27/07/2026
Ang GAD ay hindi lamang para sa kababaihan ito ay pananagutan ng lahat. Ang mga kalalakihan ay mahalagang katuwang sa pagtataguyod ng pagkakapantay-pantay, paggalang sa dignidad ng bawat isa at paglikha ng ligtas, inklusibo at walang diskriminasyong kapaligiran.
Sa Philippine Navy, sama-sama nating isabuhay ang pagrespeto, pagsuporta sa mga biktima ng karahasan at diskriminasyon at aktibong pakikilahok sa mga programang nagtataguyod ng gender equality.
Ang tunay na lakas ng isang lalaki ay nasusukat sa kanyang paggalang, malasakit at pananagutan sa kapwa.