23/04/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Tuluyan nang tinuldukan ang matagal na hidwaan sa pagitan ng pamilyang Adam at Sampulna ng Barangay Barungis matapos muling pagtibayin ang kanilang kasunduang pangkapayapaan sa isang seremonya na ginanap sa Municipal Hall ng Ligawasan.
Ang naturang kasunduan ay pagpapatibay ng naunang peace settlement na unang isinagawa noong Agosto 1, 2025, bilang hakbang upang wakasan ang alitan ng dalawang pamilya. Sa pinakahuling pagtitipon, muling pinagtibay ng magkabilang panig ang kanilang pangako para sa pangmatagalang kapayapaan at pagkakaisa.
Pinangunahan ang seremonya ni Ligawasan Mayor Ismael Sultan Mama, kasama ang dating alkalde ng Pagalungan na si Datu Salik Mamasabulod, na parehong nagbigay-diin sa kahalagahan ng dayalogo at pagkakaunawaan sa pagresolba ng sigalot.
Dumalo rin ang mga opisyal ng kapulisan, kabilang sina PLT Joselito S. Radam at Noel R. Tulbanos, bilang suporta sa pagpapanatili ng kaayusan at seguridad sa komunidad.
Nakiisa rin ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan at ang Council of Elders sa pangunguna ni Mohaliden Ali, na gumanap ng mahalagang papel sa pamamagitan ng tradisyunal na pamamaraan ng pag-aayos ng alitan upang mapalapit ang dalawang panig.
Sa huli, pormal na nagkasundo ang dalawang pamilya sa pamamagitan ng isang sagradong Bayโa, na sumisimbolo sa kanilang taimtim na pangako na iwanan ang hidwaan at panatilihin ang kapayapaan.
Tinapos ang seremonya sa isang panalangin para sa patuloy na gabay at pagpapala sa dalawang pamilya at sa buong komunidad.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang matagumpay na resolusyon ng alitan ay patunay na sa pamamagitan ng pagkakaisa, matibay na pamumuno, at pananampalataya, maaaring makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa Bangsamoro.