Taguig OFW Affairs Office

Taguig OFW Affairs Office MISSION
Our Mission is t assist the distressed Taguigeño OFW’s with the close coordination with various National Government agencies.

MANDATE
Pursuance to Ordinance No.36 series 2017, an ordinance creating the Overseas Filipino Workers Affairs Office (OFWAO) under the office of the city mayor to promote and protect the rights and welfare of the OFW's. The City also offers opportunities for them so they would not have to work abroad and leave their loved ones behind. VISION
We are committed to provide social welfare services and

ensure protection of the interest of our Taguigeño OFW’s and their families thru our partners, from the time they leave and come home.

AUGUST 24, 20268:00 am to 12:00 pm
21/08/2026

AUGUST 24, 2026
8:00 am to 12:00 pm

𝐓𝐚𝐫𝐚 𝐧𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐄𝐒𝐎 𝐓𝐚𝐠𝐮𝐢𝐠'𝐬 𝐀𝐜𝐭𝐮𝐚𝐥 𝐉𝐨𝐛 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫𝐯𝐢𝐞𝐰
(Local Recruitment Activity)
𝐓𝐫𝐚𝐛𝐚𝐡𝐨 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐬𝐚 𝐓𝐚𝐠𝐮𝐢𝐠𝐞𝐧̃𝐨

Umulan man o umaraw ay patuloy ang pagbubukas ng mga oportunidad para sa mga nag-nanais magkaroon ng disente at maayos na pagkakakitaan. Muli tayong magkita-kita sa Agosto 24 (Lunes),2026, simula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng Tanghali na gaganaping muli sa Main Dining Hall ng Mercado Del Lago, Laguna Lake Highway (C6 Road), Brgy. Lower Bicutan, City if Taguig

Mga Dapat Dalhin:

✅ Resume or Biodata with 2x2 photo (at least 5 copies)
✅ Ballpen

Mga Dapat na Kasuotan:
✅ Proper attire with closed shoes
❎No shorts, slippers, or sleeveless shirts

𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐀𝐋𝐀: ang aming Local Recruitment Activity ay bukas para sa 𝐄𝐝𝐚𝐝 𝟏𝟖 𝐩𝐚𝐭𝐚𝐚𝐬

Para sa karagdagang impormasyon:
📧 𝗽𝗲𝘀𝗼@𝘁𝗮𝗴𝘂𝗶𝗴.𝗴𝗼𝘃.𝗽𝗵
📱 𝟳𝟳𝟵𝟱-𝟴𝟴𝟴𝟭
📘 𝗙𝗮𝗰𝗲𝗯𝗼𝗼𝗸: 𝗣𝗘𝗦𝗢𝗧𝗮𝗴𝘂𝗶𝗴𝗟𝗚𝗨

Serbisyong Tapat para sa 𝐓𝐚𝐠𝐮𝐢𝐠𝐞𝐧̃𝐨 hatid ng 𝐏𝐮𝐛𝐥𝐢𝐜 𝐄𝐦𝐩𝐥𝐨𝐲𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐒𝐞𝐫𝐯𝐢𝐜𝐞 𝐎𝐟𝐟𝐢𝐜𝐞 at ng 𝐂𝐢𝐭𝐲 𝐆𝐨𝐯𝐞𝐫𝐧𝐦𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐓𝐚𝐠𝐮𝐢𝐠.



MALIGAYANG KAARAWAN, CONG. JORGE S. BOCOBO! 🎂Taos-pusong pagbati mula sa Taguig OFW Affairs Office (TOFWAO) sa inyong ka...
08/08/2026

MALIGAYANG KAARAWAN, CONG. JORGE S. BOCOBO! 🎂

Taos-pusong pagbati mula sa Taguig OFW Affairs Office (TOFWAO) sa inyong kaarawan Congressman Jorge S. Bocobo

TARA NA..
07/08/2026

TARA NA..

06/08/2026

Magandang umaga po sa lahat. Nais pong ipabatid ng aming opisina na kanselado po ang ating OFW Registration sa Barangay New Lower Bicutan at Barangay Hagonoy ngayong araw.
Magkita po tayong muli sa August 19 & 20. Kahtir shukran.
Mag ingat po ang lahat.

OFW helpdesk and Brgy Registration sa Brgy Hagonoy At Brgy Lower Bicutan with Councilor Kim AbbangIsang matagumpay na ar...
05/08/2026

OFW helpdesk and Brgy Registration sa Brgy Hagonoy At Brgy Lower Bicutan with Councilor Kim Abbang

Isang matagumpay na araw ng OFW Barangay Registration kasama si Councilor Kim Abbang
Maraming salamat sa suporta Councilor at sa mga opisyal ng barangay at sa lahat ng OFWs at kanilang pamilya na nakiisa.

♥️♥️♥️
04/08/2026

♥️♥️♥️

24/06/2026

📣𝗧𝗔𝗥𝗔 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗣𝗘𝗦𝗢 𝗧𝗔𝗚𝗨𝗜𝗚'𝗦 𝗔𝗖𝗧𝗨𝗔𝗟 𝗝𝗢𝗕 𝗜𝗡𝗧𝗘𝗥𝗩𝗜𝗘𝗪
𝗧𝗥𝗔𝗕𝗔𝗛𝗢 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗧𝗔𝗚𝗨𝗜𝗚𝗘𝗡̃𝗢 (Local Recruitment Activity)📣

Patuloy ang pagbubukas ng mga oportunidad para sa mga nag-nanais magkaroon ng disente at maayos na pagkakakitaan. Muli tayong magkita-kita sa 𝗝𝘂𝗻𝗲 𝟮𝟵, 𝟮𝟬𝟮𝟲 (Lunes) mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali sa Mercado Del Lago Main Dining Hall, Laguna Lake Highway (Formely C6 Road) Brgy. Lower Bicutan, Taguig City.

Mga Dapat Dalhin:
✅ Resume or Biodata with 2x2 photo (at least 5 copies)
✅ Ballpen

𝙉𝙤𝙩𝙚𝙙: 𝙊𝙥𝙚𝙣 𝙩𝙤 𝙖𝙡𝙡 𝙖𝙥𝙥𝙡𝙞𝙘𝙖𝙣𝙩𝙨 𝙖𝙜𝙚𝙙 18 𝙖𝙣𝙙 𝙖𝙗𝙤𝙫𝙚.

What to Wear:
✅ Proper attire with closed shoes
❎No shorts, slippers, or sleeveless shirts

Para sa karagdagang impormasyon:
📧 𝗽𝗲𝘀𝗼@𝘁𝗮𝗴𝘂𝗶𝗴.𝗴𝗼𝘃.𝗽𝗵
📱 𝟳𝟳𝟵𝟱-𝟴𝟴𝟴𝟭
📘 𝗙𝗮𝗰𝗲𝗯𝗼𝗼𝗸: 𝗣𝗘𝗦𝗢𝗧𝗮𝗴𝘂𝗶𝗴𝗟𝗚𝗨

𝗦𝗲𝗿𝗯𝗶𝘀𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗧𝗮𝗽𝗮𝘁, 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗧𝗮𝗴𝘂𝗶𝗴𝗲𝗻̃𝗼 𝗵𝗮𝘁𝗶𝗱 𝗻𝗴 𝗣𝘂𝗯𝗹𝗶𝗰 𝗘𝗺𝗽𝗹𝗼𝘆𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗦𝗲𝗿𝘃𝗶𝗰𝗲 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗚𝗼𝘃𝗲𝗿𝗻𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗧𝗮𝗴𝘂𝗶𝗴.



♥️♥️♥️
13/06/2026

♥️♥️♥️

𝗠𝗔𝗚𝗜𝗡𝗚 𝗢𝗪𝗪𝗔 𝗠𝗘𝗠𝗕𝗘𝗥, 𝗠𝗔𝗦 𝗠𝗔𝗗𝗔𝗟𝗜 𝗡𝗔! ONLINE AT 3 STEPS LANG!

Nasaan ka man sa mundo, maaari ka nang mag-apply o mag-renew ng iyong OWWA membership online at magbayad gamit ang GCash.

Hindi na kailangang pumunta sa opisina ng OWWA. Kumpletuhin ang iyong OWWA membership sa ilang simpleng hakbang lamang.

🌐 Mag-apply o mag-renew sa:
membership.owwa.gov.ph

𝗦𝗧𝗘𝗣 𝟭: 𝗢𝗡𝗟𝗜𝗡𝗘 𝗔𝗣𝗣𝗟𝗜𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 & 𝗗𝗢𝗖𝗨𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗨𝗣𝗟𝗢𝗔𝗗
✅ Punan ang online application form
✅ I-upload ang malinaw na kopya ng iyong Passport at Proof of Employment
✅ I-click ang Submit

𝗦𝗧𝗘𝗣 𝟮: 𝗖𝗛𝗘𝗖𝗞 𝗬𝗢𝗨𝗥 𝗘𝗠𝗔𝗜𝗟 & 𝗣𝗔𝗬 𝗩𝗜𝗔 𝗚𝗖𝗔𝗦𝗛
✅ Hintayin ang verification email mula sa OWWA
✅ Kunin ang iyong Payment Reference Number (PRN)
✅ Buksan ang GCash App at sundin ang:
Bills ➜ Government ➜ OWWA
✅ Ilagay ang iyong PRN, mobile number, at eksaktong halaga na nakasaad sa email
✅ I-tap ang Pay

𝗦𝗧𝗘𝗣 𝟯: 𝗦𝗔𝗩𝗘 𝗬𝗢𝗨𝗥 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗥𝗘𝗖𝗘𝗜𝗣𝗧
✅ Tanggapin ang email confirmation mula sa OWWA
✅ I-download at itago ang iyong OWWA Acknowledgment Receipt bilang opisyal na patunay ng active membership

📱 Mas magaan pa ang pagbabayad dahil maaari mong i-enjoy ang ZERO convenience fee para sa OWWA membership payments sa GCash mula April 16 hanggang July 16, 2026.

Ang OWWA membership ay nagbibigay ng access sa mga programa at serbisyong pangkalinga para sa OFWs at kanilang mga pamilya, kabilang ang social welfare benefits, welfare assistance, scholarship, training, repatriation, reintegration, at iba pang benepisyo sa ilalim ng Alagang OWWA.

Magpa-member o mag-renew na ngayon at manatiling protektado kasama ang OWWA.

💙 Alagang OWWA, Serbisyong may Puso para sa OFW at Pamilya.
🇵🇭 Para sa OFW at Pamilya, Tungo sa Bagong Pilipinas.





♥️♥️♥️
11/06/2026

♥️♥️♥️

𝟰,𝟬𝟬𝟬 𝗝𝗼𝗯 𝗩𝗮𝗰𝗮𝗻𝗰𝗶𝗲𝘀 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗗𝗠𝗪 𝗝𝗼𝗯 𝗙𝗮𝗶𝗿 𝘀𝗮 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮𝗮𝗻

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-128 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, mahigit 4,000 job opportunities ang maaring aplayan sa gaganaping DMW Mega Jobs Fair for Overseas Employment sa Hunyo 12, 2026, sa Atrium ng Robinsons Galleria, Ortigas, Quezon City.

Mula alas-10 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon, maaaring makipag-ugnayan ang mga aplikante sa 13 licensed recruitment agencies, kabilang ang land-based at manning agencies, na mag-aalok ng lehitimo at ligtas na trabaho sa iba't ibang bansa. Bukas ang job fair hindi lamang para sa mga Pilipinong naghahanap ng oportunidad sa ibang bansa kundi maging sa mga OFW na naapektuhan at napauwi dahil sa kasalukuyang krisis sa Middle East.

Kabilang sa mga bansang may available na trabaho ang United States, Canada, Guam, Australia, New Zealand, Japan, Croatia, Hungary, Lithuania, Latvia, Poland, Czech Republic, Bulgaria, Taiwan, Brunei, Madagascar, Vanuatu, at Papua New Guinea, gayundin ang iba't ibang posisyon onboard international vessels.

Paano Magparehistro

1. Bisitahin ang https://jobfairportal.dmw.gov.ph
2. Mag sign-in gamit ang inyong eRegistration account o gumawa ng bagong Job Fair account kung wala pa.
3. Para sa mga repatriated OFWs na apektado ng Middle East Crisis, tiyaking i-check ang kahong may label na "Repatriated OFW - Middle East Crisis (2026)".
4. Kumpletuhin ang kinakailangang impormasyon at i-click ang Submit Registration.
5. Kung nakapagrehistro na ngunit nakalimutan ang inyong log-in details, piliin ang "I already have Job Fair Pass" at ilagay ang inyong email address at petsa ng kapanganakan.

Pagkuha ng QR Code

1. Piliin ang "DMW Mega Jobs Fair in Celebration of the 128th Philippine Independence Day" at i-click ang Register.
2. I-save o kuhanan ng larawan ang inyong QR Code.
3. Ipakita ang QR Code o Job Fair Pass sa registration area sa araw ng job fair.

Mahahalagang Paalala

• Bibigyang prayoridad ang mga aplikanteng nakapag-pre-register online.
• Ang bawat aplikante ay maaaring manatili sa Job Fair Area nang hanggang 20 minuto upang magsumite ng résumé o curriculum vitae.
• Magdala ng sapat na kopya ng inyong résumé.
• Maaari ring ihulog ang mga résumé sa mga drop box na nakatalaga sa venue.
• Huwag kalimutang i-scan ang inyong Job Fair Pass o QR Code bago lumabas ng Job Fair Area upang makumpleto ang inyong aplikasyon.

Hinihikayat ng DMW ang lahat ng interesadong Pilipino na samantalahin ang pagkakataong ito upang makahanap ng ligtas, legal, at de-kalidad na trabaho sa ibang bansa sa pamamagitan ng mga lisensyado at rehistradong recruitment agencies.





Address

1st Floor DILG Bldg. Taguig City Hall • Gen. Luna Street , Brgy. Tuktukan Taguig City
Taguig
1637

Opening Hours

Monday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Taguig OFW Affairs Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Taguig OFW Affairs Office:

Shortcuts

Share