08/09/2026
Kamakailan, namahagi si Tanauan, Batangas Mayor Sonny Collantes ng halos 36,000 pares ng rubber shoes para sa mga elementarya at high school students sa lungsod na kaniyang pinamumunuan. Bahagi ito ng kanyang programa upang matiyak na may sapat na gamit at maayos na learning environment ang mga mag-aaral.
Bukod sa rubber shoes, sinabi ni Collantes na patuloy ding pinauunlad ng lungsod ang mga pasilidad ng paaralan at namamahagi ng textbooks, school supplies at P.E. uniforms. Hinikayat naman niya ang mga estudyante na gamitin nang mabuti ang mga oportunidad at magsikap sa pag-aaral.