16/02/2022
“Mga Lobo na nagdamit Tupa”
Nagmula mismo sa bibig ng numero unong terorista sa ating bansa at lider ng Communist Party of the Philippines-New Peoples Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) na si Jose Maria Sison ang mga kaalyado niyang Legal Front Organizations na kanyang kaagapay sa paghahasik ng lagim sa ating bansa. Hangarin ng CPP-NPA-NDF na pabagsakin ang ating demokratikong gobyerno at palitan ito ng isang komunistang-diktaturyang gobyerno. Ano ngayon ang masasabi ninyong mga leader at miyembro ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), Kilusang Mayo Uno (KMU), Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP), General Assembly Binding Women for Reform, Integrity, Equality, Leadership and Action (GABRIELA), League of Filipino Students (LFS), Alliance of Concerned Teachers (ACT), Kabataan para sa Demokrasya at Nasyonalismo (KADENA), at iba pa. Ang ibang miyembro ng legal front organizations na ito ay nagtatrabaho pa mismo ng Gobyerno.
Ano ngayon ang masasabi ninyo mga kababayan kong Filipino? Hahayaan ba nating sirain ng mga teroristang ito ang ating kalayaan at kapayapaan?
Wakasan natin ang paghahasik ng lagim ng mga teroristang CPP-NPA-NDF para sa kinabukasan ng ating kabataan. Mabuhay ang Republika ng Pilipinas.