02/09/2026
‼️ PAALALA PO MGA KA-BARANGAY ‼️
Maging alerto at mag-ingat po ang lahat!
May nangyari po na insidente, pasado alas dos ng madaling araw ngayong setyembre 2, 2026 dito sa ating barangay. May pumasok pong estranghero nang walang pahintulot at tinangka pa niyang buksan ang pinto at bintana para makapasok sa loob ng bahay. Mabuti na lang at nagising ang ating kabarangay na naging dahilan upang maitaboy bago pa man may masamang mangyari.
kalakip po sa post na ito ang ilang larawan ng tao at kanyang motor na ginamit mula sa cctv upang mag silbing isang paalala sa ating lahat at mga karatig barangay.
Mga paalala para sa ating seguridad:
1. Siguraduhing laging nakakandado ang mga pinto at bintana, araw man o gabi.
2. maglagay ng sapat na ilaw sa paligid ng bahay kung maaari.
3. Huwag mag-atubiling i-report sa mga barangay o sa mga awtoridad kung may makita kayong kahina-hinalang tao na palakad-lakad sa ating lugar.
Mag-ingat po tayong lahat at maging alerto. Lalo na ngayong panahon, doblehin natin ang ating pag-iingat sa ating mga tahanan.