13/09/2021
MAGANDANG ARAW MGA KABARANGAY!
The long wait is over....
Ang SANGGUNIANG KABATAAN ng Brgy. San Nicolas ay magkakaroon ng "FREE PRINTING PROGRAM" para sa ating mga mag-aaral mula Daycare hanggang Kolehiyo at sa mga nag hahanap ng trabaho.
Para sa iba pang detalye ay maaari po kayong magbigay ng mensahe sa ating official Facebook Account.
Facebook: SK San Nicolas or Sk San Nicolas Victoria
Gmail: [email protected]
1. Tanging mga lehitimong residente lamang ng Barangay San Nicolas ang maaring makakuha ng programa.
2. Ang programa ay bukas para sa mga mag-aaral mula daycare hanggang kolehiyo, nag-aaplay ng trabaho.
3. Ang pag send ng mga ipapa-print ay dapat naka format ng PDF file upang maiwasan ang pagbabago ng format sa dokumentong ipapa-print.
4. Upang maiwasan ang pagka-virus ng computer na ginagamit sa pagpi-print at makaiwas sa pagkaantala ng pagbibigay ng serbisyo sa ating mga ka-Barangay ay tanging sa e-mail lamang maaring ipadala ang dokumentong ipa-print. Hindi mpo tatanggapin kung ito po ay nasa USB.
5. Ang cut-off time ng pagpapadala ng dokumentong ipapa-print ay hanggang alas dose ng umaga lamang, at ito ay makukuha sa susunod na araw. Kapag hindi umabot sa cut-off time makukuha ang dokumentong ipapa-print sa ikalawang araw.
6. Upang masiguro na natanggap namin sa e-mail ang dokumentong naipadala makakatanggap kayo ng kumpirmasyon sa inyong e-mail.
7. Ang bawat residente ay pinahihintulutan lamang na magpa-print hanggang 20 pahina kada araw
8. Hindi kami tatanggap ng walk-in na magpapa-print.
9. Makukuha ang mga dokumentong ipina print sa tahanan ng ating SK Chairman John Philip Lim mula ala una hanggang alas singko ng hapon lamang
10. Ang inyong mga dokumentong ipapa-print ay maaring isend sa facebook/messenger at Gmail.