22/06/2026
TAGUMPAY NA DISTRIBUSYON NG SCHOOL SUPPLIES PARA SA MGA KABATAAN NG BARANGAY CAPUTICAN!
Lubos ang aming pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na Distribution of School Supplies para sa mga mag-aaral ng Senior High School at College sa Barangay Caputican. Nawa'y maging munting tulong ang mga kagamitang ito upang mas maging handa at inspirado ang ating mga kabataan sa kanilang pag-aaral at sa pag-abot ng kanilang mga pangarap.
Ang programang ito ay naging posible dahil sa sama-samang pagsisikap, dedikasyon, at malasakit ng ating mga masisipag na miyembro ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Caputican, sa pangunguna nina:
SK Councilors
Jhimple Dazo
Cyron Doctor
Elmina Ramirez
Angel Salazar
SK Treasurer and Secretary
Annalyn Romboao
Rizal Agpalo
Patunay ang gawaing ito na kapag nagkakaisa ang kabataan at pamayanan, mas marami tayong magagawang programa na tunay na makakatulong sa ating komunidad. Patuloy nating suportahan ang edukasyon dahil ito ang isa sa pinakamahalagang susi tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.
Maraming salamat sa lahat ng tumulong, nakiisa, at sumuporta. Ang inyong tiwala ang nagsisilbing inspirasyon upang mas pagbutihin pa namin ang aming paglilingkod.
Para sa kabataan, para sa edukasyon, para sa kinabukasan!๐โจ