Sto. Niño Catholic School Library

Sto. Niño Catholic School Library STO. NIÑO CATHOLIC SCHOOL LIBRARY is located at the 2nd floor left wing. It is open from Mondays-Fridays from 8:00-5:00pm.

📚💙 Celebrating the wonderful librarians who keep knowledge alive, inspire readers, and make every library feel like a pl...
12/08/2026

📚💙 Celebrating the wonderful librarians who keep knowledge alive, inspire readers, and make every library feel like a place of discovery.

Happy National Librarians’ Day! ✨

📚 TAMPOK NA AKLAT NG BUWAN| Mga Aklat Tungkol sa o May Kaugnayan sa Ating Pambansang WikaBilang pakikiisa sa pagdiriwang...
12/08/2026

📚 TAMPOK NA AKLAT NG BUWAN| Mga Aklat Tungkol sa o May Kaugnayan sa Ating Pambansang Wika

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa, ating tampukin ang mga aklat na nagbibigay-halaga sa ating wikang Filipino, panitikan, kultura, at pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.

Sa taong ito, kaugnay ng temang “Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon,” sama-sama nating tuklasin kung paano nagiging daan ang wika at makabagong teknolohiya sa mas malawak na paghahanap, pag-unawa, at pagbabahagi ng kaalaman.

📖 Magbasa. Magsaliksik. Makibahagi.
Dahil sa bawat pahina ay may kaalamang naghihintay na matuklasan, at sa bawat paggamit ng wika ay nabibigyang-buhay ang ating kultura at pagkakakilanlan.

Tara na at kilalanin ang yaman ng ating wika sa pamamagitan ng mga aklat! ❤️💙💛




📚🇵🇭 TAMPOK NA KOLEKSYON | Kasaysayan ng PilipinasNgayong Buwan ng Kasaysayan, balikan natin ang mga kuwento ng nakaraan ...
11/08/2026

📚🇵🇭 TAMPOK NA KOLEKSYON | Kasaysayan ng Pilipinas

Ngayong Buwan ng Kasaysayan, balikan natin ang mga kuwento ng nakaraan sa pamamagitan ng mga aklat! 📖✨

Tampok sa ating aklatan ang mga piling aklat mula sa ating koleksyon na tungkol sa at may kaugnayan sa Kasaysayan ng Pilipinas.

Halina’t magbasa, tumuklas, at kilalanin ang mga kuwento, tao, at pangyayaring humubog sa ating kasaysayan.

❤️ Ang bawat aklat ay may kuwentong dapat alalahanin. Ang bawat kuwento ay bahagi ng ating pagkakakilanlan.

📖 Tara na sa ating aklatan at tuklasin ang ating koleksyon!




🇵🇭

05/08/2026
Our top bookworms for July! 📚✨ Big congratulations to the Top 5 students with the most borrowed books per section. Thank...
04/08/2026

Our top bookworms for July! 📚✨

Big congratulations to the Top 5 students with the most borrowed books per section.

Thank you for exploring so many wonderful stories this month! 📖🦉



04/08/2026
Big shoutout to our TOP LIBRARY VISITORS for each section this July! 📚✨Thank you for making the library your favorite ha...
04/08/2026

Big shoutout to our TOP LIBRARY VISITORS for each section this July! 📚✨

Thank you for making the library your favorite hangout this month. We love seeing you make the library your second home!


03/08/2026

Hello Sto. Niñans, oras na upang ipagmalaki ang ating Wika!

Malugod nating ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika 2026 sa temang "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon."

Sa pagdiriwang ito, ating kinikilala ang mahalagang papel ng Wikang Filipino bilang wika ng karunungan, kultura, at pambansang pagkakakilanlan sa gitna ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya. Sa kasalukuyang panahon, ang Artificial Intelligence o AI ay nagsisilbing makabagong katuwang sa pananaliksik, pagkatuto, at paglikha ng mga impormasyon. Gayunpaman, mahalagang maunawaan na ang AI ay isa lamang kasangkapan na maaaring makatulong sa paghahanap, at pagbuo ng impormasyon ngunit hindi nito mapapalitan ang kakayahan ng tao na mag-isip nang kritikal, magpasya nang may etika at may kaakibat na pananagutan. Sapagkat, ang tunay na talino ay hindi lamang nagmumula sa teknolohiya, kundi sa pusong marunong umunawa, sa isip na marunong na magsuri, at sa konsensiyang marunong pumili ng tama. Dahil ang tunay na kaalaman ay hindi nasusukat sa bilis ng teknolohiya. Nasusukat nito ang wastong paggamit upang makalikha ng isang mapanuri, mapagkakatiwalaan, at makataong impormasyon na may malasakit sa kapwa at pagmamahal sa bayan.

Kaya, Sto. Niñans! Nawa'y ang pagdiriwang na ito ay maging daan upang higit nating mahalin, at gamitin ang ating Wikang Filipino kasabay ang mundo ng AI. Tayo’y makiisa sa mga gawaing inihanda ng Kagawaran ng Filipino para sa Buwan ng Wika at sama-sama nating ipamalas ang pagmamahal sa Wikang Filipino sa pagiging matalino, malikhain, at responsableng paggamit ng teknolohiya.

Maligayang Buwan ng Wikang Pambansa! 🇵🇭 Mabuhay ang Wikang Filipino!



ng Filipino

Address

Sampaloc Street North Signal Village Taguig City
Taguig
1630

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sto. Niño Catholic School Library posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sto. Niño Catholic School Library:

Shortcuts

Share

Category