Local Government Unit of Tulunan

Local Government Unit of Tulunan ๐–๐ž๐ฅ๐œ๐จ๐ฆ๐ž ๐ญ๐จ ๐ญ๐ก๐ž ๐Ž๐Ÿ๐Ÿ๐ข๐œ๐ข๐š๐ฅ ๐…๐š๐œ๐ž๐›๐จ๐จ๐ค ๐๐š๐ ๐ž ๐จ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐ž ๐‹๐จ๐œ๐š๐ฅ ๐†๐จ๐ฏ๐ž๐ซ๐ง๐ฆ๐ž๐ง๐ญ ๐”๐ง๐ข๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐“๐ฎ๐ฅ๐ฎ๐ง๐š๐ง.

Official platform for updates, services, and announcements from the Local Government of Tulunan.

๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€, ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐˜€๐˜„๐—ผ๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐— ๐—ฎ. ๐—”๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ฎ ๐—ฆ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ต๐—ฎ ๐—ง๐—ฎ๐—น๐—ถรฑ๐—ผ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ผ๐˜€! Mula sa mga Tulunense sa pangunguna ni Mayor Lee Roy V....
03/06/2026

๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฟ๐—ฎ๐˜๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป๐˜€, ๐—–๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐˜€๐˜„๐—ผ๐—บ๐—ฎ๐—ป ๐— ๐—ฎ. ๐—”๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ฎ ๐—ฆ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ต๐—ฎ ๐—ง๐—ฎ๐—น๐—ถรฑ๐—ผ ๐—ฆ๐—ฎ๐—ป๐˜๐—ผ๐˜€!

Mula sa mga Tulunense sa pangunguna ni Mayor Lee Roy V. Villasor, CE, binabati ka namin sa iyong katungkulan bilang ๐‚๐ก๐š๐ข๐ซ๐ฉ๐ž๐ซ๐ฌ๐จ๐ง ๐จ๐Ÿ ๐‚๐จ๐ฆ๐ฆ๐ข๐ญ๐ญ๐ž๐ž ๐จ๐ง ๐…๐จ๐ซ๐ž๐ข๐ ๐ง ๐€๐Ÿ๐Ÿ๐š๐ข๐ซ๐ฌ!

๐‘ฎ๐’๐’ƒ๐’š๐’†๐’“๐’๐’ ๐’Œ๐’‚๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’•๐’‚๐’˜๐’‰๐’‚๐’, ๐‘ฉ๐’‚๐’๐’‚๐’๐’”๐’† ๐’”๐’‚ ๐‘ฉ๐’‚๐’ˆ๐’๐’๐’ˆ ๐‘ป๐’–๐’๐’–๐’๐’‚๐’






โœ๏ธ| ๐˜ˆ๐˜ณ๐˜ต๐˜ช๐˜ค๐˜ญ๐˜ฆ ๐˜ฃ๐˜บ: Tulunan Municipal Information Office

Matagumpay nang naipamahagi sa 43 pampublikong paaralan sa bayan ang mga painting materials na gagamitin para sa Brigada...
02/06/2026

Matagumpay nang naipamahagi sa 43 pampublikong paaralan sa bayan ang mga painting materials na gagamitin para sa Brigada Eskwela 2026 na pinondohan sa ilalim ng Special Education Fund (SEF) na nagkakahalaga ng P799,740.00.

Sa pamamagitan ng Local School Board Section ng tanggapan ni Mayor Lee Roy V. Villasor, CE, natapos ang pamamahagi ng mga pintura, paint brush, at paint roller na gagamitin sa pagsasaayos at pagpapaganda ng mga pasilidad ng paaralan bilang paghahanda sa pagbubukas ng panibagong school year.

Nagsimula ang naturang distribusyon noong Biyernes, Mayo 29, 2026, kung saan inihatid ng mga kawani ng Local School Board Section katuwang ang General Services Office ang mga kagamitan sa ibaโ€™t ibang paaralan sa bayan, lalo na ang mga nasa malalayong lugar, upang matiyak na makarating ang mga ito bago ang pagsisimula ng Brigada Eskwela.

Lubos namang nagpasalamat ang mga district supervisors, school heads, at mga g**o sa suportang ipinagkaloob ng Lokal na Pamahalaan ng Tulunan na malaking tulong sa pagpapaunlad ng kapaligiran sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Patunay ang naturang inisyatiba ng matibay na suporta ng lokal na pamahalaan sa sektor ng edukasyon at sa patuloy na pagsusulong ng dekalidad, ligtas, at kaaya-ayang kapaligiran para sa mga kabataang Tulunense. Ayon kay Mayor Villasor, mahalagang mabigyan ng sapat na suporta ang mga paaralan upang mas maging handa ang mga ito sa pagpasok ng mga mag-aaral ngayong School Year 2026-2027.

Nagpasalamat din ang alkalde sa mga lider ng DepEd Tulunan sa kanilang matibay na koordinasyon at pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan. Kaniya ring kinilala ang mga kawani ng Local School Board Section sa pangunguna ni Focal Person Lynnette Diane P. Pagunaling para sa mabilis na pagproseso ng mga kagamitan, gayundin ang General Services Office na tumulong sa paghahatid ng mga ito sa mga paaralan.

Tiwala naman si Mayor Villasor na magiging matagumpay ang pagsasagawa ng Brigada Eskwela 2026 sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga paaralan, mga magulang, mga stakeholder, at ng buong komunidad para sa ikabubuti ng edukasyon ng mga kabataang Tulunense.

๐‘ฎ๐’๐’ƒ๐’š๐’†๐’“๐’๐’ ๐’Œ๐’‚๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’•๐’‚๐’˜๐’‰๐’‚๐’, ๐‘ฉ๐’‚๐’๐’‚๐’๐’”๐’† ๐’”๐’‚ ๐‘ฉ๐’‚๐’ˆ๐’๐’๐’ˆ ๐‘ป๐’–๐’๐’–๐’๐’‚๐’






โœ๏ธ| ๐˜ˆ๐˜ณ๐˜ต๐˜ช๐˜ค๐˜ญ๐˜ฆ ๐˜ฃ๐˜บ: Tulunan Municipal Information Office
๐Ÿ“ธ| ๐˜—๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ด๐˜บ: LSB_Edombingo
๐Ÿ“| ๐˜š๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ค๐˜ฆ: LSB_Edombingo

02/06/2026

๐Ÿ’ƒ๐Ÿ•บ๐—ฆ๐—ฎ๐—บ๐—ฎ-๐—ฆ๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐˜„ ๐—ญ๐˜‚๐—บ๐—ฏ๐—ฎ ๐——๐—ฎ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—”๐—ฐ๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ฒ๐˜€๐Ÿ•บ๐Ÿ’ƒ

Galaw-galaw para sa mas malusog na pangangatawan at mas masiglang pamayanan! Sama-samang nakilahok ang mga Tulunense sa Sama-Sayaw Zumba Dance Activities bilang pagtataguyod ng aktibong pamumuhay, pagkakaisa, at pangangalaga sa kalusugan.

Tara na at mag-zumba para sa mas masigla at malusog na Bagong Tulunan! ๐Ÿ’™๐Ÿ’›

๐‘ฎ๐’๐’ƒ๐’š๐’†๐’“๐’๐’ ๐’Œ๐’‚๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’•๐’‚๐’˜๐’‰๐’‚๐’, ๐‘ฉ๐’‚๐’๐’‚๐’๐’”๐’† ๐’”๐’‚ ๐‘ฉ๐’‚๐’ˆ๐’๐’๐’ˆ ๐‘ป๐’–๐’๐’–๐’๐’‚๐’







โœ๏ธ| ๐˜ˆ๐˜ณ๐˜ต๐˜ช๐˜ค๐˜ญ๐˜ฆ ๐˜ฃ๐˜บ: Tulunan Municipal Information Office
๐Ÿ“ธ| ๐˜๐˜ช๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ฐ ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ด๐˜บ: Kevin C. Edombingo

๐— ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฎ๐—บ๐—ผ ๐—ด๐—ถ๐—ฑ ๐—ป๐—ด๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜, ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜ƒ๐—ถ๐—ป๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐—š๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ผ๐—ณ ๐—–๐—ผ๐˜๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜‚๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ถ ๐—š๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ผ๐—ฟ Emmylou Lala Taliรฑo-Mendoza. ๐—ฆ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜...
02/06/2026

๐— ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฎ๐—บ๐—ผ ๐—ด๐—ถ๐—ฑ ๐—ป๐—ด๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜, ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜ƒ๐—ถ๐—ป๐—ฐ๐—ถ๐—ฎ๐—น ๐—š๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—บ๐—ฒ๐—ป๐˜ ๐—ผ๐—ณ ๐—–๐—ผ๐˜๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ผ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐˜‚๐—ป๐—ฎ ๐—ป๐—ถ ๐—š๐—ผ๐˜ƒ๐—ฒ๐—ฟ๐—ป๐—ผ๐—ฟ Emmylou Lala Taliรฑo-Mendoza. ๐—ฆ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ป๐—ด๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐—ฝ๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ ๐—ธ๐—ฎ๐—ด ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด๐˜๐—ถ๐—ฝ๐—ถ๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ง๐˜‚๐—น๐˜‚๐—ป๐—ฒ๐—ป๐˜€๐—ฒ, ๐—š๐—ผ๐˜ƒ. ๐—Ÿ๐—ฎ๐—น๐—ฎ. ๐—œ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฏ๐—ฎ๐—ด-๐—ผ ๐—ป๐—ด๐—ฎ ๐—ฝ๐—ฎ๐˜€๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฑ๐—ฎ๐—ฑ, ๐—บ๐—ฎ๐˜† ๐—ฑ๐—ฎ๐—ธ๐—ผ ๐—ป๐—ด๐—ฎ ๐—ฏ๐˜‚๐—น๐—ถ๐—ด ๐˜€๐—ฎ ๐—บ๐—ด๐—ฎ ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ๐—ป๐˜๐—ฒ ๐˜€๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—•๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐˜† ๐—•๐—ฎ๐—ป๐—ฎ๐˜†๐—ฎ๐—น. ๐Ÿ’š๐Ÿ’™๐Ÿ’›

๐‘ฎ๐’๐’ƒ๐’š๐’†๐’“๐’๐’ ๐’Œ๐’‚๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’•๐’‚๐’˜๐’‰๐’‚๐’, ๐‘ฉ๐’‚๐’๐’‚๐’๐’”๐’† ๐’”๐’‚ ๐‘ฉ๐’‚๐’ˆ๐’๐’๐’ˆ ๐‘ป๐’–๐’๐’–๐’๐’‚๐’




Hindi lamang kaalaman sa pagtatrabaho sa opisina ang natatamo ng mga benepisyaryo ng Special Program for Employment of S...
02/06/2026

Hindi lamang kaalaman sa pagtatrabaho sa opisina ang natatamo ng mga benepisyaryo ng Special Program for Employment of Students (SPES) ng Lokal na Pamahalaan ng Tulunan kundi maging mga kasanayang maaari nilang magamit sa pang-araw-araw na buhay at sa panahon ng emergency.

Kaugnay nito, nagsagawa ang Public Employment Service Office (PESO) sa ilalim ng pamumuno ni Designated PESO/PODO Manager Dennis Peter C. Ortizo, MPA, katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), ng Mainstreaming Disaster Preparedness to SPES Beneficiaries na nilahukan ng mga SPES beneficiaries ng bayan.

Tampok sa nasabing aktibidad ang pagsasanay sa Basic First Aid, partikular sa Bandaging at Splinting, kung saan nahasa ang kakayahan ng mga kalahok sa pamamagitan ng isinagawang mini-simulation exercise na nagbigay sa kanila ng praktikal na karanasan sa pagtugon sa mga emergency.

Ipinaabot naman ni Mayor Lee Roy V. Villasor, CE ang kaniyang pagbati sa mga SPES beneficiaries para sa kanilang aktibong pakikilahok at ipinakitang kahusayan sa pagsasanay. Aniya, mahalagang matutunan ng mga kabataan ang mga pangunahing kasanayan sa pagresponde sa mga aksidente at iba pang emergency na sitwasyon upang maging handa silang tumulong sa kanilang komunidad kung kinakailangan.

Naniniwala rin ang alkalde na ang mga ganitong programa ay may malaking ambag sa pagpapaunlad ng kaalaman at kakayahan ng kabataan, lalo na sa larangan ng disaster preparedness at basic rescue skills.

Ipinaabot din nina Designated PESO/PODO Manager Ortizo at OIC MDRRMO Johanne Christie A. Sideรฑo, MPA ang kanilang suporta at paggabay sa buong araw na pagsasanay. Naging saksi rin sa aktibidad si Executive Secretary Jeric C. Ardina kasama ang mga kawani ng PESO at MDRRMO.

Ipinapakita lamang nito ang patuloy na pagsisikap ng Lokal na Pamahalaan ng Tulunan na mabigyan ang mga kabataan hindi lamang ng oportunidad sa trabaho kundi pati ng mahahalagang kasanayan na magagamit nila sa paglilingkod sa komunidad at sa pagharap sa mga hindi inaasahang sitwasyon.

๐‘ฎ๐’๐’ƒ๐’š๐’†๐’“๐’๐’ ๐’Œ๐’‚๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’•๐’‚๐’˜๐’‰๐’‚๐’, ๐‘ฉ๐’‚๐’๐’‚๐’๐’”๐’† ๐’”๐’‚ ๐‘ฉ๐’‚๐’ˆ๐’๐’๐’ˆ ๐‘ป๐’–๐’๐’–๐’๐’‚๐’






โœ๏ธ| ๐˜ˆ๐˜ณ๐˜ต๐˜ช๐˜ค๐˜ญ๐˜ฆ ๐˜ฃ๐˜บ: Tulunan Municipal Information Office
๐Ÿ“ธ| ๐˜—๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ด๐˜บ: PESO_Latumbo, MDRRMO FB PAGE
๐Ÿ“| ๐˜š๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ค๐˜ฆ: PESO_Latumbo, MDRRMO_Sideรฑo

๐Ÿ“ข ๐—ฃ๐—จ๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—– ๐—”๐——๐—ฉ๐—œ๐—ฆ๐—ข๐—ฅ๐—ฌIpinaaalam sa lahat ng mga Tulunense na magkakaroon ng ๐—ฅ๐—ฒ๐—ณ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ต๐—ฒ๐—ฟ ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—จ๐—ฝ๐—ฐ๐—ผ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜ƒ๐—ถ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ-๐˜„๐—ถ๐—ฑ...
02/06/2026

๐Ÿ“ข ๐—ฃ๐—จ๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—– ๐—”๐——๐—ฉ๐—œ๐—ฆ๐—ข๐—ฅ๐—ฌ

Ipinaaalam sa lahat ng mga Tulunense na magkakaroon ng ๐—ฅ๐—ฒ๐—ณ๐—ฟ๐—ฒ๐˜€๐—ต๐—ฒ๐—ฟ ๐—ง๐—ฟ๐—ฎ๐—ถ๐—ป๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—จ๐—ฝ๐—ฐ๐—ผ๐—บ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜ƒ๐—ถ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ-๐˜„๐—ถ๐—ฑ๐—ฒ ๐—ฆ๐—ถ๐—บ๐˜‚๐—น๐—ฎ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ๐—˜๐˜…๐—ฒ๐—ฟ๐—ฐ๐—ถ๐˜€๐—ฒ ๐—–๐—ผ๐—บ๐—ฝ๐—ฒ๐˜๐—ถ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) mula ๐—›๐˜‚๐—ป๐˜†๐—ผ ๐Ÿด ๐—ต๐—ฎ๐—ป๐—ด๐—ด๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—›๐˜‚๐—ป๐˜†๐—ผ ๐Ÿญ๐Ÿฐ, ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ.

Kaugnay nito, ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ก๐™–๐™๐™–๐™ฉ ๐™ฃ๐™œ ๐™ง๐™š๐™จ๐™˜๐™ช๐™š ๐™ค๐™ฅ๐™š๐™ง๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ค๐™ฃ๐™จ ๐™–๐™ฉ ๐™š๐™ข๐™š๐™ง๐™œ๐™š๐™ฃ๐™˜๐™ฎ ๐™ง๐™š๐™จ๐™ฅ๐™ค๐™ฃ๐™จ๐™š ๐™จ๐™š๐™ง๐™ซ๐™ž๐™˜๐™š๐™จ sa nasabing mga petsa ay pansamantalang pangangasiwaan ng ๐—•๐˜‚๐—ฟ๐—ฒ๐—ฎ๐˜‚ ๐—ผ๐—ณ ๐—™๐—ถ๐—ฟ๐—ฒ ๐—ฃ๐—ฟ๐—ผ๐˜๐—ฒ๐—ฐ๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป (๐—•๐—™๐—ฃ) ๐—ง๐˜‚๐—น๐˜‚๐—ป๐—ฎ๐—ป.

Para sa agarang tulong at emergency concerns, maaaring makipag-ugnayan sa sumusunod na hotline ng BFP Tulunan:

๐Ÿ“ž ๐Ÿฌ๐Ÿต๐Ÿต๐Ÿฎ-๐Ÿฌ๐Ÿฒ๐Ÿฎ-๐Ÿฎ๐Ÿญ๐Ÿฌ๐Ÿฎ
๐Ÿ“ž ๐Ÿฌ๐Ÿต๐Ÿญ๐Ÿฌ-๐Ÿญ๐Ÿฏ๐Ÿฑ-๐Ÿญ๐Ÿฌ๐Ÿฐ๐Ÿฏ

Hinihiling namin ang inyong pang-unawa at kooperasyon habang isinasagawa ang pagsasanay na naglalayong higit pang mapahusay ang kakayahan ng ating mga responders sa pagtugon sa mga sakuna at emergency.

Maraming salamat sa inyong pakikiisa, mga Tulunense. Mag-ingat tayong lahat at manatiling ligtas.

๐‘ฎ๐’๐’ƒ๐’š๐’†๐’“๐’๐’ ๐’Œ๐’‚๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’•๐’‚๐’˜๐’‰๐’‚๐’, ๐‘ฉ๐’‚๐’๐’‚๐’๐’”๐’† ๐’”๐’‚ ๐‘ฉ๐’‚๐’ˆ๐’๐’๐’ˆ ๐‘ป๐’–๐’๐’–๐’๐’‚๐’








โœ๏ธ๐—ง๐จ ๐— ๐š๐ฑ๐ข๐ฆ๐ข๐ณ๐ž ๐—œ๐ง๐Ÿ๐จ๐ซ๐ฆ๐š๐ญ๐ข๐จ๐ง ๐—ข๐ฎ๐ญ๐ซ๐ž๐š๐œ๐ก

๐Ÿ“| ๐˜š๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ค๐˜ฆ: Johanne Christie A. Sideรฑo, MPA, OIC-MDRRMO

Matagumpay na isinagawa kamakailan ang Massive Anti-Rabies Vaccination sa Barangay Poblacion na pinangunahan ng Office o...
01/06/2026

Matagumpay na isinagawa kamakailan ang Massive Anti-Rabies Vaccination sa Barangay Poblacion na pinangunahan ng Office of the Municipal Agriculturist (OMAg) katuwang ang mga Barangay Animal Health Providers (BAHP).

Nagpasalamat naman ang mga residente sa naturang serbisyo na naglalayong maprotektahan ang mga alagang hayop at maiwasan ang pagkalat ng rabies sa komunidad.

Sa pamamatnubay ni Municipal Agriculturist April Joy S. Lines, RAgr., patuloy na isinusulong ng Lokal na Pamahalaan ng Tulunan sa pangunguna ni Mayor Lee Roy V. Villasor, CE ang mga programang pangkalusugan para sa hayop habang hinihikayat ang mga pet owners na maging responsable sa pag-aalaga at regular na pagpapabakuna ng kanilang mga alaga.

Ipinapakita lamang nito ang patuloy na pagsisikap ng pamahalaang lokal na mapanatiling ligtas at malusog ang mga komunidad sa bayan.

๐‘ฎ๐’๐’ƒ๐’š๐’†๐’“๐’๐’ ๐’Œ๐’‚๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’•๐’‚๐’˜๐’‰๐’‚๐’, ๐‘ฉ๐’‚๐’๐’‚๐’๐’”๐’† ๐’”๐’‚ ๐‘ฉ๐’‚๐’ˆ๐’๐’๐’ˆ ๐‘ป๐’–๐’๐’–๐’๐’‚๐’






โœ๏ธ| ๐˜ˆ๐˜ณ๐˜ต๐˜ช๐˜ค๐˜ญ๐˜ฆ ๐˜ฃ๐˜บ: Tulunan Municipal Information Office
๐Ÿ“ธ| ๐˜—๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ด๐˜บ: OMAg_Tacuyan
๐Ÿ“| ๐˜š๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ค๐˜ฆ: OMAg_Tacuyan

Sa pagsisimula ng buwan ng Hunyo 2026, matagumpay na isinagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Tulunan ang ikaanim na Monthly ...
01/06/2026

Sa pagsisimula ng buwan ng Hunyo 2026, matagumpay na isinagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Tulunan ang ikaanim na Monthly Convocation ngayong araw, Hunyo 1, 2026, sa Tulunan Municipal Gymnasium sa pangunguna ng Municipal Accounting Office (MACCO) at Economic Enterprise Office (EEO).

Dinaluhan ang naturang aktibidad ng mga opisyal ng munisipyo, department at section heads, at mga kawani ng lokal na pamahalaan bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng transparency, accountability, at mahusay na serbisyo publiko.

Sa kaniyang ulat, ibinahagi ni Municipal Accountant Sheryl A. Mendoza, CPA ang mga accomplishment ng Municipal Accounting Office, kabilang ang paglulunsad ng kanilang E-Guide para sa mga liaison personnel ng bawat tanggapan ng lokal na pamahalaan. Layunin nitong magsilbing komprehensibong gabay sa wasto, mabilis, at episyenteng pagproseso ng mga dokumento at transaksyon sa tanggapan upang higit na mapalakas ang koordinasyon at mapabilis ang paghahatid ng serbisyo sa publiko.

Samantala, iniulat naman ni Market Inspector Ylan A. Cabatingan ang mga nagawa ng Economic Enterprise Office, kabilang ang pagsasaayos ng mga stall sa Public Market at ang patuloy na pagsasagawa ng clean-up operations sa Public Market, Public Cemetery, Terminal, at Slaughterhouse upang mapanatili ang kalinisan, kaayusan, at maayos na operasyon ng mga pampublikong pasilidad ng bayan.

Matapos ang presentation ng mga sponsor na tanggapan, kinilala at binigyan ng munting token ang mga kawani na nagdiwang ng kanilang kaarawan ngayong buwan bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon at patuloy na paglilingkod sa pamahalaan.

Nakiisa rin sa programa si Municipal Administrator Rashid Al V. Gepte bilang kinatawan ni Mayor Lee Roy V. Villasor, CE. Sa kaniyang mensahe, nagpahayag siya ng pasasalamat sa Municipal Accounting Office at Economic Enterprise Office sa matagumpay na pangunguna sa convocation. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng accomplishment reporting bilang paraan upang maipabatid sa mga kawani at mamamayan ang mga nagawa, programa, at serbisyong ipinapatupad ng bawat tanggapan ng lokal na pamahalaan.

Dumalo rin sa nasabing aktibidad sina Vice Mayor Rhezan P. Obrique, 20th Sangguniang Bayan Member Maureene Ann L. Villamor-Peรฑafiel, Robert Pio B. Peรฑafiel, at SK Municipal Federation President Coleen O. Dela Cruz, RN, na nagbahagi ng kanilang pagbati at mahahalagang updates kaugnay ng kanilang mga komite at mga programang kasalukuyang isinusulong.

Ipinapakita lamang ng buwanang convocation ang patuloy na pagkakaisa, koordinasyon, at dedikasyon ng mga opisyal at kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Tulunan sa paghahatid ng mahusay, tapat, at responsableng serbisyo publiko. Sa pamamagitan ng regular na pagbabahagi ng mga accomplishment at inisyatiba ng bawat tanggapan, higit na napalalakas ang transparency at accountability na siyang mahalagang pundasyon ng mabuting pamamahala na isinusulong ng pamunuan ni Mayor Villasor para sa kapakanan ng bawat Tulunense.

๐‘ฎ๐’๐’ƒ๐’š๐’†๐’“๐’๐’ ๐’Œ๐’‚๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’•๐’‚๐’˜๐’‰๐’‚๐’, ๐‘ฉ๐’‚๐’๐’‚๐’๐’”๐’† ๐’”๐’‚ ๐‘ฉ๐’‚๐’ˆ๐’๐’๐’ˆ ๐‘ป๐’–๐’๐’–๐’๐’‚๐’






โœ๏ธ| ๐˜ˆ๐˜ณ๐˜ต๐˜ช๐˜ค๐˜ญ๐˜ฆ ๐˜ฃ๐˜บ: Tulunan Municipal Information Office
๐Ÿ“ธ| ๐˜—๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ด๐˜บ: MIO

Pinangunahan ng Local Youth Development Office (LYDO) sa ilalim ng tanggapan ni Mayor Lee Roy V. Villasor, CE ang pagsas...
30/05/2026

Pinangunahan ng Local Youth Development Office (LYDO) sa ilalim ng tanggapan ni Mayor Lee Roy V. Villasor, CE ang pagsasagawa ng SK Governance Exemplars for Meaningful Service (GEMS) Orientation and Evaluation kahapon, Mayo 29, 2026, sa SKMF Building and Digital Learning Hub sa Poblacion, Tulunan.

Sa pangangasiwa ni Local Youth Development Officer Mark Godspell Traviรฑa, layunin ng nasabing aktibidad na palakasin ang transparency, accountability, at youth leadership sa lokal na pamamahala sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na kaalaman at gabay sa mga opisyal ng Sangguniang Kabataan. Nagsilbi rin itong pagkakataon upang suriin ang implementasyon ng mga programa at proyekto ng SK at matiyak ang kanilang pagsunod sa mga umiiral na patakaran at pamantayan.

Matapos ang orientation at evaluation, isinagawa naman ang 2nd Quarterly Meeting ng Sangguniang Kabataan Municipal Federation (SKMF) kung saan pinangunahan ni SKMF President Coleen O. Dela Cruz, RN ang halalan para sa mga bakanteng posisyon sa organisasyon.

Batay sa resulta ng eleksyon, nahalal sina Kim Tababa bilang Vice President, Arnold Abehon bilang Secretary, Louresh Babe Padernilla bilang Auditor, Michael James Pimentel bilang Public Information Officer (P.I.O.), at April Babe Panes bilang Sergeant-at-Arms.

Nasaksihan ang nasabing halalan nina Oliver Corral mula sa Municipal Local Government Operations Office (MLGOO), Election Officer Gideon Falcis ng Commission on Elections (COMELEC), LYDO Traviรฑa, at Executive Secretary Jeric C. Ardina na nagsilbing kinatawan ni Mayor Villasor sa aktibidad.

Lubos namang nagpasalamat sina LYDO Traviรฑa at SKMF President Dela Cruz sa lahat ng mga opisyal ng Sangguniang Kabataan mula sa 29 barangay ng bayan na dumalo at aktibong nakibahagi sa mga isinagawang aktibidad.

Ipinapakita lamang nito ang patuloy na pagkakaisa, aktibong partisipasyon, at dedikasyon ng mga kabataang lider ng Tulunan sa pagtataguyod ng mabuting pamamahala at makabuluhang paglilingkod sa kanilang mga komunidad. Kaakibat nito ang patuloy na suporta ng pamunuan ni Mayor Villasor sa pagpapaunlad ng kakayahan at pamumuno ng mga kabataan tungo sa mas progresibo at responsableng henerasyon ng mga Tulunense.

๐‘ฎ๐’๐’ƒ๐’š๐’†๐’“๐’๐’ ๐’Œ๐’‚๐’ˆ ๐‘ฒ๐’‚๐’•๐’‚๐’˜๐’‰๐’‚๐’, ๐‘ฉ๐’‚๐’๐’‚๐’๐’”๐’† ๐’”๐’‚ ๐‘ฉ๐’‚๐’ˆ๐’๐’๐’ˆ ๐‘ป๐’–๐’๐’–๐’๐’‚๐’






โœ๏ธ| ๐˜ˆ๐˜ณ๐˜ต๐˜ช๐˜ค๐˜ญ๐˜ฆ ๐˜ฃ๐˜บ: Tulunan Municipal Information Office
๐Ÿ“ธ| ๐˜—๐˜ฉ๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฐ ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ต๐˜ฆ๐˜ด๐˜บ: LYDO_Traviรฑa
๐Ÿ“| ๐˜š๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ค๐˜ฆ: LYDO_Traviรฑa

Address

Poblacion, Cotabato
Tulunan
9403

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Local Government Unit of Tulunan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share