SK President Alfred Nean R. Canovas

SK President Alfred Nean R. Canovas Narito po ang opisyal na page ni SK Federation President Alfred Nean R. Canovas para sa mga mamamayang Bayeños.

Ang page na ito ay nilikha upang mas mapalapit ang SERBISYO at IMPORMASYON sa ating komunidad.

PAALALA SA MGA BAYEÑOS! Tag-ulan na naman, kaya doble ingat tayong lahat! Magdala ng payong, iwasan ang mga bahain at ma...
04/09/2026

PAALALA SA MGA BAYEÑOS!

Tag-ulan na naman, kaya doble ingat tayong lahat!

Magdala ng payong, iwasan ang mga bahain at madudulas na lugar, at kung malakas ang ulan, mas mabuting manatili muna sa ligtas na lugar. Ingatan din ang mga bata, senior citizens, at ating mga alagang hayop.

Huwag kalimutang maging alerto sa mga abiso tungkol sa panahon at baha. Mas okay nang handa kaysa magsisi sa huli.
Ingat lagi, mga Bayeños!�
Sama-sama nating gawing ligtas ang bawat isa ngayong tag-ulan.

PCL SPORTS FEST 2026 Isang matagumpay at makabuluhang pagdiriwang ng sportsmanship, teamwork, camaraderie, at healthy co...
04/09/2026

PCL SPORTS FEST 2026

Isang matagumpay at makabuluhang pagdiriwang ng sportsmanship, teamwork, camaraderie, at healthy competition ang naganap sa PCL Sports Fest 2026 noong September 1, 2026 na ginanap sa Laguna Sports Complex, Sta. Cruz, Laguna.

Mula sa bawat laban hanggang sa bawat sigawan at suporta, tunay na naging makulay ang araw na puno ng lakas, determinasyon, at pagkakaisa.

Congratulations sa lahat ng mga manlalaro, coaches, organizers, volunteers, at supporters na naging bahagi ng matagumpay na kaganapang ito!

Sa PCL Sports Fest, panalo ang lahat dahil higit sa medalya at tropeo, pagkakaibigan, respeto, at pagkakaisa ang tunay na tagumpay.

IKA-60TH REGULAR SESSION NG SANGGUNIANG BAYANNoong Setyembre 2, 2026, matagumpay na isinagawa ang ika-60th Regular Sessi...
04/09/2026

IKA-60TH REGULAR SESSION NG SANGGUNIANG BAYAN

Noong Setyembre 2, 2026, matagumpay na isinagawa ang ika-60th Regular Session ng Sangguniang Bayan, bilang bahagi ng patuloy na pagtupad sa tungkulin na maglingkod, makinig, at gumawa ng mga hakbang para sa ikabubuti ng ating mga kababayan.

Sa bawat sesyon, isinasagawa ang masusing talakayan at pag-aaral sa mga panukala, ordinansa, resolusyon, at iba pang mahahalagang usapin na may direktang epekto sa ating bayan.

Patuloy ang pagkakaisa at malasakit ng Sangguniang Bayan tungo sa isang mas maunlad, maayos, at progresibong pamayanan.

31/08/2026

Maraming salamat, Agosto! Isang buwan na puno ng makabuluhang gawain, pakikipagtulungan, at serbisyo para sa ating kabataan. Patuloy tayong kikilos at maglilingkod tungo sa mas aktibo at nagkakaisang kabataan.

31/08/2026

HELLO, BER MONTHS!

September 1 na! 🥳🎶 Officially, BER MONTHS na!

Handa na ba ang Kabataang Bayeño na muling marinig ang masasayang pamaskong musika?

Unti-unti na nating damhin ang simoy ng Pasko kantahan, saya, pagkakaisa, at mga awiting nagbibigay-init sa puso.

Kabataang Bayeño, ready na ba kayo? Dahil papalapit na ang pinakahihintay na panahon ng taon!

Ngayong August 31, 2026, nakikiisa tayo sa isinagawang outreach at pagtulong ng MSWD, sa pangunguna ni Ma’am Badeth Paga...
31/08/2026

Ngayong August 31, 2026, nakikiisa tayo sa isinagawang outreach at pagtulong ng MSWD, sa pangunguna ni Ma’am Badeth Pagaspas, kasama sina SK Councilor Marv Maglalang at Youth Volunteer Jillian Navarro.

Kaisa rin natin sa gawaing ito ang Barangay Children Association (BCA) ng Barangay San Agustin at Barangay Tagumpay, bilang pagpapakita ng malasakit at pagkakaisa para sa ating mga kababayang kasalukuyang nasa Municipal Evacuation Center sa Barangay Dila.

Sa panahon ng pagsubok, mahalaga ang pagtutulungan at pagkakaisa. Sama-sama nating iparamdam sa ating mga evacuees na hindi sila nag-iisa.

29/08/2026

DONEKLA JUMBO HOTDOG SA BAYAN NG BAY | FIESTA BAYEÑA 2026

Matagumpay ang show na naisagawa ng Donekla Tandem at Jumbo Hotdog sa Bayan ng Bay!

Maraming salamat sa lahat ng Bayeño na nakiisa, nakisaya! Tunay na mas masarap ang saya kapag sama-sama ang buong komunidad. 🫶

Donekla Jumbo Hotdog — busog na busog sa saya! 🌭🔥

SAYAW NG LAHI | Kabataang Puso, Walang Kupas! Palakpakan natin ang ating mga minamahal na Senior Citizens na buong sigla...
29/08/2026

SAYAW NG LAHI | Kabataang Puso, Walang Kupas!

Palakpakan natin ang ating mga minamahal na Senior Citizens na buong sigla at saya na nakiisa sa Sayaw ng Lahi!

Mula sa Boogie, Cha-Cha at iba’t ibang makukulay na sayaw, ipinakita nila na ang tunay na saya ay walang pinipiling edad. Kayo ang patunay na ang talento, enerhiya, at pagmamahal sa kultura ay mananatiling buhay!

Maraming salamat sa inyong pakikiisa at pagbibigay-saya sa ating komunidad! Mabuhay ang ating mga Senior Citizens!

Address

Brgy. Tranca
Tranca
4033

Telephone

+639172704812

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when SK President Alfred Nean R. Canovas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to SK President Alfred Nean R. Canovas:

Shortcuts

Share