05/08/2026
๐๐ฎ๐น๐๐๐๐ด๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ง๐ฎ๐ฟ๐น๐ฎ๐พ๐๐ฒรฑ๐ผ, ๐ฃ๐ฟ๐ฎ๐๐ผ๐ฟ๐ถ๐ฑ๐ฎ๐ฑ ๐๐ฎ ๐ ๐ฒ๐ฑ๐ถ๐ฐ๐ฎ๐น ๐ฎ๐ ๐๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐น ๐ ๐ถ๐๐๐ถ๐ผ๐ป ๐๐ฎ ๐๐ฟ๐ด๐. ๐ง๐ถ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป ๐ฉบ๐ฉต
Sa patuloy na pagsisikap na mailapit ang serbisyong pangkalusugan sa bawat Tarlaqueรฑo, matagumpay na isinagawa kahapon, August 4, 2026, ang Medical and Dental Mission sa Pantalan, Barangay Tibagan, Tarlac City.
Personal na dinaluhan ni Mayor Susan Yap ang nasabing aktibidad upang ipakita ang kanyang buong suporta sa mga programang nakatuon sa kalusugan at kapakanan ng mamamayan.
Sa pagtutulungan ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac at Provincial Government of Tarlac, nabigyan ng libreng konsultasyong medikal at dental, gamot, laboratory at X-ray services at bunot ng ngipin ang mga residente ng barangay.
Bukod sa mga serbisyong pangkalusugan, bahagi na rin ng bawat Medical and Dental Mission sa Tarlac City ang ๐๐ถ๐ฟ๐๐ต ๐ฅ๐ฒ๐ด๐ถ๐๐๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐๐๐๐ถ๐๐๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฎ๐บ (๐๐ฅ๐๐ฃ) ๐ฎ๐ ๐ ๐ผ๐ฏ๐ถ๐น๐ฒ ๐ฅ๐ฒ๐ด๐ถ๐๐๐ฟ๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ฃ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฎ๐บ ng City Civil Registry Office.
Sa pamamagitan nito, natutulungan ang mga mamamayan sa kanilang mga concern kaugnay ng birth registration, delayed registration, pagkuha ng civil registry documents, at iba pang serbisyong may kaugnayan sa civil registration.
Kasabay rin ng aktibidad ang ๐๐ฎ๐ฟ๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ผ๐ณ ๐ฆ๐ฒ๐ฟ๐๐ถ๐ฐ๐ฒ๐, kung saan nagkaroon ng iba't ibang libreng serbisyo para sa mga residente tulad ng free haircut at free massage, na nagbigay ng karagdagang ginhawa at malasakit sa komunidad.
Patunay ang programang ito na sa pamamagitan ng koordinasyon ng mga ahensya ng pamahalaan, patuloy na pinatutunayan na ang kalusugan ng mamamayan ay nananatiling pangunahing prayoridad.