15/06/2025
๐๐จ๐ง๐จ๐ซ๐ข๐ง๐ ๐ญ๐ก๐ ๐๐ข๐ฅ๐ฅ๐๐ซ๐ฌ ๐จ๐ ๐๐ญ๐ซ๐๐ง๐ ๐ญ๐ก, ๐๐ข๐ฌ๐๐จ๐ฆ, ๐๐ง๐ ๐๐ง๐ญ๐๐ ๐ซ๐ข๐ญ๐ฒ.๐ฆธโโ๏ธ
Maligayang Araw ng mga Ama! Isang espesyal na pagbati para sa lahat ng haligi ng tahanan hindi lamang sa mga tatay, kundi pati na rin sa mga ina, kuya, ate, lolo, lola, at bawat kapatid o kaanak na nagsisilbing ama sa kanilang pamilya.
Alam naming hindi madali ang maging sandigan ng tahanan. Kayo ang gumigising ng maaga para maghanapbuhay, ang laging may malalakas na balikat para saluhin ang bigat ng problema, at ang nagbibigay ng tapang sa kabila ng pagod at pagsubok ng buhay.
Para sa mga nanay na naging tatay din sa kanilang mga anak saludo kami sa inyo. Para sa mga kapatid na maagang natutong gumanap bilang magulang hindi matatawaran ang inyong pagmamahal at sakripisyo. Para sa lahat ng tumayong ama sa ibaโt ibang paraan kayo ang tunay
na bayani ng bawat tahanan.
Sa araw na ito, hayaan nโyo namang kayo ang aming pasalamatan at ipagdiwang. Dahil sa inyo, may pag-asa, may lakas, at may direksyon ang bawat pamilya. Mabuhay kayo, mga tunay na huwaran ng buhay!