27/08/2026
NATIONWIDE JAIL DECONGESTION DRIVE 🏛️🤝⚖️✨ Ang Iligan City Jail - Male Dormitory ay naging sentro ng makabuluhang pagkilos ngayong August 27, 2026, sa pagdaraos ng Nationwide Synchronized Jail Decongestion Activity na dinaluhan ng 23 volunteer lawyers mula sa Integrated Bar of the Philippines – Lanao del Norte (IBP-LDN).
👩⚖️👨⚖️ Sa pakikipagtulungan ng BJMP-ligan City Jail at mga katuwang na institusyon, isinagawa ang mga lecture at legal consultations para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs), kabilang ang talakayan sa OSAEC at Good Conduct Time Allowance (GCTA).
📚 Si JCINSP CARMELO A CORSAME, Warden ng Iligan City Jail, ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng Time Allowance for Studying, Teaching, and Mentoring (TASTM) bilang bahagi ng decongestion efforts — na nagbibigay ng karagdagang kredito sa mga PDL na aktibong nakikilahok sa Alternative Learning System (ALS), skills training, at Read Your Way Out (RYWO) Project.
💙 Sa pamamagitan ng pagkakaisa ng legal community at rehabilitation programs, patuloy na isinusulong ng Iligan City Jail ang katarungan, edukasyon, at pag-asa sa likod ng mga rehas.