10/05/2026
MOTHERS DAY APO MEGA SERVICE
Ngayong Araw ng mga Ina, matagumpay nating naisagawa ang ating Mega Service bilang simpleng handog at pagmamahal para sa ating mga kababayan dito sa Vinzons. Libreng medical checkup, gamot, tuli, dental atbp.
Ang gawaing ito ay pinangunahan ng APO Vinzons Alumni Association, katuwang ang ibaโt ibang APO Chapters at Alumni Associations mula sa Camarines Norte, kasama ang Provincial Government of Camarines Norte, Provincial PNP, at Barangay 3 Poblacion.
Taos-puso kaming nagpapasalamat sa lahat ng nagpaabot ng tulong, suporta, at pakikiisa upang maisakatuparan ang programang ito. Higit na pasasalamat kina Governor D**g Padilla, Vice Governor Joseph Ascutia, Congresswoman Rosemarie Panotes,Abono Partylist, at LGU Vinzons sa kanilang walang sawang suporta sa ating mga programa para sa mamamayan.
Hindi man kalakihan, ngunit umaasa kaming ang munting serbisyong ito ay nakapagbigay ng saya, tulong, at pag-asa sa ating mga kababayan, lalo na sa ating mga ina na tunay na haligi ng bawat tahanan.
Maraming salamat sa lahat ng nakiisa. Sama-sama tayong maglingkod para sa mas maunlad at mas malasakit na komunidad. ๐ช๐ต๐ญ
Mabuhay ang Alpha Phi Omega!