PIA Western Mindanao

PIA Western Mindanao PIA9 is committed to providing a free flow of timely, accurate, and relevant information to Zamboanga Peninsula and beyond.
(4)

ICYMI | Binigyang-diin sa Malacañang Press Briefing ang pagpapalakas ng flood control at climate resilience, pagbibigay ...
01/09/2026

ICYMI | Binigyang-diin sa Malacañang Press Briefing ang pagpapalakas ng flood control at climate resilience, pagbibigay ng ayuda sa mga apektadong komunidad, pagpapaunlad ng imprastraktura, at pagpapalakas ng serbisyo at seguridad sa karagatan sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Narito ang mga mahalagang detalye mula sa Malacañang Press Briefing ngayong Setyembre 1, 2026 kasama si Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro:

- Hinimok ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mahigpit na pagpapatupad ng mga batas kaugnay ng climate change, urban planning at no-build zones upang maprotektahan ang buhay at mabawasan ang panganib ng pagbaha.

- Binigyang-diin ng Pangulo ang pangangailangang iangkop ang mga flood-control at urban-planning measures sa lumalalang epekto ng climate change, kabilang ang pagsusuri sa mga umiiral na master plan para sa Metro Manila at Cebu.

- Inatasan ang mga ahensya ng pamahalaan na tiyaking walang pamilyang maiiwan sa gitna ng kalamidad, partikular ang mga residenteng nasa isolated areas dahil sa matinding pagbaha.

- Patuloy ang paghahatid ng food packs, ready-to-eat food, non-food items, bigas, potable water at financial assistance sa mga apektadong residente sa Central Luzon at iba pang lugar.

- Naglaan ang pamahalaan ng agricultural assistance, crop insurance at financial assistance para sa mga magsasaka at mangingisdang naapektuhan ng pagbaha, kabilang ang recovery loan na nagkakahalaga ng hanggang P35,000.

- Tiniyak ng DOH ang sapat na suplay ng gamot at kapasidad ng mga ospital para sa mga kaso ng leptospirosis, habang patuloy ang health response sa mga lugar na sinalanta ng baha.

- Isinusulong ng DPWH ang agarang pagkukumpuni ng mga nasirang kalsada, tulay, d**e at iba pang imprastraktura sa mga apektadong lugar, kabilang ang mga proyekto sa Tarlac, Pampanga at Zambales.

- Binigyang-diin ang pananagutan ng mga LGU sa pagpapatupad ng no-build zones, National Building Code, wastong pagtatapon ng basura at pagpapanatiling malinis ng mga daluyan ng tubig.

- Tinalakay ang posibilidad ng mga karagdagang flood-control at water-impounding projects sa Pampanga, kabilang ang muling pagsusuri sa mga naunang panukala upang matukoy ang mga angkop na pangmatagalang solusyon.

- Sa sitwasyon sa NLEX, sinabi ng Palasyo na ang pangunahing prayoridad ng Pangulo ay ang agarang pagtulong sa mga stranded na motorista, hindi ang pagpapataw muna ng mga sanction.

- Iginiit ng Malacañang na ang tunay na serbisyo ng mga opisyal ay nasusukat sa kanilang gawa at pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan, habang nanawagan din ng pagiging sensitibo sa panahon ng krisis.

- Kinilala ni Pangulong Marcos Jr. ang mahalagang papel ng Philippine Coast Guard (PCG) sa pagbabantay sa West Philippine Sea, pagsuporta sa replenishment missions, pagtulong sa mga mangingisda, maritime safety, search and rescue, at paglaban sa illegal fishing at smuggling.

- Hinamon ng Pangulo ang mga bagong halal na PCG flag officers na manguna nang may tapang, integridad, disiplina at kahandaan, habang isinusulong ang modernisasyon, inobasyon at pakikipagtulungan sa iba pang institusyon.

- Inihayag ang pagdaraos ng 2026 National Peace Consciousness Month opening ceremony, kasabay ng paggunita sa mahahalagang kasunduang pangkapayapaan ng pamahalaan.

Sa panunumpa ng mga bagong halal na Philippine Coast Guard Flag Officers, binigyang-diin ni Pangulong Bongbong Marcos na...
01/09/2026

Sa panunumpa ng mga bagong halal na Philippine Coast Guard Flag Officers, binigyang-diin ni Pangulong Bongbong Marcos na ang ranggo ay hindi lamang titulo kundi isang malaking responsibilidad na direktang nakaaapekto sa buhay, kabuhayan, at kaligtasan ng mga Pilipinong umaasa sa karagatan.

01/09/2026
01/09/2026

Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary and Palace Press Officer Atty. Claire Castro holds a press briefing with the Malacañang Press Corps (MPC) on September 1, 2026.

Let us honor the courage and sacrifices of our heroes by choosing to serve, care, and contribute to a cause greater than...
31/08/2026

Let us honor the courage and sacrifices of our heroes by choosing to serve, care, and contribute to a cause greater than ourselves.



31/08/2026

LIVE | Makilahok sa talakayan tungkol sa papel ng policy research sa pagpapalakas ng mga institusyon, pagpapaunlad ng human capital, at pagsusulong ng inklusibong kaunlaran para sa bansa kasama si PIDS President Dr. Philip Arnold P. Tuano sa 2026 Development Policy Research Month.

Nanawagan ang Malacañang sa mga online platform na maging responsable sa content na kanilang inilalabas, lalo na upang m...
28/08/2026

Nanawagan ang Malacañang sa mga online platform na maging responsable sa content na kanilang inilalabas, lalo na upang maprotektahan ang mga kabataan laban sa mga panganib ng social media.

TUGON SA ONLINE HARM

Matapos ang mga pangamba sa epekto ng social media sa mga kabataan, muling nanawagan ang Malacañang sa iba pang online platforms na maging responsable sa content na inilalabas at ipinapakalat sa kanilang mga serbisyo.

Kasabay nito, sinabi ng Palasyo na magandang senyales ang kasalukuyang tugon ng Facebook at umaasa itong mahihikayat din ang iba pang platforms na makipagtulungan sa pamahalaan.

28/08/2026

𝐁𝐀𝐖𝐀𝐓 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐍 𝐌𝐀𝐊𝐈𝐊𝐈𝐍𝐀𝐁𝐀𝐍𝐆 | Pakinggan ang mga karanasan at pasasalamat ng mga benepisyaryo ng Local Government Support Fund (LGSF) sa Lalawigan ng Zamboanga del Norte






PANOORIN: Nagpaabot si Pangulong Bongbong Marcos ng pakikiramay sa pamilya at mga kasamahan ni Maj. Ma. Joshua P. Santia...
28/08/2026

PANOORIN: Nagpaabot si Pangulong Bongbong Marcos ng pakikiramay sa pamilya at mga kasamahan ni Maj. Ma. Joshua P. Santiago, na kanyang inalala bilang isang matapang, maaasahan, at dedikadong sundalo at mabuting tao.

TINGNAN: Nagpaabot si Pangulong Bongbong Marcos ng pakikiramay sa pamilya at mga kasamahan ni Maj. Ma. Joshua P. Santiago, isang magiting na sundalong naglingkod sa bayan nang may tapang, dangal, at dedikasyon.

Inalala rin ng Pangulo ang kanyang dating Aide-de-Camp bilang isang maaasahang opisyal at mabuting tao.

Ready ka na ba sa pag-ungkat sa past at sa books of accounts?Alamin ang magaan pero informative na kuwentuhan kasama si ...
28/08/2026

Ready ka na ba sa pag-ungkat sa past at sa books of accounts?

Alamin ang magaan pero informative na kuwentuhan kasama si Ms. Heidi Mendoza tungkol sa kanyang buhay bilang government auditor sa Just The Truth Podcast with Jay Tarriela, ngayong gabi, alas-7, sa pages ng PIA at West Philippine Sea Transparency Group.

Ready ka na ba sa ungkatan ng past at ng books (of accounts)?

Isang light at informative kwentuhan kasama si Ms. Heidi Mendoza, isang certified public accountant, sa kanyang buhay bilang dating government auditor.

The challenges, the triumphs, and everything in between—lahat ng iyan ating alamin sa Just The Truth podcast with Jay Tarriela.

Catch the latest episode tonight, 7PM sa page ng Philippine Information Agency at West Philippine Sea Transparency Group.

Address

Regional Government Center, Balintawak
Pagadian City
7016

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when PIA Western Mindanao posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share