DTI)–Quezon through Negosyo Center–Tagkawayan, in partnership with the Local Government Unit of Tagkawayan through BPLO and LEDIPO.

Don't let your business get left behind. Embrace digitalization and unlock new opportunities for growth!

Register today! Simply scan the QR code or click the registration link below to secure your slot.
https://forms.gle/MBnqr1Mhcb5je2aE7

For inquiries you can message Ms. Leslie M. Ramos, Negosyo Center Business Counselor Tagkawayan through email at [email protected]

Invest a few hours of your time and gain valuable insights that can make a lasting impact on your business. We look forward to seeing you there!

Katuwang ang Bumbero Tagkawayan sa pangunguna ni FSINSP NATHANIEL F AGUILAR, matagumpay na isinagawa ang TALAKAYAN AT DA...
28/07/2026

Katuwang ang Bumbero Tagkawayan sa pangunguna ni FSINSP NATHANIEL F AGUILAR, matagumpay na isinagawa ang TALAKAYAN AT DAMAYANG PANGKABUHAYAN bilang bahagi ng Obligasyon sa Bayan Ligtas na Pamayanan Program (OLP) sa mga stall leaseholders ng ating Pamilihang Bayan

Asahan natin ang iba pang mga pagsasanay upang higit na maging ligtas, mapayapa, at maunlad ang Pamilihang Bayan ng Matatag, Marangal, at Magiliw na Bayan ng Tagkawayan!

Address

Tagkawayan
4321

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tagkawayan Market and Slaughterhouse Section posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share