26/05/2026
SAN MARCELINO, MULING NAKAKUHA NG "IDEAL FUNCTIONALITY" RATING SA 2026 LCPC AUDIT!
Isa na namang karangalan para sa Bayan ng San Marcelino matapos muling makamit ang “Ideal Functionality” rating sa isinagawang 2026 Local Council for the Protection of Children (LCPC) Audit.
Ang “Ideal Functionality” ay ang pinakamataas na functionality rating ng Local Council for the Protection of Children (LCPC) na iginagawad sa mga lokal na pamahalaang may mahusay at epektibong pagpapatupad ng mga inisyatibong nagtataguyod sa proteksyon, karapatan, at kapakanan ng mga bata.
Patunay lamang ito ng patuloy na masigasig na pagsusumikap ng Pamahalaang Lokal ng San Marcelino, sa pamumuno ng ating mahal na Hon. Mayor Elvis Ragadio Soria, sa pagpapatupad ng mga programang nakatuon sa kaligtasan, edukasyon, at pangkalahatang kapakanan ng bawat batang Marcelinean tungo sa isang ligtas, maayos, at mas maunlad na kinabukasan.
Lubos namang nagpapasalamat ang pamahalaang lokal sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa pangunguna ni MSWDO Head Sahra Soria, sa mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Philippine National Police (PNP) San Marcelino, at sa lahat ng ahensya, organisasyon, at indibidwal na naging katuwang sa pagsusulong ng kapakanan at proteksyon ng mga kabataang Marcelineans.
Muli, congratulations, LGU San Marcelino! 👏💙
Edukasyon… Respeto… Serbisyong tapat para sa inyo… MARCELINEANS!