22/10/2025
“NASUNOG ANG MGA EBIDENSYA?!”
Nagdulot ng pangamba sa publiko ang pahayag ni Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga kaugnay ng sunog na tumupok sa Bureau of Research and Standards (BRS) ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Quezon City nitong Miyerkules ng tanghali.
Sa kanyang viral Facebook post, sinabi ni Barzaga na ang insidente ay sumira umano sa mga ebidensiyang nag-uugnay kina Martin Romualdez, Sandro Marcos, Arjo Atayde, Roman Romulo, at Jay-Jay Suarez sa mga anomalya sa flood control projects.
“Ang sunog sa opisina ng DPWH ay sumira sa mga ebidensiyang nag-uugnay kina Martin Romualdez, Sandro Marcos, Arjo Atayde, Roman Romulo, at Jay-Jay Suarez sa flood control anomalies.”
(“DPWH Office Fire destroys evidence linking Martin Romualdez, Sandro Marcos, Arjo Atayde, Roman Romulo, and Jay-Jay Suarez to Flood Control Anomalies.”)
Ayon sa Bureau of Fire Protection–NCR, nagsimula ang sunog sa DPWH-BRS building sa NIA Road, Barangay Pinyahan, Quezon City bandang 12:39 p.m. Itinaas ito sa third alarm pagsapit ng 12:56 p.m., bago tuluyang naapula alas-1:49 ng hapon.
Walang naiulat na nasugatan, ngunit nananatiling palaisipan kung may mga dokumentong naapektuhan—lalo na’t kasabay nito ang mga imbestigasyon ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) at Senate Blue Ribbon Committee.
Bilang tugon, tiniyak naman ni DPWH Director Juliana Vergara sa publiko na walang sensitibong dokumento ang nadamay sa apoy.