ACT Cordillera

ACT Cordillera Alliance of Concerned Teachers - Cordillera

We are the regional chapter of the largest progressive, militant, and nationalist organization of teachers, academic non-teaching personnel and non-academic non-teaching personnel in the country—working for the economic and political well-being of education workers and genuine social transformation.

19/08/2026
17/08/2026

CONFIRMED: TARGET NA NEXT YEAR ANG PERA INCREASE! ✅✊

Bunga ng ating tuloy-tuloy na pagkilos, nakumpirma ni ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio kay Department of Budget and Management (DBM) Secretary Kim Robert De Leon ang target ng administrasyon na taasan ang Personnel Economic Relief Allowance o PERA sa susunod na taon.

Giit ni Rep. Tinio, napako na mula noong 2009 ang kasalukuyang P2,000 PERA. Sa dami at taas ng gastusin ng ating mga g**o at iba lang kawani ng gobyerno, napapanahon na ang pagtataas nito.
Bago matapos ang 2026 ay malalaman natin ang recommended amount ng DBM na pagtaas.

Mas lalo nating palakasin ang sama-samang pagkilos at paingayin ang kampanya para sa P5,000 PERA! ✊✨

PERA TAASAN, GAWING P5,000!

13/08/2026

Earmarking P107.4 billion for flood control projects in the proposed 2027 national budget leaves a bitter taste for schools and communities currently submerged by persistent monsoon rains, especially as accountability remains elusive in the multi-billion-peso flood control corruption scandal and big fishes remain free, denounced the Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines.

"Hindi kami tutol sa pagresolba sa lumalalang problema sa baha, ngunit higit isang taon na ang lumipas at mukhang inanod na rin ang pangako ng administrasyong pananagutin ang lahat ng sangkot sa malawakang korapsyon. Habang lubog ang mga eskwela at komunidad at sinasalanta ang edukasyon at buhay ng taumbayan, lumalangoy naman sa salapi ang mga opisyal, pulitiko at kontraktor. Sampal sa mamamayan ang pagbabalik ng daan-daang bilyong piso sa flood control projects nang hindi naibabalik ang nilustay at ninakaw na pondo ng bayan," hit Ruby Bernardo, ACT Chairperson.

ACT received reports from teachers across regions battered by monsoon rains that numerous schools have been submerged, with classrooms and learning materials damaged. The group also pointed to initial Department of Education (DepEd) reports showing that around 8,000 schools and 6 million students nationwide have been affected by disrupted learning, while more than 200 schools are being used as evacuation centers.

“These recurring realities show that climate-resilient schools cannot be achieved without resilient communities. It is painfully clear why we keep suffering the same disasters, barely moving forward only to be pushed miles back because of systemic corruption, misplaced priorities, and the government’s lack of political will and decisive action. Education bears one of the heaviest costs, not only from calamities but also from a rotten system that continues to fail our people,” Bernardo underscored.

ACT called on the Marcos Jr. administration to stop repeating its past mistakes and betrayals against the Filipino people, and demanded full and unselective accountability from the top, the recovery of wasted and stolen public funds, and meaningful and sufficient funding for education and other basic social services. #

13 August 2026 | PRESS RELEASE
ACT slams proposed P107.4B flood control funds for 2027 amid unresolved corruption

KUNDENAHIN ANG KULTURA NG KARAHASAN SA ABRA, PALAYASIN ANG BERDUGONG MILITAR!Matagal nang binabalot ng karahasan ang mam...
11/08/2026

KUNDENAHIN ANG KULTURA NG KARAHASAN SA ABRA, PALAYASIN ANG BERDUGONG MILITAR!

Matagal nang binabalot ng karahasan ang mamamayang Abrenian:
🔴Nung 2014, naganap ang Lacub masaker kung saan 9 katao ang pinatay, dalawang sibilyan, hindi sa labanan, kundi nahuli at tinortyur ng mga pwersa ng estado. Ito ay isang malinaw na paglabag ng International humanitarian Law o batas ng giyera.
🔴Nung 2022, apat na magsasakang nagsisigaw ng "sibilyan kami!" ay basta na lamang pinaputukan ng mga kasapi ng AFP. Ito rin ay nangyari sa Lacub at dalawa sa biktima ay naiwang sugatan.
🔴Nung Oktubre 2023 si Antonio Diwayan, magsasaka at residente ng Lacub, Abra, ay pinatay ng 77th Infantry Battalion matapos paghinalaang miyembro ng NPA. Pinalabas ng berdugong militar na siya ay namatay sa isang engkwentro, bagay na mariing itinanggi ng komunidad at pamilya.
🔴Nung 2024, tatlong magkahiwalay na insidente ng walang-habas na pambobomba ang nangyari sa Sallapadan, Licuan Baay, at Pilar nung Pebreo 25, 27, at Abril 2. Ang huli ay nakaapekto sa 118 pamilya at kanilang kabuhayan na karamiha'y tabako.

Ngayong 2026, apat na sunud-sunod na engkwentro ang naganap ng Hulyo 19-20, Agosto 2 at 4. Hindi na nakakagulat kung bakit malawakan din ang red-tagging sa probinsya at patuloy na pinahihirapan ang pag-oorganisa ng mga pambansa-demokratikong organisasyon dito. Malinaw na ang tunay na nagpapalaganap ng karahasan sa Abra ay ang berdugong militar at mismong estado.

Kaya’t babalik tayo sa tanong: Bakit nga ba matindi ang militarisasyon sa Abra at bakit lumalaban ang mamamayan dito?

Kung saan matindi ang pasismo at pang-aapi, may yamang nais kamkamin. Ang mga lugar mismo ng Sallapadan, Lacub, Licuan Baay, at Malibcong ay minamata ng mga dayuhang kumpanya ng minahan. Bukod pa rito, balak din magtayo ng baseng militar sa Abra. Simula’t sapul, protektado na ng estado ang mga proyektong siyang magpapalayas sa libo-libong mamamayan ng Abra sa kanilang lupa, tirahan, at kabuhayan.

Ito ang karahasan na ipinalalaganap ng estado sa bayan ng Abra. Hindi rin ligtas ang ating mga kaguruan at mag-aaral sa parehong normalisadong kultura ng karahasan. Nabalot ng pangamba ang mga paaralan at noong Mayo lamang, hininalang pinatay ng isang school principal ang isang g**o sa Bangued, Abra. Pasismo, pambobomba, matinding militarisasyon— ito ang sistematikong kondisyon na nagbibigay-daan sa karahasan at naglalagay sa mga g**o, mag-aaral, at buong bayan ng Abra sa panganib.

Kaya’t upang maging ligtas ang ating mga paaralan, kailangang ugatin ang karahasang laganap sa mismong bayan ng Abra. Kaya’t naninindigan ang mga g**o at kawani sa sektor ng edukasyon na mahalaga ang pagkamit na tunay na kapayapaang nakabatay sa hustisyang panlipunan; ang tunay na kapayapaan ay pagtigil sa inhustisya sa lupa, buhay, at kabuhayan ng mamamayang Abrenian!

Address

Rimando Road
Baguio City
2600

Telephone

+639283765215

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ACT Cordillera posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to ACT Cordillera:

Shortcuts

Share