11/09/2026
"NALILIGAW KA ATA NG TERITORYO, BALONG."
Masaya ang AI. Malaking tulong ito sa trabaho at maraming industriya. Isang permanenteng bagay ito mula noong nagkaroon ng mga makina at computer. Ngayon, masyadong nakadepende ang tao dito.
Maiba tayo. Punta tayo sa Pax Silica. Sa totoo lang, di na natin maiiwasan ang pagtayo nito sa Tarlac. Priority project ito ng national government. Di naman ako laban sa teknolohiya. Di rin ako tumatanggi sa maraming oportunidad na maaaring dalhin ng Pax Silica. Ang akin lang, sana mapakinggan muna ang hinaing mga matatamaan at mabigyan sila ng mga seguridad di lang sa employment kundi seguridad laban sa posibleng masasamang long term effects na maaaring dalhin ng proyekto sa kapaligiran.
May climate change. Nasa Pacific Ring of Fire at Pacific Typhoon Belt pa tayo. Tapos napaka init ng pulitika ngayon kasama pa yang lintik na flood control. Sana hindi na natin dagdagan ang problema.
Iisa lang ang mundo na alam nating may buhay. Alagaan natin ito para sa susunod na mga henerasyon.
EDIT: Disclaimer lang, di ako nagyoyosi. Masama yan sa health kaya itigil mo na kung nagyoyosi ka. ๐ฅด