28/08/2026
Masigla at makabuluhang ipinagdiwang ng Osorio Elementary School ang Buwan ng Wika 2026 noong Agosto 27, 2026, na may temang βWikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.β
Tampok sa selebrasyon ang mga gawaing nagbigay-daan sa pagpapakita ng talento, kaalaman, pagkamalikhain, at pagmamahal sa wikang Filipinoβkabilang ang Pagbabasa ng Kuwento kasama ang SPTA officers at volunteers at mga mag-aaral, Paligsahan sa Pagbabaybay, Poster Making Contest, Pag-awit sa Filipino, at Pagbigkas ng Tula sa Filipino.
Ang makabuluhang pagdiriwang ay pinangasiwaan ni ng Filipino team ng OES sa pangunguna ni Gng. Concepcion Catherine R. Zulueta sa pangangasiwa ni Dr. Lorna B. De Taza at patnubay ni Dr. Marlene Panganiban.
Sa bawat salita, awit, tula, kuwento, at likhang-sining, patuloy nating pinayayaman ang wikang nagbubuklod sa ating paaralan at kultura.
Mabuhay ang Wikang Filipino! Mabuhay ang Batang Osorian!