30/01/2025
Pahayag ng ML Partylist sa Pagpanaw ni Rep. Edcel Lagman
30 Enero 2025
Labis naming ikinalulungkot ang pagpanaw ni Congressman Edcel Lagman, isang matibay na haligi ng aming partido at tagapagtanggol ng karapatang pantao, demokrasya, at katarungan sa ating bansa.
Hindi lamang siya isang mambabatasโsiya ay isang lider na buong tapang na ipinaglaban ang karapatan ng mga nasa laylayan. Ang kanyang paninindigan sa reproductive health, karapatan ng kababaihan, at kalayaang sibil ay nagbunga ng mga batas na patuloy na nagpapabuti sa buhay ng milyon-milyong Pilipino. Sa kabila ng matinding pagsubok, hindi siya natinag sa kanyang adhikain: isang gobyernong tunay na naglilingkod sa bayan.
Malaking kawalan ang kanyang pagpanaw, hindi lamang sa Partido Liberal kundi sa buong bansa. Ngunit higit sa pagdadalamhati, nananatili ang aming pangako: ipagpapatuloy namin ang kanyang sinimulanโang paninindigan para sa katotohanan, ang paglaban para sa katarungan, at ang pagsusulong ng isang lipunang may malasakit sa lahat.
Sa ngalan ng ML Partylist, nakikiramay kami sa kanyang pamilya at mga mahal sa buhay. Mananatiling gabay ang kanyang pamana sa aming patuloy na paglilingkod sa bayan.
Paalam at maraming salamat, Cong. Edcel. Hindi ka namin malilimutan.
https://www.facebook.com/share/p/19S2j9rgML/?mibextid=wwXIfr

ML Partylist