05/09/2026
🤝 𝗔𝘁𝗹𝗲𝘁𝗮, 𝗦𝘂𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮𝗱𝗼 𝗞𝗮! 🤝
𝙎𝙘𝙝𝙤𝙤𝙡-𝘽𝙖𝙨𝙚𝙙 𝙎𝙥𝙤𝙧𝙩𝙨 𝙀𝙦𝙪𝙞𝙥𝙢𝙚𝙣𝙩 𝘿𝙞𝙨𝙩𝙧𝙞𝙗𝙪𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙋𝙧𝙤𝙜𝙧𝙖𝙢
Part II - LNK 2026 School-based Activity
Matagumpay na isinagawa ang “Atleta, Suportado Ka!” sa Tanay Sampaloc Integrated National High School (TSINHS) noong Huwebes, Setyembre 3, 2026.
Layunin ng programang ito na suportahan ang ating mga kabataang atleta sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga kagamitang pampalakasan na makatutulong sa kanilang pagsasanay, pag-unlad, at patuloy na pakikilahok sa sports.
Ang makabuluhang gawaing ito ay pinangunahan ng mga Committee Heads ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Sampaloc, katuwang ang kani-kanilang komite:
🏅 Kgd. Nicx Casulla — Committee Head, Sports and Development
Pitong magkakaibang sports ang nabigyan ng mga kagamitang pampalakasan, na kinabibilangan ng:
♟️ Chess
🥋 Judo
🏀 Basketball
🏐 Volleyball
🏸 Badminton
🥢 Arnis
⚽ Sepak Takraw
Kabilang sa mga kagamitang ipinamahagi ang 𝙝𝙚𝙖𝙙 𝙜𝙚𝙖𝙧, 𝙗𝙤𝙙𝙮 𝙫𝙚𝙨𝙩, 𝙗𝙤𝙭𝙞𝙣𝙜 𝙜𝙡𝙤𝙫𝙚𝙨, 𝙖𝙜𝙞𝙡𝙞𝙩𝙮 𝙡𝙖𝙙𝙙𝙚𝙧, 𝙥𝙪𝙣𝙘𝙝 𝙥𝙖𝙙, 𝙗𝙖𝙨𝙠𝙚𝙩𝙗𝙖𝙡𝙡, 𝙫𝙤𝙡𝙡𝙚𝙮𝙗𝙖𝙡𝙡 𝙖𝙩 𝙣𝙚𝙩, 𝙨𝙝𝙪𝙩𝙩𝙡𝙚𝙘𝙤𝙘𝙠, 𝙨𝙠𝙞𝙥𝙥𝙞𝙣𝙜 𝙧𝙤𝙥𝙚𝙨, 𝙘𝙤𝙣𝙚𝙨, 𝙖𝙧𝙣𝙞𝙨 𝙨𝙩𝙞𝙘𝙠𝙨, 𝙘𝙝𝙚𝙨𝙨 𝙗𝙤𝙖𝙧𝙙 𝙖𝙩 𝙙𝙞𝙜𝙞𝙩𝙖𝙡 𝙩𝙞𝙢𝙚𝙧, 𝙗𝙖𝙙𝙢𝙞𝙣𝙩𝙤𝙣 𝙣𝙚𝙩, 𝙖𝙩 𝙨𝙚𝙥𝙖𝙠 𝙩𝙖𝙠𝙧𝙖𝙬 𝙗𝙖𝙡𝙡.
Maraming salamat sa ating mga kabataang mag-aaral na patuloy na nagsusumikap, nakikilahok, at nagbibigay-buhay sa kultura ng sports sa ating paaralan at pamayanan.
Nawa’y magsilbing dagdag-lakas at inspirasyon ang mga kagamitang ito upang lalo pa ninyong pagbutihin ang inyong kakayahan. Patuloy kayong magsanay, mangarap, at lumaban nang may puso—dahil sa bawat atleta, may Kabataang Sampaloc na patuloy na lumalaban at nagtatagumpay.
🩶💚