DepEd Capipisa ES - Cavite

DepEd Capipisa ES - Cavite Capipisa Elementary School is located in Barangay Capipisa, Tanza, Cavite.

It is one of the barrio schools in the District of Tanza with more or less 1000 learners from kindergarten up to grade VI.

📣PABATID!ARAL PROGRAM, ILULUNSAD NA NG CES UPANG PALAKASIN ANG PAGBASA AT PAGKATUTO!Masaya po nating inaanunsyo ang pagl...
13/07/2026

📣PABATID!

ARAL PROGRAM, ILULUNSAD NA NG CES UPANG PALAKASIN ANG PAGBASA AT PAGKATUTO!

Masaya po nating inaanunsyo ang paglulunsad ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program ng Department of Education, sa CAPIPISA ELEMENTARY SCHOOL. Ang ARAL Program ay magbibigay ng tutorial support sa mga mag-aaral mula Grade 1 hanggang Grade 6 sa Pagbasa at Matematika upang matulungan silang maabot ang mga kasanayang inaasahan sa kanilang antas.

Kasabay din nito ang paglulunsad ng PROJECT TO LEAD na nglalayong palakasin ang bokabularyo at pang-unawa ng mga bata sa KS1.

Layunin ng CES na tulungan ang bawat bata na makabangon at maabot ang tamang antas ng kaalaman na nararapat sa kanila. Ito po ay hakbang tungo sa mas maliwanag na kinabukasan para sa lahat ng batang Capipisa.

Kailan: July 15, 2026 / Wednesday / 9:00 am
Saan: Capipisa Elementary School Newly Constructed Building

Tara na! Makiisa! mag-ARAL na!

“At Capipisa Elementary School, learning never stops—even during challenging times.”
11/07/2026

“At Capipisa Elementary School, learning never stops—even during challenging times.”

Dapat Alam Mo!Paalala ito sa mga magulang, mag-aaral, at paaralan: Ang disiplina  ay ang proseso ng paggabay at pagtutur...
06/07/2026

Dapat Alam Mo!
Paalala ito sa mga magulang, mag-aaral, at paaralan: Ang disiplina ay ang proseso ng paggabay at pagtuturo sa mga mag-aaral upang matutunan nilang gumawa ng tamang desisyon, sumunod sa mga alituntunin, at magkaroon ng pananagutan sa kanilang mga kilos. Hindi ito nangangahulugan ng pagpaparusa lamang, kundi ng mahinahon at positibong pagtuturo ng tamang asal. Ito ay hindi lamang pagtutuwid ng maling asal, kundi paghubog upang sila'y maging isang responsableng mamamayan.
Para sa iba pang impormasyon, basahin ang DO 006, s. 2026: www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/DO_s2026_006r.pdf

https://www.facebook.com/share/p/18UHukatMz/

CES Holds Faculty Meeting to Refine School Programs
03/07/2026

CES Holds Faculty Meeting to Refine School Programs

Learning Continues at CES through ADM Amid Heavy rains.
01/07/2026

Learning Continues at CES through ADM Amid Heavy rains.

22/06/2026

📢PABATID!

SA LAHAT NG MGA MAGULANG AT MGA TAGAPAG-ALAGA

Magandang araw po!

Alinsunod sa DepEd Order No. 35, s. 2025, Guidelines on the Language Mapping Process (LMP) for Key Stage 1, ang mga mag-aaral mula Kindergarten hanggang Grade 3 ay sasailalim sa masusing proseso ng pag-alam ng unang wikang natutunan ng mga bata sa kanilang tahanan sa mga susunod na araw. Layunin Language Mapping Process na ito na malaman at maitala ang wika/dayalektong unang ginagamit at unang natutunan ng mga mag-aaral sa tahanan at komunidad upang mas matugunan ang kanilang pangangailangan sa kanilang pag-aaral.

Bilang pagsunod at paghahanda, ang mga g**o mula Kindergarten hanggang Grade 3 ay sumailalim sa oryentasyon tungkol sa wastong proseso ng administrasyon ng pagsasagawa nito.

Inaasahan namin ang inyong pakikipagtulungan sa pamamagitan ng pagbibigay ng wasto at kumpletong impormasyon tungkol sa wika/dayalektong ginagamit ng inyong pamilya at anak.

Maraming salamat po sa inyong agarang pagtugon at patuloy na suporta sa mga programa at gawain ng ating paaralan.

22/06/2026

PAUNAWA!
Sa lahat ng mga magulang na may gamit na sasakyan at mga may service.

Ipinababatid po ng pamunuan ng paaralan na simula ngayong Lunes, June 22 ang lahat po ng naghahatid na may sasakyan at ngseservice sa mga bata ay sa Barangay Covered Court na po muling magbababa at maghihintay upang maiwasan ang pagsisikip ng daan sa harapan ng paaralan at para na din sa kaligtasan ng pagbaba at pagsakay ng mga bata. Ang gate po sa likod ay bubuksan sa oras lamang ng pagpasok at paglabas. Ito po ay mananatiling nakasara sa oras na nakapasok na ang lahat ng mga mag-aaral para sa kasiguruhan ng kaligtasan ng bawat bata at kawani ng paaralan.

Ang gate sa harapan ay mananatiling accessible sa lahat ganun din ang gate sa likod. Hinihiling lamang namin ang pagsunod at pakikiisa ng bawat magulang para sa mas maayos, maginhawa at ligtas na daloy ng pagpasok at paglabas ng mga mag-aaral

Inaasahan po nmin ang inyong pagsunod at pakikiisa sa bawat gawain ng paaralan. Maraming salamat po!

PSDS Dr. Aure Monitors Start of Instructional Block in KS1 at Capipisa ES.
17/06/2026

PSDS Dr. Aure Monitors Start of Instructional Block in KS1 at Capipisa ES.

Wishing all learners a successful School Year 2026–2027.
09/06/2026

Wishing all learners a successful School Year 2026–2027.

📣ANNOUNCEMENT
08/06/2026

📣ANNOUNCEMENT

Address

CAPIPISA
Tanza
4110

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+63464321390

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Capipisa ES - Cavite posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to DepEd Capipisa ES - Cavite:

Shortcuts

Share

Category