29/04/2026
𝐌𝐚𝐲 𝐒𝐮𝐦𝐛𝐨𝐧𝐠 𝐊𝐚? 𝐈-𝐑𝐞𝐩𝐨𝐫𝐭 𝐌𝐨 𝐊𝐚𝐲 𝐋𝐓𝐎 𝐂𝐡𝐢𝐞𝐟!
𝘓𝘛𝘖, 𝘪𝘯𝘪𝘭𝘶𝘯𝘴𝘢𝘥 𝘢𝘯𝘨 𝘥𝘪𝘳𝘦𝘬𝘵𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘶𝘮𝘣𝘶𝘯𝘨𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘱𝘶𝘣𝘭𝘪𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘬𝘢𝘶𝘯𝘢-𝘶𝘯𝘢𝘩𝘢𝘯𝘨 ‘𝘒𝘶𝘸𝘦𝘯𝘵𝘶𝘩𝘢𝘯 𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘵𝘩𝘦 𝘓𝘛𝘖 𝘊𝘩𝘪𝘦𝘧’ 𝘧𝘰𝘳𝘶𝘮
Bilang bahagi ng ika-anim na buwan ng mga naisagawang hakbang ng pamunuan, nagkaroon ng programang “Kuwentuhan with the LTO Chief” ang Land Transportation Office (LTO) na naglalayong magbigay ng malinaw at accessible na paliwanag sa publiko hinggil sa nga polisiya, reporma, at resulta ng operasyon ng ahensya. Tampok sa unang sesyon nang nasabing programa ang paglulunsad ng “I-Report Mo Kay LTO Chief,” isang direktang sumbungan na nagbibigay sa publiko ng mabilis at madaling paraan upang mag-ulat ng reklamo, katiwalian, o concern sa pamamagitan ng website na www.ireportmokayltochief.ph at opisyal na page/messenger nito na I-Report Mo Kay LTO Chief. Ang inisyatibong ito ay kaayon ng 7-point priority agenda ni LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, partikular sa pagpapalakas ng transparency, accountability, at agarang pagtugon sa mga hinaing ng publiko.
Sa ilalim ng “I-Report Mo Kay LTO Chief,” maaaring magsumite ang sinumang motorista o mamamayan ng kanilang ulat kaugnay ng operasyon, serbisyo, o kaugalian ng mga tauhan ng LTO, kabilang ang mga insidente ng road rage, mapanganib na pagmamaneho, at iba pang paglabag na naglalagay sa peligro sa kaligtasan sa kalsada. Ang mga matatanggap na sumbong ay agad na dadaan sa kaukulang beripikasyon upang matiyak na naaaksyunan ang bawat reklamo alinsunod sa umiiral na mga patakaran.
Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao, ang nasabing inisyatibo ay bahagi ng patuloy na reporma ng ahensya upang palakasin ang accountability at gawing mas bukas ang komunikasyon sa pagitan ng gobyerno at publiko.
Hinihikayat ng LTO ang publiko na gamitin ang “I-Report Mo Kay LTO Chief” bilang isang responsableng paraan ng pakikilahok upang makatulong sa pagpapanatili ng maayos, ligtas, at mabisang sistema ng transportasyon sa bansa.
https://www.facebook.com/share/p/1Cne9Ng15Y/
Report issues related to land registration. Use our platform for efficient service and accountability in the Philippines.