LGU Candelaria, Zambales

LGU Candelaria, Zambales Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from LGU Candelaria, Zambales, Public & Government Service, Poblacion, Candelaria, Zambales.
(1)

30/08/2026
AGOSTO 29, 2026 | 12:26 AM Narito ang pinakahuling datos ng mga evacuees sa Bayan ng Candelaria, Zambales. Patuloy ang k...
28/08/2026

AGOSTO 29, 2026 | 12:26 AM

Narito ang pinakahuling datos ng mga evacuees sa Bayan ng Candelaria, Zambales. Patuloy ang koordinasyon ng MSWD at mga Barangay upang matiyak ang maagap na pagtugon at kaligtasan ng bawat pamilyang apektado ng bagyo.

⚠️ UPDATE: This post contains previous evacuee data and is NO LONGER THE LATEST COUNT. Please refer to our most recent post for the updated evacuation data.

⚠️ PAUNAWA: Ang datos ng mga evacuee na nakasaad sa post na ito ay hindi na ang pinakabagong bilang at maaaring nagbago na.

COMMUNITY KITCHEN PARA SA ATING MGA EVACUEESSa patuloy na pagtaas ng tubig at paglikas ng ilang residente, isinagawa ang...
28/08/2026

COMMUNITY KITCHEN PARA SA ATING MGA EVACUEES

Sa patuloy na pagtaas ng tubig at paglikas ng ilang residente, isinagawa ang Community Kitchen para sa paghahanda at pamamahagi ng mainit at masustansyang pagkain para sa ating mga evacuees.

🀝 Patuloy ang pagtutulungan ng LGU Candelaria, MSWDO, mga barangay at mga volunteers upang matiyak na ang pangangailangan ng ating mga kababayan sa evacuation centers ay agad na matutugunan.

28/08/2026
π—Ÿπ—šπ—¨ π—–π—”π—‘π——π—˜π—Ÿπ—”π—₯π—œπ—”, π—£π—œπ—‘π—”π—§π—”π—§π—”π—š π—”π—‘π—š π—žπ—’π—’π—₯π——π—œπ—‘π—”π—¦π—¬π—’π—‘ 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 π—¦π—˜π—šπ—¨π—₯π—œπ——π—”π—— 𝗦𝗔 π— π—šπ—” 𝗣𝗔𝗔π—₯π—”π—Ÿπ—”π—‘CANDELARIA, ZAMBALES | Agosto 27, 2026 β€” Isi...
28/08/2026

π—Ÿπ—šπ—¨ π—–π—”π—‘π——π—˜π—Ÿπ—”π—₯π—œπ—”, π—£π—œπ—‘π—”π—§π—”π—§π—”π—š π—”π—‘π—š π—žπ—’π—’π—₯π——π—œπ—‘π—”π—¦π—¬π—’π—‘ 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 π—¦π—˜π—šπ—¨π—₯π—œπ——π—”π—— 𝗦𝗔 π— π—šπ—” 𝗣𝗔𝗔π—₯π—”π—Ÿπ—”π—‘

CANDELARIA, ZAMBALES | Agosto 27, 2026 β€” Isinagawa kahapon ang pagpupulong ng Traffic Management Group (TMG) at Security Personnel ng Pamahalaang Bayan bilang paghahanda sa pagbibigay ng suporta at seguridad sa mga paaralan, lalo na sa mga aktibidad na nangangailangan ng maayos na traffic management, crowd control, at ingress at egress.

Pinangunahan ni Municipal Administrator Mr. Jonathan Michael G. Manikan ang pagpupulong upang higit na mapalakas ang koordinasyon at kahandaan ng mga TMG at security personnel sa kanilang mga tungkulin.

Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Bayan sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Byron Jones E. Edquilang, RN, na matiyak ang ligtas, maayos, at organisadong kapaligiran para sa mga mag-aaral at buong school community.

Walang pasok Bukas!!! Alinsunod sa rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at ...
27/08/2026

Walang pasok Bukas!!!

Alinsunod sa rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at sa gabay at pamamahala ni Mayor Byron Jones Edquid Edquilang, ipinapaalam sa lahat na WALANG FACE-TO-FACE CLASSES ngayong Agosto 28, 2026 (Biyernes).

Ang mga mag-aaral ay lilipat sa Modular at Asynchronous Learning upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga mag-aaral, g**o, at buong komunidad.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng ating sama-samang pag-iingat at paghahanda sa harap ng anumang posibleng banta na dulot ng kondisyon ng panahon.

Paalala sa lahat: Manatiling alerto, makinig sa mga opisyal na anunsyo, at higit sa lahat, unahin ang kaligtasan.

β€œAng kaligtasan ng bawat mamamayan ay sama-samang pananagutan. Sa panahon ng pangamba, ang pag-iingat at pagkakaisa ang ating pinakamabisang sandata.”

Mag-ingat po tayong lahat, Candelarians! πŸ‡΅πŸ‡­
Para sa ligtas, handa, at nagkakaisang Candelaria.

πŸ“š CLASS UPDATE | MAY PASOK BUKASMagandang gabi, Candelarians! πŸŒ™May pasok na po bukas, August 26, 2026 para sa lahat ng m...
25/08/2026

πŸ“š CLASS UPDATE | MAY PASOK BUKAS

Magandang gabi, Candelarians! πŸŒ™

May pasok na po bukas, August 26, 2026 para sa lahat ng mag-aaral. Maaari na po nating ihanda ang ating mga gamit, magpahinga, o tapusin ang mga aktibidad na ipinagkaloob ng ating mga g**o.

Inaasahang maaliwalas ang panahon bukas, kaya’t samantalahin natin ang pagkakataong makabalik sa ating pag-aaral nang ligtas at maayos. πŸ“–βœ¨

Sa pangunguna ni Mayor Byron Jones E. Edquilang, patuloy ang paalala sa lahat na manatiling alerto at unahin ang kaligtasan sa lahat ng oras.

Magandang gabi, Candelarians! See you in school tomorrow! πŸ’™

CANDELARIA, NAGHAHANDA PARA SA SCHOOL SAFETY DRILL SA LAHAT NG PAARALANCANDELARIA, ZAMBALES β€” Nagsagawa ng pagpupulong n...
25/08/2026

CANDELARIA, NAGHAHANDA PARA SA SCHOOL SAFETY DRILL SA LAHAT NG PAARALAN

CANDELARIA, ZAMBALES β€” Nagsagawa ng pagpupulong noong Agosto 24, 2026 ang mga kinatawan ng Department of Education (DepEd), Pamahalaang Bayan ng Candelaria, MDRRMO, PNP, BFP, at iba pang concerned agencies bilang paghahanda sa isasagawang School Safety Drill sa lahat ng paaralan sa bayan.

Napagkasunduan sa pagpupulong ang pagsasagawa ng mga drill sa pamamagitan ng rotational schedule. Sa una o ikalawang linggo ng Setyembre, isasagawa ang unang drill sa Pamibian Integrated School, na magsisilbing bahagi ng serye ng mga safety exercise sa iba’t ibang paaralan sa Candelaria.

Layunin ng programa na mapaigting ang kahandaan ng mga mag-aaral, g**o, school personnel, at mga emergency responder sa tamang pagtugon sa panahon ng emergency, sakuna, o iba pang insidenteng maaaring magbanta sa kaligtasan ng school community.

Kaugnay nito, kabilang sa mga pangunahing prayoridad ni Mayor Byron Jones β€œNik-Nok” E. Edquilang ang pagpapalakas ng seguridad sa mga paaralan. Kabilang sa mga tinututukan ang paglalagay ng solar lights, pagpapalawak ng CCTV coverage, at augmentation ng security personnel upang higit na mapalakas ang seguridad sa mga paaralan at sa kanilang paligid.

Patuloy ang koordinasyon ng Pamahalaang Bayan, DepEd, at iba pang concerned agencies upang matiyak ang maayos, organisado, at mabilis na pagtugon sa anumang emergency.

Sa pamamagitan ng sama-samang paghahanda at pagtutulungan, layunin ng Pamahalaang Bayan ng Candelaria na mapanatili ang ligtas, secure, at disaster-ready na learning environment para sa bawat mag-aaral.

Kaligtasan ng bawat mag-aaral, prayoridad ng Pamahalaang Bayan ng Candelaria.

WALANG PASOK | AGOSTO 25, 2026Candelaria, Zambales β€” Alinsunod sa abiso ng Pamahalaang Bayan ng Candelaria, suspendido a...
24/08/2026

WALANG PASOK | AGOSTO 25, 2026

Candelaria, Zambales β€” Alinsunod sa abiso ng Pamahalaang Bayan ng Candelaria, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas sa Agosto 25, 2026 (Martes) bilang pag-iingat sa ating kaligtasan.

Sa halip, ipatutupad ang modular at asynchronous learning upang maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga mag-aaral.

Patuloy na hinihikayat ang lahat na manatiling ligtas at updated sa mga opisyal na abiso ng Pamahalaang Bayan.

Sa pangunguna ni Mayor Byron Jones β€œNik-Nok” E. Edquilang, patuloy ang ating pamahalaang bayan sa pagbibigay-prayoridad sa kaligtasan at kapakanan ng bawat Candelarian.

PABATIDIpinababatid po sa lahat na ang nakatakdang Mobile Blood Donation Activity sa August 27, 2026 (Huwebes) ay KAKANS...
24/08/2026

PABATID

Ipinababatid po sa lahat na ang nakatakdang Mobile Blood Donation Activity sa August 27, 2026 (Huwebes) ay KAKANSELAHIN dahil sa masamang lagay ng panahon na dulot ng bagyo na inaasahan nating mararanasan ngayong linggo.

Ang pagkansela ng aktibidad ay para sa kaligtasan ng ating mga blood donors, staff at lahat ng dadalo.

πŸ“… Bagong Petsa: September 2, 2026 (Miyerkules)

Hinihiling po namin ang inyong pang-unawa at pakikiisa. Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta sa ating Blood Donation Program.

Manatiling ligtas at mag-ingat po tayong lahat!

Address

Poblacion, Candelaria
Zambales

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LGU Candelaria, Zambales posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share