Bagong Tinurik

Call Contact the organization

Bagong Tinurik SAMA-SAMA SA PAGBABAGO

📢 NAWAWALANG WALLETMagandang Gabi po sa lahat.May nawawala pong wallet na kulay puti na may pulang hugis puso sa harapan...
01/10/2026

📢 NAWAWALANG WALLET

Magandang Gabi po sa lahat.

May nawawala pong wallet na kulay puti na may pulang hugis puso sa harapan.

Mahalaga po ito dahil may lamang mga personal na dokumento kabilang ang PRC License na kinakailangan sa trabaho ng may-ari.

Kung may nakakita o nakapulot po nito, maari lamang pong makipag-ugnayan sa Barangay Hall o magpadala ng mensahe sa aming page upang maibalik sa may-ari.

Maraming salamat po sa inyong pakikiisa at tulong. 🙏



28/09/2026

Alinsunod sa Memorandum Circular No. 136 ng Office of the President, kaugnay ng pagdiriwang ng 34th National Family Week at “Kainang Pamilya Mahalaga” Day, ang Barangay ay magkakaroon ng half-day na operasyon ngayong Setyembre 28, 2026 (Lunes).

🕛 Oras ng Serbisyo: Hanggang 12:00 NN lamang

Muli pong magbabalik sa regular na oras ng serbisyo ang Barangay sa susunod na araw.

Para sa mga serbisyong emergency at kinakailangan, mangyaring makipag-ugnayan sa mga kinauukulang personnel.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa.

Mabuhay ang bawat pamilyang Pilipino! 🇵🇭

Noon, Ngayon, at Bukas🏛️✨ Bagong Mukha, Bagong Sigla para sa Barangay Tinurik!Isang panibagong hakbang para sa mas maayo...
14/09/2026

Noon, Ngayon, at Bukas

🏛️✨ Bagong Mukha, Bagong Sigla para sa Barangay Tinurik!

Isang panibagong hakbang para sa mas maayos, mas komportable, at mas maipagmamalaking Barangay Hall ng Tinurik! ❤

Buong puso po kaming nagpapasalamat sa Sangguniang Bayan ng Tanauan, sa pangunguna ni Vice Mayor Wilfredo “Dodong” Ablaw, at kay Mayor Nelson “Sonny” Perez Collantes, sa kanilang suporta at pagtulong upang maisakatuparan ang pagsasaayos at pagpapaganda ng ating Barangay Hall.

Ang proyektong ito ay hindi lamang pagpapaganda ng gusali, kundi isang pamumuhunan para sa mas maayos na serbisyo publiko at mas magandang lugar para sa ating mga kabarangay.

Maraming salamat po sa patuloy na suporta para sa Barangay Tinurik! 🙏❤

Sangguniang Barangay ng Tinurik
Serbisyong tapat, para sa bawat Tinurikeño. 🇵🇭

📢 MAGANDANG ARAW, MGA KABARANGAY!Magkakaroon ng ONE DAY EVENT para sa mas madaling pagkuha ng mga dokumento mula sa Phil...
14/09/2026

📢 MAGANDANG ARAW, MGA KABARANGAY!

Magkakaroon ng ONE DAY EVENT para sa mas madaling pagkuha ng mga dokumento mula sa Philippine Statistics Authority (PSA).

📄 MGA SERBISYONG MAARING I-REQUEST:
• Birth Certificate – ₱205
• Marriage Certificate – ₱205
• Death Certificate – ₱205
• CENOMAR (Certificate of No Marriage) – ₱260

📌 PAALALA: Copy Issuance at Negative Copy lamang ang maaaring i-request sa event na ito.
📅 Petsa: September 18, 2026
📍 Lugar: Barangay Tinurik, Brgy. Hall

⏰ Oras: 10:00 AM – 3:00 PM

📌 MGA KAILANGANG DALHIN:
• 1 Valid ID
• Kung representative ang kukuha:
– Authorization Letter
– Valid ID ng may-ari ng dokumento at ng representative

⏳ Processing Time: 7 Working Days

✨ Inaanyayahan ang lahat na samantalahin ang serbisyong ito upang mas mapadali at maging mas maginhawa ang pagkuha ng mahahalagang dokumento.
See you, mga Kabarangay! 💙

HAPPY BIRTHDAY, MS. DIANE ROSE G. DE GUZMAN! 🎂🎉Warmest birthday greetings to our dedicated Barangay Treasurer. May God c...
11/09/2026

HAPPY BIRTHDAY, MS. DIANE ROSE G. DE GUZMAN! 🎂🎉

Warmest birthday greetings to our dedicated Barangay Treasurer. May God continue to bless you with Wisdom, Good Health, Success, and Joy as you faithfully serve the community.

“May the Lord bless you and protect you.” — Numbers 6:24 🙏✨

Wishing you a blessed and meaningful birthday! 💐

-Warmest greetings from the Sangguniang Barangay.

Mga ka-Barangay!May napulot pong cellphone na TECNO Spark Go (KJ5), 256+8GB, kulay puti, na kasalukuyang nasa Barangay H...
07/09/2026

Mga ka-Barangay!

May napulot pong cellphone na TECNO Spark Go (KJ5), 256+8GB, kulay puti, na kasalukuyang nasa Barangay Hall ng Tinurik.

Kung kayo po ang may-ari ng nasabing cellphone, maaari po kayong magtungo sa Barangay Hall upang ito ay ma-claim.

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan lamang po sa tanggapan ng Barangay Tinurik.

Maraming salamat po.

Sangguniang Barangay ng Tinurik
“Serbisyong tapat para sa mamamayan.”

Buong pagmamalaki nating ipinapakilala ang ating kinatawan sa Lakan ng Tanauan 2026 — IAN CARLO MALAPAD! ✨Bitbit ang kan...
03/09/2026

Buong pagmamalaki nating ipinapakilala ang ating kinatawan sa Lakan ng Tanauan 2026 — IAN CARLO MALAPAD! ✨

Bitbit ang kanyang tiwala sa sarili, determinasyon, talento at karisma, handa siyang harapin ang entablado at ipakita ang husay ng isang kinatawan ng Barangay Tinurik.

Isang laban. Isang pangarap. Isang korona. Para sa Tinurik! 👑🔥

Laban, Ian Carlo! Laban, Tinurik!

Congratulations, SK Councilor Joshua Z. Masongsong, RCrim, sa matagumpay na pagpasa sa August 2026 Criminologist Licensu...
01/09/2026

Congratulations, SK Councilor Joshua Z. Masongsong, RCrim, sa matagumpay na pagpasa sa August 2026 Criminologist Licensure Examination! 👮‍♂️👏

Isang karangalan at inspirasyon para sa buong Barangay Tinurik! 👮‍♂️👏
We are so proud of you!

📢 PAUNAWA SA PUBLIKONAWAWALANG SUSIMay nawawalang susi ng Toyota RAV4 na katulad ng nasa larawan.Kung sino man ang nakak...
01/09/2026

📢 PAUNAWA SA PUBLIKO

NAWAWALANG SUSI

May nawawalang susi ng Toyota RAV4 na katulad ng nasa larawan.

Kung sino man ang nakakita o nakapulot ng naturang susi, mangyaring isuko ito sa Barangay Hall upang maibalik sa tunay na may-ari.

Maraming salamat po sa inyong katapatan at pakikiisa. 🙏

31/08/2026

Address

Tinurik
Tinurik
4232

Telephone

+639560161219

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Bagong Tinurik posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Bagong Tinurik:

Shortcuts

Share