Pura Information Office

Pura Information Office The Official social media account of the Municipality of Pura

PABATID SA PUBLIKO!Nakararanas ng kawalan ng supply ng tubig o mahinang daloy ng tubig  ang mga Barangay na sakop Poblac...
07/08/2026

PABATID SA PUBLIKO!

Nakararanas ng kawalan ng supply ng tubig o mahinang daloy ng tubig ang mga Barangay na sakop Poblacion 3 Pumping Station (Poblacion 1,2,3, Maasin, Matindeg, Singat) at San Felipe Pumping Station (Buenavista, Nil 1st, Nil 2nd and Maasin) Ito ay sa hindi inaasahang malfunction ng GenSet . Kasalukuyan pong kukumpuni ng mga tauhan ng PWS ang nasabing GenSet.

Ang tanggagapan ng PWS ay humihingi ng paumanhin at pag unawa. Maraming Salamat po

PABATID! Mawawalan po ng supply ng tubig sa  mga Barangay na sakop ng Estipona Pumping Station mula 2:00 PM hanggang 4:0...
06/08/2026

PABATID!

Mawawalan po ng supply ng tubig sa mga Barangay na sakop ng Estipona Pumping Station mula 2:00 PM hanggang 4:00 PM ngayon araw ( Agosto 6, 2026) upang bigyang daan sa pagdugtong ng linya ng tubig sa kasalukuyang pipe-laying expansion.

Humihingi po kami ng pag unawa at paumanhin. Maraming Salamat po.

  I Agosto 7, 2026Sa bisa ng Executive Order No. 60 ng Pamahalaang Bayan ng Pura at alinsunod sa DepEd Order No. 22, s. ...
06/08/2026

I Agosto 7, 2026

Sa bisa ng Executive Order No. 60 ng Pamahalaang Bayan ng Pura at alinsunod sa DepEd Order No. 22, s. 2024, ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa mga sumusunod na barangay ay isasailalim sa Alternative Delivery Mode of Learning (ADM) sa Biyernes, Agosto 7, 2026, dahil sa nakatakdang power interruption ng TARELCO I.

Oras ng Power Interruption: 9:00 AM – 3:00 PM

Mga apektadong barangay:

• Balite
• Buenavista
• Cadanglaan
• Linao
• Maasin
• Maungib
• Naya
• Nilasin 1st
• Nilasin 2nd
• Poblacion 1
• Poblacion 2
• Poblacion 3
• Poroc

Pinapayuhan ang lahat ng mag-aaral, magulang, at mga g**o na makipag-ugnayan sa kani-kanilang paaralan para sa mga kaukulang learning activities sa ilalim ng Alternative Delivery Mode.

05/08/2026
03/08/2026

sa lahat ng antas (Public at Private Schools) sa Bayan ng Pura bukas, August 4, 2026 (Martes).

Ito ay dahil sa itinaas na Orange Rainfall Warning ng PAGASA sa ating lalawigan dulot ng pinagsamang epekto ng Bagyong Luis at Habagat na nagbabadya ng malalakas na pag-ulan.

Upang hindi maantala ang mga klase ay maaaring lumipat muna sa Alternative Learning Delivery Mode depende sa gabay ng inyong kani-kanyang paaralan o g**o.

Ang lahat ay pinag-iingat.

02/08/2026

Dahil sa patuloy na nararanasang masamang panahon dulot ng Bagyong Luis, suspendido ang mga pasok sa lahat ng antas sa pampubliko at pampribadong paaralan ngayong araw, Agosto 3, 2026. (Lunes)

Upang hindi maantala ang ang mga klase ay maaaring lumipat muna sa Alternative Learning Delivery Mode depende sa gabay ng inyong kani-kanyang paaralan o g**o.

Manatiling ligtas at handa.

Address

Pura
Tarlac
2312

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pura Information Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share