02/09/2026
MAYOR KAT ROXAS, SINURI ANG SANDBAGGING OPERATION SA D**E NG BARANGAY ADUAS
Personal na sinuri at kinamusta ni Municipal Mayor Kat Roxas ang mga kababayan nating nagsasagawa ng sandbagging operation sa bahagi ng d**e sa Barangay Aduas, bilang karagdagang hakbang upang mapatatag ang naturang bahagi at makatulong na maiwasan ang paglala ng pagbaha sa lugar.
Sa isinagawang operasyon, nagtulungan ang mga tauhan ng lokal na pamahalaan, barangay officials, responders, at volunteers sa paglalagay ng mga sandbag sa bahagi ng d**e na nangangailangan ng karagdagang proteksyon.
Siniguro rin ni Mayor Kat ang kalagayan ng mga nasa lugar at kinumusta ang mga patuloy na nagtatrabaho sa kabila ng mahirap na kondisyon. Binigyang-diin ang kahalagahan ng maagap na pagkilos at patuloy na pagmamanman, lalo na habang nananatili ang banta ng pagtaas ng tubig-baha.
Patuloy namang nakaantabay ang LGU Paniqui, katuwang ang mga barangay at mga concerned response teams, sa pagsusuri sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng pagbaha at sa pagpapatupad ng mga kinakailangang precautionary measures.
Nagpaabot din ng pasasalamat ang lokal na pamahalaan sa mga barangay officials, responders, volunteers, at mga kababayang patuloy na nakikiisa sa mga hakbang para sa kaligtasan ng komunidad.
Sa gitna ng patuloy na hamon dulot ng pagbaha, nananatiling mahalaga ang koordinasyon, maagap na pagkilos, at sama-samang pagtutulungan upang maprotektahan ang mga Paniqueño.