Brgy Environmental Team

Brgy Environmental Team Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Brgy Environmental Team, Public & Government Service, ipil ipil Street, Taguig.

16/05/2026

Linggo Linggo ay ginanap ang ating Weekly Clean Up drive sa iba't ibang bahagi ng ating brgy. Maayos at malinis na nairaos ang paglilinis sa sampaloc creek sa tulay ng simbahan ng Sto.Niño kasama ang Brgy Environmental Team, FMO, at mga DENR Estero Rangers.

Maraming Salamat po Mayor Lani Cayetano sa palaging pagsuporta sa mga ganitong activity at sa napakasipag na Kapitan Ricky Jordan sa maagap na pagtugon sa mga ganitong sitwasyon. Pagpalain po kayo ng ating Panginoon😇❤

Mga kabaranggay iwasan po natin ang pagtapon ng mga basura sa creek upang di maging sanhi ng pagbaha sa darating na tag ulan.


Brgy. North Signal Village

Calling all Plantitos and Plantitas😍
12/05/2026

Calling all Plantitos and Plantitas😍

🌱 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘 𝐍𝐎𝐑𝐓𝐇 𝐒𝐈𝐆𝐍𝐀𝐋 𝐕𝐈𝐋𝐋𝐀𝐆𝐄 𝐂𝐎𝐌𝐌𝐔𝐍𝐈𝐓𝐘 𝐏𝐀𝐍𝐓𝐑𝐄𝐄 🌱

📅 May 22, 2026
🕗 8:00AM – 4:00PM
📍 3RD FLOOR BARANGAY HALL NORTH SIGNAL VILLAGE – Look for Ms. Camile and Maricel

🌿 Magdala lamang ng malinis na bote ng softdrinks o sako ng bigas upang makakuha ng libreng seedlings.

♻️ Ang bawat seedling ay katumbas ng isang sako o isang bote ng 1.5 softdrinks na malinis.

Sama-sama nating gawing mas luntian at mas maayos ang ating komunidad sa simpleng pagtatanim at pagre-recycle.

✨ Let’s Plant, Let’s Care, Let’s Grow Together! ✨





Bilang paghahanda sa nalalapit na panahon ng tag ulan ang inyo pong lingkod ay agad nakipag ugnayan sa ating mga kasamah...
08/05/2026

Bilang paghahanda sa nalalapit na panahon ng tag ulan ang inyo pong lingkod ay agad nakipag ugnayan sa ating mga kasamahan sa DENR Estero Rangers at mga FMO upang pagtulungang linisan ang matagal na panahon ng nakatambak na basura sa 8th ave creek nawa'y panatilihin ng ating mga kabrgy ang kalinisan nito..

Iwasan po natin ang pagtapon ng mga basura sa creek upang di maging sanhi ng pagbaha sa panahon ng tag ulan.

Maraming salamat po Mayor Lani Cayetano sa wlang sawa pong pagllingkod sa ating bayan at sa napakasipag nating kapitan Ricky Jordan na napaka hands on sa mga ganitong proyekto na palaging snisiguro at inuuna ang kapakanan ng ating mga ka brgy. Pagpalain pa po kayo ng ating Panginoon☺


🔊🔊🔊 UNDER MAINTENANCEPagpaumanhin po ninyo ngunit ang truck ng ating Brgy ay pansamantalang hndi makakabyahe at kasaluku...
28/04/2026

🔊🔊🔊 UNDER MAINTENANCE

Pagpaumanhin po ninyo ngunit ang truck ng ating Brgy ay pansamantalang hndi makakabyahe at kasalukuyan pong inaayos pa. Magtutuloy po ang aming serbisyo sa susunod na linggo. Iwasan po muna natin ang pagtambak o paglabas ng mga basura (Bulky Waste, Panambak at mga kahoy).

Maraming salamat po sa inyong pang unawa.

28/04/2026

☘️🌴🌿Makakalikasang Araw po sa ating lahat🌴☘️🌿

Ngayong araw ay matagumpay nating nalinisan ang 8th Ave creek ksama ang mga masisipag na FMO, ESTERO RANGERS, at Brgy. Environmental Team.

Sari saring mga basura na mula pa noon ang nakabara sa creek kaya mga ka brgy iwasan po natin ang pagtapon sa creek para di maging dahilan ng pagbara at pagdating ng tag ulan hndi po tayo bahain.

Maraming salamat po Mayor Lani Cayetano sa mga gantong proyekto marami pong mga kababayan natin ang natutulungan.
At sa masipag nating Kapitan Ricky Jordan sa napakabilis at maagap na serbisyo para sa mga ka brgy natin pagpalain pa kayo ng ating Panginoon. Mabuhay po kayo😊



🌴☘️🌿Makakalikasang araw po sa ating lahat🌴☘️🌿Kahapon April 22, 2026 ay matagumpay na idinaos ang Cluster 4 Environmental...
23/04/2026

🌴☘️🌿Makakalikasang araw po sa ating lahat🌴☘️🌿

Kahapon April 22, 2026 ay matagumpay na idinaos ang Cluster 4 Environmental Summit 2026 sa Fort Bonifacio Sports Complex kasama ang 7 brgy na nagpamalas ng kani kanilang husay sa pagpapakita ng kani kanilang BEST PRACTICES.

Nag uwi ang ating brgy ng pang 2nd runner up para sa BEST PRACTICES. at 1st Runner Up naman sa pet walk competition.

Maraming salamat po Mayor Lani Cayetano sa pagmamahal at pagsuporta sa ating mga kababayan dito sa Taguig. Maraming salamat din po Fort Bonifacio sa pag organisa ng mga ganitong event para sa ating mga taga barangay, at sa ating kapitan Ricky Jordan sa palaging pagsuporta sa Environmental Team ng North Signal. Mabuhay po kayo at pagpalain po kayo ng ating Panginoon.



🌿☘️Makakalikasang araw po sa ating lahat🌴☘️🌿Ngayong araw ay matagumpay nating naisagawa ang paglinis sa Sampaloc creek a...
10/04/2026

🌿☘️Makakalikasang araw po sa ating lahat🌴☘️🌿

Ngayong araw ay matagumpay nating naisagawa ang paglinis sa Sampaloc creek at pagputol ng mga kawayang natumba na naging sanhi ng pagbara ng mga basura sa creek. Sa tulong ng mga masisipag na taga CENRO, Estero Rangers at Brgy. Environmental Team.

Maraming salamat po Mayor Lani Cayetano at sa buong konseho sa mga ganitong proyekto. Mas napapadali at mapapanatili ang kalinisan ng ating lugar.

Maraming salamat din po Kap Ricky Jordan sa mabilisang aksyon sa matagal ng inirreklamo ng ating mga taga brgy.

Walang imposible pag may tyaga at sinamahan ng kasipagan☺

Muli po sa ating mga ka brgy iwasan po natin ang pagtapon ng mga basura sa creek na maaaring maging sanhi ng pagbaha.

📍Sampaloc Creek



26/03/2026
26/03/2026
🌳🍀🌿MAKAKALIKASANG ARAW PO SA ATING LAHAT 🍀🌳​Ngayong umaga ay matagumpay na naisagawa ang Barangay Express Service Taskfo...
26/03/2026

🌳🍀🌿MAKAKALIKASANG ARAW PO SA ATING LAHAT 🍀🌳

​Ngayong umaga ay matagumpay na naisagawa ang Barangay Express Service Taskforce (BEST) ang pag clean up drive sa mga kalsada at creek, pag declog ng mga kanal, paglagay ng mga pulbos upang mamatay ang mga itlog ng mga lamok sa mga kanal at pagtrim sa mga puno na ginanap sa kahabaan ng Molave St. Brgy. North Signal Village Taguig City upang maging malinis, maliwanag, maaliwalas at ligtas ang ating mga daan.

Pinangunahan ito ng ating masipag na Kapitan Ricky Jordan. kasama ang ating mga dedikadong Kagawad, Barangay Staff, FMO, LUO, CENRO, BAO, Environmental Team, 4PS, at ang ating mga masisipag na NSTP from TCU.

​Ang kalinisan ng ating kapaligiran ay responsibilidad nating lahat. Saludo kami sa bawat isa na nakiisa upang mapanatiling maayos at ligtas ang ating komunidad!

Thank you Mayor Lani Cayetano for programs like this which keeps our environment Clean & Green! 🍃🍃🌱


Brgy. North Signal Village

Address

Ipil Ipil Street
Taguig

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Brgy Environmental Team posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share