23/11/2024
Alinsunod sa Division Memorandum No. 607 s. 2024, ang Filipino Values Month 2024 ay matagumpay na ipinagdiwang sa Canuto Enerio National High School na may temang "Pagsusulong sa Bagong Pilipinas: Kabataan Bilang Pundasyon ng Pagbabagoโ.
Ang isang buwang pagdiriwang ng Filipino Values ay pormal na binuksan noong Nobyembre 8, 2024, sa pamamagitan ng isang maikling opening program at symposium na layuning mapalalim ang kaalaman ng mga mag-aaral hinggil sa Filipino values at kung paano ito maisasabuhay sa kanilang mga komunidad at sa makabagong panahon.
Nobyembre 22, 2024 ay pormal namang winakasan ang selebrasyon na may kasamang iba't ibang patimpalak at aktibidad tulad ng Poster at Slogan Making Contest kung saan ipinakita ng mga mag-aaral sa Senior High School ang kanilang husay sa paglikha ng mga poster at slogan na naglalarawan ng mga mahahalagang Filipino values tulad ng pagkakaisa, malasakit, at respeto. TikTok Challenge na nagbigay daan para sa mga Junior High School students na ipakita ang kanilang mga talento sa pamamagitan ng makabago at masayang format ng social media, at Praise and Worship Song-Choral Singing na nagpapakita ng pagkakaisa ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng musika.
Ang buong pagdiriwang ng Filipino Values Month 2024 ay nagtapos ng puno ng kasiyahan at aral na tumatak sa puso at isipan ng mga mag-aaral. Ito ay naging matagumpay sa pagpapalaganap ng mga kahalagahan ng Filipino values sa buong komunidad ng paaralan. Ang mga aktibidad ay nagsilbing pagninilay, inspirasyon, at gabay sa bawat isa sa atin tungo sa mas maliwanag at mas makulay na kinabukasan bilang mga mamamayang Pilipino.