16/07/2026
๐ Tiaong II District, Kampeon Muli sa Rescuelympics 2026! ๐
Muling nagwagi ang Tiaong II District matapos tanghaling Champion sa ginanap na Rescuelympics ngayong Hulyo 16, 2026.
Ang paligsahang ito ay bahagi ng pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month, sa pangunguna ni Gng. Maria Victoria M. Palicpic ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at ng butihing Mayor Vincent Arjay M. Mea, na may temang "Naghahanda at Kumikilos Tungo sa Panatag na Bagong Pilipinas."
Kinatawan ng Tiaong II District ang mga sumusunod na g**o mula sa iba't ibang paaralan sa distrito: Guillermo D. Orogo, Benedict De Jesus, Cyruz M. Rey, Franco A. Castillo, Henry Escueta, Henry Catibog, Rhio Montifar, Aris Mendoza, Mark Ceasar Hernandez, at Jomy L. Jasareno.
Sa pamumuno ng Public Schools District Supervisor na si G. Mario Pablo V. Umali Jr., taos-puso ang pasasalamat ng buong distrito sa dedikasyon, husay, at pagtutulungan ng ating mga kinatawan na nagbigay ng karangalan sa Tiaong II.
Matatandaang ito na ang ikalawang magkasunod na taon na nasungkit ng Tiaong II District ang kampeonato sa parehong paligsahan, patunay ng patuloy na kahandaan, disiplina, at kahusayan ng ating mga g**o sa larangan ng disaster preparedness at emergency response.
๐ Congratulations, Team Tiaong II! Patuloy ninyong ipinagmamalaki ang ating distrito!