
25/01/2023
LOOK| Daily Accomplishment by the Numbers of the Cagayano Cops dated January 24, 2022.
PNP's Provincial Office at Camp Tirso H. Gador, Tuguegarao City, Cagayan PROVINCIAL DIRECTOR - PCOL JULIO SABADO GOROSPE JR
Operating as usual
LOOK| Daily Accomplishment by the Numbers of the Cagayano Cops dated January 24, 2022.
10 Indibidwal na Pinaghahanap ng Batas, Arestado sa Operasyon ng Cagayano Cops
Camp Tirso H Gador, Tuguegarao City— Arestado ang sampung indibidwal na pinaghahanap ng batas sa isinagawang operasyon ng mga kapulisan ng Cagayan kahapon, Enero 24, taong kasalukuyan.
Nakapagtala ang PNP Tuguegarao ng tatlong huli na mga indibidwal na may kasong may paglabag sa PD 1602 o iligal na pagsusugal; dalawa naman ang nahuli ng Alcala PS dahil sa kasong Pagnanakaw at Perjury; at dalawa din ang napasakamay ng PNP Lal-lo na nahaharap sa kasong VAWC at Pang-aabuso.
Samantala, nahuli naman ng Gattaran PS ang isang indibiwal dahil sa paglabag nito sa Illegal Logging; R**e at Acts of Lasciviousness naman ang kaso ng taong naaresto ng kapulisan ng Amulung; at isang indibidwal din na pinaghahanap ng batas dahil sa kasong Slight Physical Injuries and Maltreatment ang napasakamay ng 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company kasama ang Sta Ana PS.
Ang mga naarestong akusado ay pansamantalang nasa kustodiya ng himpilan ng pulisya na naghain ng Warrant of Arrest para sa dokumentasyon at wastong disposiyon bago ang paglilitis sa korte.
LOOK| ENRILE POLICE STATION IS NOW A DRUG-FREE WORKPLACE.
The Unveiling of Drug-Free Workplace Signage of Enrile Police Station were spearheaded by PCOL JULIO S GOROSPE JR, PD, CPPO together with
Hon. Cristina Magbitang, Vice-Mayor and Ms. Ma. Editha R Bunagan, Provincial Officer of PDEA Cagayan.
Also, Director III Levi S Ortiz, RD, PDEA RO2 commended PMAJ RUFO C PAGULAYAN, COP of Enrile PS for his valuable support in the campaign against illegal drugs and institutionalizing a drug-free workplace in the town of Enrile.
NOW | Unveiling of Drug-Free Workplace Signage Enrile Police Station
IN PHOTOS | Cagayano Cops during the Sunday Mass officiated by Rev. Father Alexander Repaso at Our Lady of Piat Chapel, Camp Tirso H Gador, Tuguegarao City today, January 25, 2023.
Sunday Mass was sponsored by PARMU-Admin and HRDD under the leadership of PLTCOL EDNALYN B PAMOR, Chief, PARMU.
ISANG INDIBIDWAL NAARESTO MATAPOS MAGPOSITIBO ANG ISINAGAWANG SEARCH WARRANT NG AWTORIDAD
Camp Tirso H Gador, Tuguegarao City- Isang indibidwal ang naaresto ng awtoridad matapos magpositibo ang isinagawa nilang search warrant kahapon, Enero 24, taong kasalukuyan.
Batay sa ulat, nagsimula ang operasyon ng mga awtoridad dakong 5:15 ng umaga ng nabanggit na araw sa tirahan ng suspek sa bayan ng Gattaran kung saan nasamsam ang 16 na bala ng Caliber 7.62mm na nakalagay sa walang laman na cup noodles, isang piraso ng magazine para sa Caliber 7.62mm, at isang yunit ng airgun.
Ang nasabing operasyon ay sinaksihan mismo ng suspek kasama ang pamilya nito at mga opisyales ng barangay kung saan isinagawa ang nasabing paghahanap.
Dinala ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya sa Gattaran PS para sa dokumentasyon at tamang disposisyon. Nahaharap ngayon sa kasong may paglabag sa RA 10591 ang naarestong suspek.
Ang matagumpay na operasyon ay resulta ng pagtutulungan ng Gattaran Police Station sa pangunguna ni PMAJ GARY H MACADANGDANG, Chief of Police kasama ang 2nd Mobile Force Platoon, 2nd Provincial Mobile Force Company at Barangay Officials ng pinangyarihan ng operasyon.
Photos from Cagayan Police Provincial Office's post
IN Photos| On January 25, 2023 at 7:30 AM, the Cagayan Police Provincial Office led by PCOL JULIO S GOROSPE, JR, Provincial Director, spearheaded the wreath-laying ceremony at Camp Tirso H Gador monument in observance of the Day of National Remembrance for the SAF 44 held at CPPO parade grounds, Tuguegarao City.
Shabu Nasamsam sa Operasyon ng Awtoridad
Camp Tirso H Gador, Tuguegarao City – Nagresulta ng pagkasamsam sa 8000-halaga ng shabu ang ginawang operasyon ng Provincial Drug Enforcement Unit, Cagayan PPO sa Balzain Highway, Tuguegarao City, Cagayan kahapon, Enero-24.
Ayon sa paunang imbestigasyon, humantong sa pagkaaresto ng suspek na kinilalang si Alyas Mario, 41 anyos, may asawa, isang tricycle driver at residente ng Linao Norte, Tuguegarao City pagkatapos na benthan ng isang pakete ng hinihinalang shabu ang isa sa mga operatiba na nagpanggap na poseur buyer. Nakumpiska pa sa kanya ang tatlo pang piraso ng pakete ng shabu kasama ang isang yunit ng cellphone, isang tricycle at ang 1000 pesos na ginamit bilang buy-bust money.
Ang nakumpiskang iligal na droga ay nasa tinatayang 8000 pesos ang halaga ayon sa standard drug price nito at dinala ito kasama ang suspek sa kustodiya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) RO2 para sa drug test at laboratory examination.
Ang suspek ay nakalista bilang street level individual at nasampahan na umano ng parehong kaso noong 2021. Inaasikaso na ang kasong RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act laban sa naturang suspek.
LIVE: ARRIVAL HONORS FOR PMGEN BERNARD M BANAC, DIRECTOR, DIRECTORATE FOR PLANS.
ISLAMIC SYMPOSIUM ISINAGAWA SA BAYAN NG BAGGAO, CAGAYAN
Camp Tirso H Gador, Tuguegarao City- Isang “Islamic Symposium” ang isinagawa ng mga kapulisan sa pangunguna ni PCOL JULIO S GOROSPE JR, Provincial Director sa bayan ng Baggao, Cagayan, ngayong araw, Enero 24, taong kasalukuyan.
Ang symposium ay may temang Pagpapalaganap ng tunay na Mensahe ng Islam na pinasimulan ng Salaam Police Advocacy Group Cagayan Chapter na ginanap mismo sa Multi-Purpose Hall, Barangay San Jose, Baggao, Cagayan.
Naimbitahan rito si G. Muhammad T. Khalil bilang tagapagsalita kung saan tinalakay nito ang kaalaman sa kultura, kasaysayan ng Islam sa Pilipinas, at pagtataguyod ng kapayapaan sa pagitan ng Muslim at mga hindi Muslim na komunidad.
Bukod rito, nagbigay naman ng mensahe ang iba pang Salaam Officers tungkol sa adbokasiya sa kapayapaan at kaayusan.
Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ni PMAJ OSMUNDO M MAMANAO, Acting Chief, Provincial Community Affairs and Development Unit kasama ang mga tauhan ng Baggao Police Station sa pangunguna ni PMAJ RONALD M BALOD, Acting COP; mga Barangay Officials, Sanggunian Kabataan, Barangay Health Workers, at mga Barangay Peace Keeping Action – Team ng Barangay San Jose, Baggao, Cagayan.
Ito ay isang paraan ng kapulisan upang mas patatagin ang ugnayan ng mga Muslim at Non- Muslim na mga komunidad para sa mas mapayapa at maunlad na bayan.
KAPITAN SA BAYAN NG PIAT PINAGBABARIL, PATAY!
Camp Tirso H Gador, Tuguegarao City- Isang kapitan sa bayan ng Piat ang namatay matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek kahapon, Enero 23, taong kasalukuyan.
Batay sa ulat, isang insidente ng pamamaril ang naganap bandang 6:35 ng hapon ng nabanggit na araw sa bayan ng Piat, Cagayan kung saan ang mga biktima ay ang kapitan at ang asawa nito.
Lumabas sa imbestigasyon na isang concerned citizen ang tumawag sa Piat Police Station at ipinaalam ang nasabing insidente na agad namang nirespondehan ng mga kapulisan.
Pagdating sa pinangyarihan ng insidente, isang concerned citizen ang nag-ulat sa kapulisan na ang biktima ay itinakbo na ng kaniyang asawa sa pinakamalapit na ospital gamit ang kanilang sasakyan. Nagtamo ang biktima ng mga tama ng bala sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan at idineklara rin siyang Dead on Arrival (DOA) ng kanyang attending Physician.
Sa isinagawang imbestigasyon ng kapulisan, na dakong 5:30 ng hapon ng kaparehong petsa bago ang insidente, pumunta ang mga biktima sa kanilang sakahan na matatagpuan sa pinangyarihan ng insidente.
Gayunman, ayon sa asawa ng biktima, bandang alas-6:30 ng gabi ng parehong petsa, nagpasya ang mag-asawa na umuwi ngunit pagdating sa lugar ng insidente partikular sa malapit sa irigasyon ay biglang sumulpot ang suspek at agad silang pinaputukan.
Pumunta rin ang suspek sa driver's side at muling pinaputukan ang katawan ng biktima ng dalawang beses. Nabanggit rin ng asawa ng biktima na siya ay nagpanggap na patay hanggang sa umalis ang “gunman” sakay ng isang motorsiklo at patungo sa hindi malamang direksyon.
Nakipag-ugnayan ang PNP Piat sa Scene of the Crime Operatives para sa pagproseso sa crime scene at nakakuha sila ng pitong basyo ng kalibre .45. Ang mga nakuhang ebidensiya ay nasa kustodiya na ngayon ng SOCO Regional Office 2, Tuguegarao City para sa Ballistic Examination.
Samantala, patuloy pa rin ang hot pursuit operation at malalimang imbestigasyon para sa pagkakakilanlan ng suspek at pagkaka-aresto nito.
BASAHIN| Paalala para sa mga Cagayanos upang hindi mabiktima ng magnanakaw.
BASAHIN| Narito ang ilang mga paalala mula sa Cagayano Cops upang maiiwas tayo na maging biktima ng krimen.
BASAHIN| Muling nagpapaalala ang inyong Cagayano Cops sa pamumuno ni PCOL JULIO S GOROSPE, JR upang makaiwas ang lahat sa mga nagkalat na scammers sa facebook.
PAALALA!
Crime Prevention and Safety Tips
Paano makakaiwas sa mga Scammers sa facebook?
BASAHIN| PCOL JULIO S GOROSPE, JR, Provincial Director nagbigay ng mensahe sa isinagawang Flag Raising ceremony sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan, ngayong araw, Enero 23, 2023.
HEPE NG CPPO, NANANAWAGAN NG SUPORTA SA MGA MAGULANG NA BANTAYAN AT GABAYAN ANG KANILANG MGA ANAK UPANG MAILAYO SA MGA MASASAMANG BISYO
Nananawagan ng pakikipagtulungan at suporta si Pcol. Julio Gorospe, Provincial Director ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO) sa lahat ng mga magulang na bantayan at gabayan ang kanilang mga anak upang mailayo sila sa masasamang bisyo tulad ng paggamit ng droga.
Sinambit ng opisyal ang panawagan matapos nilang maobserbahan sa kanilang isinasagawang monitoring sa lalawigan ng Cagayan na may mga ilang mga kabataan ang tumatambay pa sa mga kalye tuwing disoras ng gabi. Aniya, ang ilan ay nasa pasyalan naman sa oras ng kanilang klase at pasok sa paaralan.
Ani Gorospe na nakakabahala kapag ang ang ilang mga kabataan na ito ay ma-engganyo ng mga drug pusher upang subukan ang mga iligal na droga.
“Bantayan po natin ang mga anak natin. Sayang ang kanilang future kung masisira lang,” pahayag ni Gorospe.
Bukod dito, isa din sa mga binibigyang pansin ng kapulisan ngayon ani Gorospe ay ang pagmamaneho nang nasa impluwensya ng nakalalasing na inumin.
Ayon kay Gorospe, sa pagpasok pa lamang ng taon ay marami na umano silang naitalang kaso ng road accidents kung saan ang karaniwang dahilan ay nakainom ng nakalalasing na inumin ang mga nagmamaneho kung kaya umaapela siya ngayon sa lahat ng Local Chief Executives na mag-purchase ng breath analyzer upang sa checkpoint pa lamang ay matukoy na ng mga nagmamando dito kung lasing ba o hindi ang mga drayber.
Samantala, siniguro naman ni Governor Manuel Mamba sa kanyang mensahe ang pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan upang matugunan ang alalahanin ng kapulisan kaugnay sa droga at maging sa mga road accident.
Ani Gob. Mamba na sa oras na ma-aprubahan ang pondo ay tutugunan nila agad ang pangangailangan ng kapulisan ng breath analyzer. Dagdag pa dito ay kanya ring ika-capacitate ang mga Highway Patrol Group (HPG) upang sila na ang magmamando sa daloy ng trapiko upang maiwasan ang mga aksidente partikular na sa mga paaralan. (Frances Siriban)
6 INDIBIDWAL ARESTADO DAHIL SA SABONG
Camp Tirso H Gador, Tuguegarao City- Anim na mga indibidwal ang inaresto ng PNP Lal-lo dahil sa sabong sa Brgy. Tucalana, Lal-lo, Cagayan kahapon, Enero 22, taong kasalukuyan.
Lumalabas sa imbestigasyon na nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Lal-lo Police Station mula sa isang concerned citizen na may nagaganap na sabong sa kanilang lugar na agad naman nilang nirespondehan. Nahuli sa akto habang nagsasagawa ng sabong ang nasabing anim na indibidwal habang ang iba pang mga suspek ay nakatakbo nang maramdaman ang presensiya ng awtoridad.
Nakumpiska mula sa mga naarestong suspek ang dalawang tandang na may tari, anim na piraso pang mga tari, at tatlong daang piso.
Isinagawa ang pagdodokumento sa mga nakuhang ebidensiya sa harap ng mga naarestong suspek na sinaksihan ng mga opisyales ng barangay kung saan naganap ang operasyon. Kasunod nito ay dinala sa Lal-lo Police Station ang mga naarestong suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.
Inihahanda na ang mga kinakailangang dokumento para sa pagsasampa ng reklamong may paglabag sa PD 1602 na inamyendahan ng RA 9287 laban sa mga suspek.
Sa mensahe ni PCOL JULIO S GOROSPE, JR ay pinaalalahanan nito ang publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang anumang uri ng sugal. “Sumunod lang po tayo sa batas, at h’wag gawin ang bawal upang hindi tayo maabala”, dagdag nito.
BASAHIN| Para sa kaunlaran sa isang bayan; presensiya ng malasakit, kaayusan, at kapayapaan ay nararapat lang na andiyan.
Ika-walong Anibersayo ng ating magigiting na SAF 44 na nagsakripisyo ng kani-kanilang buhay para sa bayan noong Enero 25, 2015 sa Mamasapano, Maguindanao.
PAGBATI| National Farmer's Day
Bawat magsasaka ay napakahalaga sapagkat sila ang nagtataguyod sa ating ekonomiya.
PAGBATI| National Farmer's Day
Pagbati mula sa ating Provincial Director, PCOL JULIO S GOROSPE, JR, para sa ating mga magigiting na pagsasaka. Nararapat lang na sila ay ating pahalagahan dahil sa kanilang kontribusyon at sakripisyo bilang isang sektor na nagtataguyod ng ating ekonomiya.
PAGBATI| National Farmer's Day
Isang pagbati mula kay PCOL JULIO S GOROSPE, JR, Provincial Director para sa ating mga magigiting na magsasaka sa kanilang kontribusyon at sakripisyo bilang isang sektor na nagtataguyod ng ating ekonomiya.
SAF 44 on 8th Anniversary of Mamasapano
Cagayan Police Provincial Office joins the nation in honoring the heroic and selfless act of the 44 uniformed personnel of the Philippine National Police Special Action Force (SAF 44) who were killed in the line of duty while serving a warrant of arrest to a high-ranking terrorist in Mamasapano, Maguindanao last January 25, 2015.
LOOK | Traditional Monday Flag Raising and Awarding Ceremonies held at the CPPO Grounds today, January 23.
LIVE: PRO2 MONDAY FLAG RAISING AND AWARDING CEREMONIES WITH PBGEN PERCIVAL A RUMBAOA, ACTING REGIONAL DIRECTOR.
NOW | Traditional Monday Flag Raising and Awarding Ceremonies
Isang Miyembro ng Anak Pawis at Dalawang Suporter Nito, Nagbalik Loob sa Pamahalaan
Camp Tirso H Gador, Tuguegarao City— Nagbalik loob sa pamahalaan ang isang miyembro ng Anak Pawis at dalawang suporter nito sa tatlong magkakaibang himpilan ng Pulisya ng Cagayan kahapon, Enero 21.
Ang miyembro ng anak-pawis na itinago sa pangalang Nena 54 taong gulang, may asawa, at resident ng Amulung, Cagayan ay nagsimula diumanong sumapi sa nasabing grupo noong taong 2016 at nagpasyang kumalas taong 2019.
Samantala, naging pahingaan naman ng mga CTGs ang bahay ni alyas Joey, 43 anyos, magsasaka at residente ng Allacapan, Cagayan taong 2007 at naging “Pasabilis” na nagbibigay ng pangangailangan ng nasabing grupo ngunit nagpasya ding putulin ang pakikipag-ugnayan nito taong 2018.
Si alyas Ben, 27 anyos, magsasaka at residente ng Gattaran Cagayan ay sinimulang engganyohin ng makakaliwang grupo taong 2007 at ginawa din umano siyang “Pasabilis” sa kanilang barangay at nitong taon ay napagtanto niyang walang magandang naidulot nga nasabing grupo kung kayat pinutol din nito ang pakikipag-ugnayan sa kanila.
Ang kahapon nga ay kusang lumapit ang mga nasabing indibidwal sa himpilang ng pulisya ng Cagayan upang linisin ang kanilang pangalan at magbalik-loob sa gobyerno.
Ang nasabing pagsuko ng mga dating nalihis ang landas ay resulta ng patuloy na kampanya ng Cagayan PPO sa pamumuno ni PCOL JULIO S GOROSPE sa anti-insurgency at pagpapalakas ng mga aktibidad sa ugnayan sa komunidad, serye ng Lingkod Bayanihan, Bisita ni PD at COP sa Barangay, at matagumpay na mga konsultasyon/pagpupulong kaugnay sa pagpapatupad ng Executive Order Number 70/ NTF- ELCAC.
CAMP TIRSO H GADOR
Tuguegarao City
3500
Be the first to know and let us send you an email when Cagayan Police Provincial Office posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.
Send a message to Cagayan Police Provincial Office:
Live: PRO2 Action Cops kasama si Pat John Marwin C Estocado ng 2nd Nueva Vizcaya Provincial Mobile Force Company.
NOW| Dancing "Life is Beautiful" during the Dialogue and Orientation with My Brothers Keeper Life Coaches at Brgy. Centro Lal-lo Cagayan.
NOW| worship Song during the Dialogue and Orientation with My Brothers Keeper Life Coaches at Brgy. Centro Lal-lo Cagayan
Live: PRO2 Kasangga Mo kasama si BGEN STEVE CRESPILLO, Commander, 501st Infantry "Valiant" Brigade, 5ID, PA sa usaping kampanya kontra terorismo at insurhensiya.
Live: Oath Taking and Turnover Ceremonies of the Newly Appointed Patrolman.
Live: Oath Taking and Turnover Ceremonies of the Newly Appointed Patrolman.
Live: PRO2 Oath Taking and Turnover Ceremonies of the Newly Appointed Patrolman with PBGEN STEVE B LUDAN, Regional Director.
PRO2 Monday Flag Raising and Awarding Ceremonies with PBGEN BOWENN JOEY M MASAUDING, Director, PNP Finance Service
NOW| Launching of "ETNEB Challenge" Season 3 and Christmas Saya sa PRO2 coinciding with the Traditional Flag Raising and Awarding Ceremonies graced by Dr. Manuel L. Pontanal, Regional Director, NAPOLCOM PRO2
Live: Arrival Honors for PBGEN BOWENN JOEY M MASAUDING, Director, PNP Finance Service
REKTANG KONEK AKSYON AGAD with PCOL DANTE A LUBOS Officer In Charge, Nueva Viscaya Police Provincial Office and PLTCOL SATURNINO F SORIANO Chief, RPIO PRO2
Live: PRO2 STRAIGHT FROM THE EXPERT with Ms. Ma. Rachel G. Miguel, Professor, Cagayan State Univesity kaugnay sa Mental Health Awareness
Live: Oath-taking Ceremony of the Newly Promoted and Appointed Non-Uniformed Personnel with PBGEN STEVE B LUDAN, Regional Director.
Live: PRO2 Kasangga Mo kasama si PLTCOL JOBERMAN A VIDEZ, Force Commander ng 2nd Nueva Vizcaya Provincial Mobile Force Company.
Live: PRO2 News Blast Tampok: Insidente ng pagpapakamatay, umabot sa 129 ngayong taon.
BFP R2 Cagayan Provincial Office
Bagay RoadNational Nutrition Council Region II
Bagay RoadWomen's Month Celebration LGU-Tuguegarao City
Enrile BoulevardDA CVIAL - Regional Feed Chemical Analysis La
Enrile AvenueBFP R2 Cagayan Provincial Office
Bagay RoadTuguegarao City Danuk/Sumbong/Pulung
Enrile Boulevard