01/06/2026
๐๐ซ BRIGADA ESKWELA 2026 KICK-OFF
Matagumpay na isinagawa ng Jose Rivera Bonsay National High School ang Brigada Eskwela 2026 Kick-Off bilang bahagi ng paghahanda sa pagbubukas ng Taong Panuruan 2026โ2027.
Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng Opening Remarks ni Maโam Cristina T. Ferrer, PhD, Master Teacher III, kung saan binigyang-pansin niya ang mahalagang papel ng pagtutulungan ng paaralan at mga magulang sa pagkatuto at pag-unlad ng bawat bata.
Nagbigay naman ng mensahe ng suporta si Hon. Antonio R. Naval, Barangay Captain ng Pogoruac, na nagpahayag ng kahalagahan ng patuloy na pakikiisa ng komunidad sa mga programa ng paaralan.
Nagbigay ng Statement of Purpose si Maโam Maiden Fritz S. Abella, Brigada Eskwela Coordinator, kung saan binigyang-diin niya ang layunin ng Brigada Eskwelaโang mapagkaisa ang lahat ng stakeholders sa paghahanda ng paaralan upang maging ligtas, malinis, maayos, at handa para sa bawat mag-aaral.
Tinalakay rin ang mahahalagang programa at adbokasiya ng paaralan sa pangunguna nina Maโam Marissa G. Abella para sa Disaster Risk Reduction and Management (DRRM), Maโam Claudine May E. Balaoing para sa WASH in Schools (WASH-WINS), Maโam Arlene D. Gines para sa Brigada Pagbasa, at Sir Rudy B. Reyes para sa Gulayan sa Paaralan.
Nagbigay rin ng maikling oryentasyon si Sir Mark Anthony D. Abella, Master Teacher III, tungkol sa 3-Term School Calendar, Grading System, Awards, and Recognition, upang higit na maunawaan ng mga magulang at mag-aaral ang mahahalagang gabay para sa darating na taong panuruan.
Bilang tanda ng patuloy na suporta ng mga magulang sa paaralan, pinangunahan ni Rhicerwyn E. Rivera, SPTA President, ang Pledge of Commitment, na nagpapakita ng pagkakaisa at kahandaang makiisa sa mga programa at adhikain ng paaralan para sa kapakanan ng mga mag-aaral.
Matapos ang programa, sama-samang nakiisa ang mga magulang, mag-aaral, g**o, at iba pang stakeholders sa paglilinis at pagsasaayos ng kapaligiran ng paaralan. Kabilang sa mga tumulong ang ilang volunteers mula sa 4Ps at TUPAD, na naglaan ng kanilang oras at lakas upang mapanatiling malinis at maayos ang paaralan.
Aktibo ring nakiisa sa paglilinis ang mga mag-aaral sa pangunguna ng SSLG President Zilva Jhay Cabrido, kasama ang mga kinatawan at miyembro ng SSLG, BKD, at YES-O. Ang kanilang pakikilahok ay patunay ng malasakit, disiplina, at responsibilidad ng kabataan sa pagpapanatili ng isang ligtas, malinis, at kaaya-ayang kapaligiran sa paaralan.
Lubos ang pasasalamat ng Jose Rivera Bonsay National High School sa lahat ng dumalo, tumulong, at nagbigay ng suporta upang maging matagumpay ang gawaing ito. Sa pagkakaisa ng paaralan, tahanan, mga mag-aaral, at komunidad, patuloy nating ipinapakita ang tunay na diwa ng bayanihan para sa isang handang paaralan.
Sama-sama para sa isang ligtas, malinis, maayos, at handang Jose Rivera Bonsay National High School para sa Taong Panuruan 2026โ2027! ๐