22/08/2026
SUCCESSFUL LINGGO NG KABATAAN 2026 & KK ASSEMBLY!
Isang masaya, makabuluhan, at memorable na araw para sa ating mga kabataan!
Naging pagkakataon ang ating Linggo ng Kabataan Celebration and KK Assembly upang ibahagi at talakayin ang mga accomplishments ng Sangguniang Kabataan ngayong 1st Quarter at higit sa lahat,marinig at mapalakas ang boses ng ating mga kabataan.
Nagkaroon tayo ng exciting Brainstorming Games na may iba't-ibang tanong tungkol sa History,Parts of the Body,Logic,General Knowledge at marami pang iba!Talagang nasubok ang kaalaman,teamwork at mabilis na pag-iisip ng ating mga kabataan!
Congratulations to all participating groups!
🥇 Champion - ₱2,000 Cash Prize
🥈 Consolation - ₱1,500 Cash Prize
At syempre,hindi kumpleto ang event kung walang surprises!Ang bawat dumalo sa KK Assembly ay nakatanggap ng NutriCare Package bilang aming simpleng pasasalamat sa inyong oras,presensyaa t aktibong pakikilahok.
Nagkaroon din tayo ng Raffle Draw kung saan nag-uwi ang ating mga kabataan ng exciting prizes tulad ng Electric Fan,Electric Kettle,5KG Rice,Tumblers at marami pang iba!
SPECIAL THANKS!
Taos-pusong pasasalamat sa ating Barangay Council,kasama ang buong Barangay Council sa walang sawang suporta at pakikiisa sa ating mga programa para sa kabataan.
Maraming salamat din sa ating masipag at maaasahang Sangguniang Kabataan,na patuloy na nagsusumikap na makapaghatid ng makabuluhan at masayang programa para sa ating mga kabataan.
At higit sa lahat,hindi magiging matagumpay ang lahat ng ito kung hindi dahil sa tulong,gabay at biyaya ng ating Panginoon.
To God be all the glory!
Maraming salamat sa lahat ng KK Members at kabataan ng Barangay Alusiis na naging bahagi ng matagumpay na event na ito!