11/08/2026
SERTIPIKO NG NATATANGING PARANGAL
RESCUELYMPICS 2026 🏆
Ika-3 ng Agosto, 2026 (Lunes)- Sa pangunguna ng ating Katulong iti Umili, Mayor Evangeline Ingoy Verzosa, kinikilala ng Lokal na Pamahalaan ng Tagudin ang natatanging ipinamalas na pamumuno, epektibong pakikipagtulungan, at kahusayan sa pagganap ng mga kalahok sa ginanap na RESCUELYMPICS 2026 noong ika-14 ng Hulyo 2026 sa Tagudin Municipal Park, Tagudin, Ilocos Sur, bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month 2026.
Ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ay nagbibigay ng pagkilala at iginagawad ang Sertipiko ng Espesyal na Parangal ilang pagkilala sa kahanga-hangang ipinakitang dedikasyon, kahusayan, at natatanging kontribusyon ng mga kalahok sa pagpapaunlad ng kaalaman at kasanayan sa larangan ng paghahanda at pagtugon sa sakuna.
Ang RESCUELYMPICS 2026 ay nagsilbing mahalagang plataporma upang maipamalas ng mga kabataan ang kanilang kahandaan, disiplina, pagkakaisa, at kakayahan sa mga gawaing may kaugnayan sa Kasanayan sa Pagtugon sa Emerhensiya at Pagliligtas ng Buhay, malasakit sa pagtataguyod ng kahandaan sa sakuna
na mahalaga sa pagbuo ng isang ligtas, matatag, at disaster-resilient na komunidad.
MGA NATATANGING PARANGAL:
Pinakamahusay sa Pagsasagawa ng CPR
(Best in CPR)
-Garitan Integrated School
Pinakamahusay na Pinuno ng Koponan
(Best Team Leader)
-Garitan Integrated School
Pinakamahusay sa Pagbenda
(Best in Bandaging)
-Saint Augustine’s School
MGA NANGIBABAW NA KOPONAN:
Kampeon – Libtong Integrated School
Unang Nagwagi (1st Runner-Up)
– Garitan Integrated School
Ikalawang Nagwagi (2nd Runner-Up)
– Saint Augustine’s School
MGA LUMAHOK NA PAARALAN:
• Tagudin National High School
• Ambalayat Integrated School
• Pudoc West Integrated School
• Tagudin Integrated School
• ISPSC Laboratory High School
Ang inyong ipinakitang dedikasyon ay nagsisilbing inspirasyon sa patuloy na paghubog ng isang handa, ligtas, at matatag na pamayanan.